Chapter 12: A Day of Kisses

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pwede. Sige, sinong may bote dyan?"

Tumayo naman yung sumigaw at kumuha ng bote.

"Okay. Ang gagawin ng matuturo nitong bote, he/she will tell his/her name saka natin siya tatanungin ng Truth or Dare. Game?"

Lahat naman okay, kaya pina-ikot yung bote. Wag naman sana ako yung una!

.

.

.

.

.

YES! Hindi ako!

Sunod-sunod yung natutukan ng bote. Dalawa na lang ata ang hindi pa nakakapagpakilala. Including me. Haha.

"I'm Nyke. Senior." Nyke? Di ba yan yung sapatos?? (Nayk)

"Truth or dare Nyke?"

"Dare."sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.

"Hmm. Kiss the cutest girl on the CHEEK here in this circle. Pero lahat ng girls pipikit. Bubuksan niyo lang mata niyo kapag naka-upo na ulit si Nyke."

Kiss?! Sino naman gustong mahalikan ng sapatos?! Pero since lahat pumayag, pumikit na din ako. No choice. Feeling ko naman na ako yung-

"Cute."

Narinig ko sa tabi ko? Hindi ko sure kasi nga nakapikit ako. Ang tagal naman kasi eh!

*tsup*

(O_O)!

Ako hinalikan ni sapatos-este ni Nyke! Napadilat tuloy ako ng 'di oras! Ang lapit ng mukha niya! Konting tulak at mahahalikan na niya ako!

(O/////O)

"No peeking." sabi niya habang nakasmirk saka sinara yung mga mata ko.

"Pwede na kayo tumingin."

Ako hinalikan niya! Nakakahiya naman yun! Buti na lang nakapikit yung iba. Teka! Yung girls lang pala nakapikit. Ibig sabihin . . . nakita ng boys?!

"Si Ms. Cute na." napatingin naman silang lahat sakin. Sakin na pala nakatapat yung bote.

"Uhm. Molly Garcia. Momo for short. Third year."

"Truth or dare?"

"Truth."

"May boyfriend ka na ba?" tanong ni sapatos-este Nyke. Siya pa talaga nagtanong nyan!

"Wew! Nice bro!" Naghiyawan naman sila.

"M-Meron."

"Awww. Naunahan ka dre!" sigaw pa ng isang lalake. Yung ibang babae naman kung makatingin parang . . . naiinis?

"Who?" tanong ni Nyke.

"Ops! Isang tanong isang sagot lang! So lahat naman na natawag di ba? Since lahat naman na okay, punta na tayo sa announcements."

Hay salamat. Matatapos na 'to. Kakaiba din mga trip nila eh. Wild!

"Magsisimula na ang training natin on Monday for the city competition and Intramurals next month! Palakpakan!"

Nagpalakpakan naman lahat. Yung iba mukhang excited, kasama na ako syempre dun! Napatingin naman ako dun sa Nyke, ang loko! Kinindatan ako! Kanina pa 'to ah!

"Kaya magdala kayo ng pangpractice! MWF ang sched. Pati Sabado ng umaga lang naman. Baka kasi maistorbo ang mga nakaplanong date niyo eh."

Nang natapos na ang announcements, pwede na daw kami umalis. Kaso yung iba nakipagpalitan pa sakin ng number. Mostly girls lang binigyan ko ng number ko. Baka kasi makuha nung Nyke yung number ko sa ibang boys. Ang feeler ko noh? Maganda naman ako ah. Pagbigyan niyo na. (=.=)

My Crush and My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon