Bumuntong-hininga ako at biglang nakaramdam ng lungkot.

Mabigat ang loob na umalis ako sa dalampasigan hanggang sa makarating ako sa bahay ni Tiya Emelda.

Wala man lang ngiting nakaukit sa aking labi, napansin iyon ng tiyahin ni Adonis nang mapatingin ito sa 'kin.

Nasa kubo kasi siya na tambayan nila, kinawayan pa ako nito at sinenyasan na lumapit sa kaniya.

Sumunod naman ako at ng makarating ay pinaupo niya ako sa harap niya at sa bamboo table nila ay may nakalatag na baraha at sa tingin ko ay nag babaraha ito.

Nginitian ako nito at kumain ng mani na nasa mangkok. "Ano kamusta ang pangingisda niyo? Pumunta naba si Adonis sa port? " tumango ako bilang sagot sa tanong nito.

Napailing si Tiya Emelda ng mapansin ang kalungkutan ko. "Naku, hija. Mabilis lang namang makakarating 'yang si Adonis sa port kaya huwag kang mag alala. " pagpapagaan nito sa loob ko.

Nag aalala ako. Dahil madilim na at baka mapaano pa siya sa gitna ng karagatan habang papunta sa Calbayog port.

"P-pero madilim n-napo... " may bahid ng pag aalala sa boses ko. At hindi din ako mapakali.

Magaan akong nginitian ng tiyahin ni Adonis at mahinang tinapik ang braso ko. "May gasera naman siyang dala. "

"Alam mo ba no'ng unang nagsama kami ng tiyuhin ni Adonis ay kagaya mo din ako ay nag aaalala din sa kaniya. Dahil gabi nadin non ng umalis siya, pero nanalig lang ako sa diyos at may tiwala ako sa asawa ko na hindi niya ako iiwanan. Kaya mag tiwala kadin kay Adonis, ginagawa niya ito. Para sayo-sa inyo. " at nginitian ako nito.

Nagbaba ako ng tingin. "Kumain kana ba? " tanong niya.

Umiling ako. "Hindi pa po. "

"Hala, sige. Kumain kana, nasa lamesa ang pagkain tinakpan ko baka kasi kainin ng mga pusa. "

Tumango ako at nagmartsa na papasok sa loob ng bagay. Wala akong gana habang kumakain at lumilipad padin ang isip ko at nag aalala kay Adonis.

Kaya lumabas ako para hintayin siya pagkatapos kong kumain. Kahit na malamig na ay nasa labas padin ako.

"Malayo pa ang Calbayog port mula dito. Kaya huwag mo na siyang hintayin, hija. " narinig ko ang boses ng tiyahin ni Adonis sa likod ko.

Nilingon ko siya at nakita ko na may dala dala siyang dalawang tasa na umuusok pa na sa tingin ko ay kape.

Tipid niya akong nginitian at nagmartsa patungo sa kubo at inilapag sa sahig nito ang mga tasa at naupo.

"Halika, maupo ka." Marahang sinabi nito.

Sinunod ko ang utos niya. Nakaupo nadin ako sa sahig at nasa gitna namin ang dalawang tasa. Inabutan niya ako ng tasa na tinggap ko.

"Makulit si Adonis. Dahil alam niyang bawal pero pinasok niya. " matamaan nitong sinabi at sumimsim sa kaniyang kape.

Bumaba ang tingin ko sa tasa. Naramdaman ko pa ang pag lingon sa akin ng tiyahin ni Adonis.

"Mahirap ang umibig. Hija, mahirap kalabanin ang mga taong tutol sa pag iibigan ninyong dalawa. " natigilan ako.

"Wala pa kayong nasisimulan pero sila meron na. " humigpit ang hawak ko sa hawakan ng tasa.

"P-pero p-parang hindi k-ko po kaya na m-mawalay sa akin si Adonis. " mahina ang boses ko.

"Ayaw mo siyang mawalay sayo? Pero mahihirapan siya, hija. Mahihirapan siyang pakawalan ka. At mahihirapan siyang ipaglaban ka. Pero kilala ko ang pamangkin ko, hindi siya sumusuko kaagad. Lalo na pagdating sa babae niya, babaeng mahal na mahal na mahal na mahal niya... "

Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang nakatingalang si Tiya Emelda.

Malungkot ang mga mata nito. "Kaya sana ipaglaban mo din siya. Tanggapin mo kung ano ang mangyayari sa inyo... Sana hindi iyon maging hadlang para bitawan mo siya. " umalis siya sa pagkakaupo sa sahig ng kubo at hinarap ako at maliit na nginitian.

"Papasok na ako sa loob. Ikaw din, lumalamig na ang simoy ng hangin at baka magkasakit kapa. "

"Ah. Sige po. Papasok nalang din po ako. Maya-maya... " mahina kong sinabi at nag iwas ng tingin.

Tumatak sa isip ko ang lahat ng mga sinabi ng tiyahin ni Adonis. At parang may tumarak sa puso ko na isang punyal habang iniisip na baka mangyari ang bagay na hiwalayan ko siya ng dahil lang sa pagkatao niya. Kilala ko naba talaga si Adonis? Syempre hindi.

Sarili kong tanong sarili kong sagot. Pero bakit nakakaramdam ako ulit ng pangamba? Pangamba na baka mag hiwalay kami.

Pero hindi malabong hindi mangyari iyon. Hanggang saan kami aabot ni Adonis? At hanggang kailan kami magtatago? At hanggang kailan kami lalaban?

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Where stories live. Discover now