"Hoy hintayin mo naman ako! " natatawa kong sita sa kaniya at hindi na napigilan ang sarili na hindi matawa.

Tumigil si Adonis sa paglalakad at kunot noo akong nilingon, bakas padin sa kaniyang mukha ang iritasyon.

Ngiting ngiti ko pa siyang tinignan. Hanggang sa nawala ang pagkakakunot ng noo niya at iritasiyon sa kaniyang mukha. Napakagat ako ng pang-ibabang labi dahil doon. So nawawala ang galit niya kapag ngini-ngitian ko siya? Edi gano'n nalang ang gagawin ko kapag nagagalit siya sakin para mawala ang galit niya.

Nakangisi ako habang naglalakad kami habang si Adonis naman ay mahinang nagmumura sa gilid at bumubulong bulong ng kung anu ano.

Nilipad ng hangin ang buhok ko kaya bumuhaghag iyon sa mismo kong pagmumukha at narinig ko ang pag 'tsk' naman ni Adonis.

"Magtali ka nga, nag mumukha kang aswang. Baka mamaya layuan ka pa ng mga bata dito. " hindi iyon suwestiyon dahil ng aasar siya.

Tinignan ko siya ng masama nang matanggal ang buhok ko na sumabog sa mukha ko.

"Grabe ka naman sa buhok ko. "

Nginisian lang ako ni Adonis at inabutan ako ng pantali.

Padabog ko iyong tinggap at nakasimangot habang tinatali ang buhok.

Nakasimangot ko pa ding tinignan si Adonis ng huminto ito sa isang tindahan ng mga pagkain.

Patay malisya lang siyang nag iwas ng tingin kaya napairap ako.

Ngunit bumalik din ang tingin ko sa tindahan. Mga prutas ang tinitinda nito nahagip pa ng mga mata ko ang isang mangga at bigla akong nag laway. Wala sa oras akong napalunok ng laway habang hindi maalis ang tingin sa mga mangga.

"Hijo, mukhang gusto ng asawa mo ng mangga. " puna ng matandang tindera sakin at nginitian ako ng mapatingin ako sa kaniya.

Nilingon ako ni Adonis maging ang mangga. "Magkano po ba ang mangga niyo 'nay? " walang pag aalin-langang tanong ni Adonis na ikinagulat ko.

Mahal ang bayad sa bangka kanina. At kahit hindi niya sabihin ay alam kong wala na siyang pera.

Nginitian siya ng matanda. "Naku, regalo ko na lang 'yan sa inyo dahil sa bago kayong kasal. O hija, pumili kana. " at biglang baling sakin ng matanda.

Gulat akong napatingin sa kaniya at bumaba ang tingin sa mangga. Gusto kong sabihin na hindi kami mag asawa kaso sayang naman yung mga mangga.

Itinuro ko ang malaking mangga na malapit lang sa akin. Kinuha naman 'yon ng matanda at nag salitang muli.

"Pumili kapa ng dalawa. " sabi nito na ikinagulat ko pero mas nangibabaw ang saya kaya nagturo turo pa ako ng mangga.

Malaki ang ngiting tinggap ko ang plastik na may manggang pinili ko at nag pasalamat sa matanda.

"Maraming salamat po! " sa sobrang saya ko ay halos buhatin kona si Nanay.

Nginitian lang ako ni Nanay at masayang bumaling kay Adonis.

"Naku, hijo. Maupay man nimo asawa. Jusko wag na nimo pakawalan. " natatawang sabi nito at may pagkawaray accent pa sa boses nito.

Nangunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinabi ng matanda. Ang naintindihan ko lang ay ang 'asawa' at ang 'wag pakawalan'. Isa lang kasi ang alam ko sa 'maupay' kundi ang maayos.

Maslalong nangunot ang noo ko ng nginitian ni Adonis ang matanda.

Nakakaintindi ng waray si Adonis. Hindi malabong hindi, dahil nakikita ko pa ang pag silay ng pilyong ngiti sa labi ni Adonis.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon