Chapter 28: Prologue

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anong kasunod ng pangalan mo?" Pilit na kinokontrol ni Ponzi ang pananalita upang 'wag itong matakot.

"Po?" Tanong ng dalaga saka bahagyang tumawa.

"Mary Serenity ba ang pangalan mo?" Pagdidiin ni Ponzi at sa isang iglap ay agad na nawala ang ngiti sa mukha ng dalagang mistulang lalo lamang naguluhan.

"P-paano mo nalaman?" Naguguluhan nitong sambit dahilan para muling mapatitig sa mga mata niya.

"S-samonte... Mary Serenity Samonte, h-hindi mo ba talaga ako kilala?" Hindi na maitago pa ni Ponzi ang lungkot at panlulumo lalo na nang muli niyang sinubukang hawakan ang kamay nito pero umiwas lamang ito sa kanya.

"I.. I don't know." Naguguluhang sambit nito at para bang naiiyak na.

"Anong ibig mong sabihin?" Giit ni Ponzi na lalo pang naguluhan dahil sa naging reaksyon nito.

"Serenity..." Bigla na lamang nilang narinig ang boses ng isang babae kaya naman sabay-sabay silang napalingon sa direksyon nito.

"Mommy!" Dali-daling nagtatakbo si Serenity patungo sa ina niya.

"Ponzi hijo ikaw ba 'yan?" Biglang sambit ng ginang nang magtama ang tingin nila ni Ponzi at maalala niya ito bilang ang binatang minsang naghatid sa anak niya pauwi.

Litong-lito man sa nangyayari ay muling nabuhayan ng pag-asa si Ponzi.

***

"C-car accident?" Hindi halos makapaniwala si Ponzi sa narinig mula sa mga magulang na Serenity na ngayo'y kasama niya sa isang coffee shop.

Ibinaba ng ama ni Serenity ang tasa matapos uminom, "Last week bigla kaming nakatanggap ng isang tawag mula sa ospital at sinasabing isinugod siya doon. Napakasaya namin kasi nakaligtas siya pero nagulat kami kasi parang bulang naglaho ang lahat ng alaala niya. Ni kaming mga magulang niya, hindi niya maalala." Nanlulumong kwento nito dahilan para mapasulyap na lamang si Ponzi kay Sisa na nasa labas ng coffee shop at ka-kwentuhan si Jojo.

Napakaraming katanungang bumabag kay Ponzi, sa sobrang dami ay hindi niya alam anong uunahin, "N-nakatanggap ho ba kayo ng tawag mula sa Crimson Lake tungkol sa isang—"

"Yun bang hoax?" Tanong ng ina ni Serenity, "Nagtataka din ako dun, last week bigla akong nakatanggap ng tawag na maaring isa daw ang mga anak ko na namatay sa isang sunog at kailangan daw nila ng DNA sample para makumpirma kung bangkay niya nga 'yon pero hindi ko nalang pinansin kasi ng mga oras na 'yon nasa Redwood Hospital kami kung saan naka-admit si Serenity at malayo sa Crimson Lake." Paliwanag nito kaya tumango-tango na lamang si Ponzi.

"Saan po nangyari ang aksidente?" Pang-uusisa pa ni Ponzi.

"Hindi na kami nakapagtanong pa, tanging ang kundisyon ni Serenity lang ang nasa isipan namin ng mga panahong iyon." Sabi pa ng ama nito kaya muling tumango-tango si Ponzi.

Nakita ni Ponzi ang pag-aalala ng mag-asawa para sa anak nila kaya mas minabuti ni Ponzi na hindi na lamang nag-usisa pa.

"Hijo kung hindi kalabisan, gusto sana naming humingi ng pabor sa'yo." Tila ba nahihiyang sambit ng ama ni Serenity.

"Ano po 'yon?" Agad na tanong ni Ponzi.

"Nabalitaan namin ang pagkamatay ni Julia at Zeppelin. With everything that's been going on, Serenity's going to need a friend.  Ikaw lang ang kakilala naming kaibigan ni Serenity na totoong nagmamalasakit sa kanya kaya sana ipagpatuloy mo ang pagiging mabuting kaibigan mo sa kanya. Sana alalayan mo siya." Pakiusap ng ina ni Serenity kaya naman walang kagatol-gatol na tumango-tango si Ponzi at ngumiti.

"Kahit po di niyo sabihin, 'yon parin po ang gagawin ko." Giit ni Ponzi.

"Hijo kaibigan lang." Pabirong pasaring ng ama ni Serenity.

Napabuntong-hininga ang ina ni Serenity habang pinagmamasdan ito habang nasa labas at kausap parin si Jojo, "Sa totoo lang hindi talaga kami sanay sa ugali ni Serenity ngayon. She's sweet, calm and rational now, it's as if she's a new person right after the accident but hindi nalang namin iniintindi kasi ang mahalaga buhay ang anak namin at mukhang masaya naman siya. Nakakalungkot kasi wala na siyang maalala pero iniisip ko nalang na baka mas mabuti narin 'to para makapagsimula ulit ang anak ko ng isang bagong buhay na walang masasamang alaala o sama ng loob. This is her new start at life." Sabi pa ng ina ni Serenity.

****

Matapos ang pag-uusap ni Ponzi at ng mga magulang ni Serenity ay agad siyang lumabas mula sa coffee shop at nilapitan ang kanina pa nagk-kwentuhan na sina Jojo at Serenity.

"Secret lang natin ha?" Narinig ni Ponzi na sinabi ni Jojo kaya agad na nakunot ang noo niya.

"Anong secret?" Agad na usisa ni Ponzi pero laking gulat niya nang makitang nakangiwi na si Serenity habang nakatingin sa kanya at para bang nandidiri sa kanya.

"Teka anong sinabi mo sa kanya?!" Agad na pinanlisikan ni Ponzi ng tingin si Jojo.

"Sabihin nalang nating, magkasingdumi na tayo sa isipan niya." Pagmamalaki ni Jojo saka napahalakhak na para bang isang demonyong kinulang ng bitamina.

"Sisa 'wag kang maniniwala sa sinasabi nito!" Giit ni Ponzi saka pabirong binatukan si Jojo.

Imbes na tumawa ay napasimangot lamang ang ito, "Hey that's not nice! 'Wag mo siyang batukan! And please don't call me Sisa, that's not my name! I'm Serenity... Wait, ano nga pala ang pangalan mo?"

Nagulat man sa reaskyon ni Serenity ay muling ngumiti si Ponzi.

 "Agapito Zosimo Tanya." Buong pagmamalaking sambit ni Ponzi na para bang hinihintay si Serenity na pagkatuwaan siya.

"Ang bantot talaga ng pangalan mo!" Tumatawang sambit ni Jojo.

"Hey that's not nice! Don't make fun of his name!" Biglang sambit ni Serenity kaya kapwa nawala ang ngiti sa mukha nila Jojo at Ponzi saka nagkatinginan.

"That's it? No Ponzilita? No Ponzilicious? No Agashito?" Hindi maiwasan ni Ponzi na maitago ang panlulumo.

"You're name sounds regal, I like it." Sabi pa ni Serenity at nginitian si Ponzi at si Jojo.

"New start huh?" Napabuntong-hininga na lamang si Ponzi.

"Pre, magtatawag na ba ako ng albularyo o beterenario? Hindi ko alam kung rabis ba yan o sapi." Mahinang sambit naman ni Jojo at unti-unting nagtago sa likod ni Ponzi.

END OF CHAPTER 28.

Note: Just a bit of recap, nagkakilala si Ponzi at parents ni Sisa dahil sa epilogue ng book 2.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon