Kabanata 49

7.9K 254 8
                                    


CHAPTER 50 WILL BE THE LAST CHAPTER OF SUNSHINE FOR HIS RAINY DAYS THAT WILL BE POSTED ON WATTPAD. Message my Facebook page: WARRANJ NOVELS to avail membership on VIP Spaces.

Epilogue and Special Chapters available on Patreon and VIP Spaces.

--

Kabanata 49

I am diagnosed with preeclampsia. Hindi pa man pormal na sabihin ni Marisse ang tungkol doon ay alam ko nang iyon ang kinakaharap ko ngayong nasa mga huling buwan na ako ng pagbubuntis.

Ipinaliwanag ko kay Gabriel ang tungkol doon. He did not understand about it first. Sa huli, nagawa na rin intindihin kahit pa lubos ang pag-aalala niya para sa akin. I am worried, too. Not for myself but for our baby.

Hindi ko maiwasan ang isipin kung ano ang puwedeng mangyari sa hinaharap. I am taking medicines to lower my blood pressure. Madalas pa rin itong tumataas na mas ikinakatakot ko. We did a biophysical profile test to check how active Gianna is inside my tummy. She is fine and got the perfect score.

I was bed rest for the past weeks. Dinadalaw na lang ako nina Mommy dito sa bahay. Palagi nilang pinalalakas ang loob ko. Na maipapanganak ko si Gianna nang maayos. I also discovered that she had a history of preeclampsia when she was pregnant with Kuya Miles. Hindi ko ito naranasan noon kay Atticus kaya naman nakakalungkot na kailangan namin kaharapin ito ni Gianna.

"You are already close to giving birth, Angelique," Gabriel mutters those words while holding my hand. "I'm scared. I know nothing bad will happen to both of you but I can't still help but to worry."

We are sitting on the garden. Maaga kaming nagising dahil kinailangan naming mag lakad-lakad sa village para na rin mawala ang pamamanas ng mga paa ko.

Ngumiti ako, ang mga mata ay nakatuon sa asul na langit. The leaves from the tree in front of us keep on dancing with the rhythm of the gentle wind. This will be a peaceful day ahead — I'm sure. Masiyadong kalmado ang panahon. Mga huni lang ng ibon ang naririnig namin.

Hinaplos ko ang kamay ni Gabriel na nakapatong sa umbok ng tiyan ko. I glanced at him and smiled.

"I will be okay. Magiging maayos kami ng anak natin. Kung hindi man ako maging maayos, sisiguraduhin ko na ligtas na ang anak natin."

"Damn you, Angelique." his eyes darken.

Ngumiti akong muli. "I don't want you to worry, Luke, but I also don't want you to close your mind for the possibilities. If something happens to me, please take care of our daughter-"

"Stop," he cut me off. His face darkens even more. "Nothing bad will happen to you. Manganganak kang ligtas. Magiging maayos kayong dalawa ng anak natin. You are a doctor so please stop saying negative things-"

"I am a doctor and I know how things work when it comes to this. I am not claiming that something wrong will happen to me but I don't want to hope that everything will be fine either. Ano man ang mangyari, gusto kong ihanda mo ang sarili mo."

Marahas siyang bumuntonghininga at naupo nang maayos. Tinanggal niya ang kamay sa ibabaw ng tiyan ko at hindi na nagsalita pa. Hinayaan ko siyang manahimik. Hindi rin ako nagbigay ng kahit anong tema na puwede naming pag-usapan.

Kahit na ipinamumukha ko sa kaniya na ayos lang ako, na hindi ako nag-aalala sa posibilidad na maaaring maganap, aaminin ko sa sarili ko na abot-abot ang takot na nararamdaman ko para sa sariling anak. I am not afraid that something worst might happen to me on that time. Natatakot akong may hindi magandang mangyari kay Gianna kahit pa paulit ulit namang sinasabi ni Marisse na magiging maayos kami ng anak ko.

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Where stories live. Discover now