Kabanata 32

6.5K 265 17
                                    


Kabanata 32

"This ceremony will not create a relationship that does not already exist between you. It is a symbol of how far you have come these past few years..."

Pakiramdam ko ay tumagos sa puso ko ang mga salitang 'yon ng judge sa harapan namin. Sino ang mag-aakala na matapos ang napakahabang mga taon, dito pa rin sa pag iisang dibdib ang bagsak namin ni Gabriel?

No one have thought that we would still fall into each other arms.

No one but the dear Lord.

"It is a symbol of the promises you will make to each other to continue growing stronger as individuals and as partners. No matter what challenges you face, you now face them together, and no matter how much you succeed, you now succeed together. The love between you joins you now as one."

Tears of happiness streamed down my cheeks. Hindi ko alam kung bakit tila masaya ako ngunit may kaakibat rin na sakit. Siguro ay dahil alam kong hindi pa rin sigurado ang daan na tatahakin namin kahit kasal na kami.

Nasisiguro ko na marami pa kaming pagsubok na haharapin pero alam kong sa mga pagkakataon na ito, mahigpit na namin hahawakan ni Gabriel ang kamay ng isa't isa.

"Why are you crying?" Gabriel whispered on my ear. "Huwag mo sabihin na napipilitan ka lang pakasalan ako, Angelique."

Mula sa pagkakatungo sa mga paa ko ay nag angat ako ng tingin sa kaniya at natawa. Maging sina Mommy at Daddy at ang mga magulang ni Gabriel ay nagtawanan rin sa paligid.

Busangot ang mukha niya. Sa mismong rooftop na ito ay nag-isang dibdib kami ni Gabriel. Everything happened too fast. Nagulat na lang ako na dumating sina Mommy at Daddy na tinawagan niya pala kasabay ng mga magulang niya. Even Samael and Chloe are here. They're the one who bought the wedding rings for us.

"Silly. You don't know how happy I am right now, Luke. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya. Being your wife is one of my greatest dreams aside from being a doctor..." I smiled.  "You are my greatest dream."

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagpupunas ni Mommy ng mga mata niya. She's obviously crying.

Sumibol ang ngiti sa labi ni Gabriel bago dinala ang kamay sa pisngi ko at marahan itong hinaplos.

"As you are to me, baby."

Ngumiti ako at tumungo sa mga kamay ko kung saan naroon ang wedding ring ko. Dalawang araw na ang nakalilipas simula nang maikasal kami pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.

It's too good to be true. It feels surreal. Minsan ay kinukurot ko pa ang sarili ko dahil baka nananaginip lang ako pero sa tuwing makikita ko ang singsing sa kamay ay ipinamumukha nito sa akin  na nasa reyalidad ako. 

Ang sabi niya, lilipad kami sa makalawa patungong Milan at doon magha-honey moon. Kaagad naman akong pumayag. Nasasabik pa nga.

"Hindi ko talaga akalaing kasal ka na. Bakit hindi kami invited?" nakangusong tanong ni Ate Natalie.

Nasa bahay nila ako ngayon. Narito rin si Kuya Miles at walang trabaho. Iritado rin siya dahil wala siya sa naging kasal ko pero sinabi ko naman na may plano pa kami ni Gabriel na ikasal sa simbahan.

Masiyado lang talaga naging mabilis ang mga pangyayari.

"Biglaan kasi, ate. Wala sa plano namin ni Luke. We were just there to have dinner and then it happened. Ni wala nga kaming singsing na dala. Mabuti na lang at nakabili kaagad ang pinsan niya." dahilan ko.

Bumuntonghininga si Kuya Miles. "Why were you in a hurry anyway? Did something happen?"

Hindi ako nakasagot kaagad. Alam kong malakas ang pakiramdam niya sa mga ganitong bagay pero hindi ko alam kung dapat ko na sabihin sa kanila ang tungkol sa pagkakaroon ng anak ni Gabriel sa ibang babae. Sa pamilya ko, si Mommy at Daddy lang ang nakakaalam.

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Where stories live. Discover now