Kabanata 17

6.4K 269 9
                                    


“When are you planning to go home, Angelique? You have been there for a couple years. Maging ang mga importanteng okasyon ay pinalalagpas mo.” may himig pagtatampo sa boses ni Mommy nang sabihin ‘yon.

Tahimik akong nagbuga ng hangin at tinitigan siya sa monitor ng laptop. As the year passes by, her beauty still remains youthful. Maging si Daddy ay gano’n rin, matipuno pa rin hanggang ngayon.

“Mommy, hindi naman po. Puwede naman tayo sa video call na lang-”

“You think it is enough, hija? We are missing you so much. Ang Kuya Miles mo ay abala rin lagi sa negosyo at minsan na lang makabisita sa amin. Baka puwedeng dito ka na lang sa Pinas magtrabaho, anak? You know we have better hospitals here.”

Hindi ko mabilang kung ilang beses na nakiusap sa akin si Mommy na umuwi na pero palagi kong tinatanggihan. Hindi dahil sa ayaw ko. Heaven knows how much I have been wanting to go back home but I am afraid. I don’t think I am ready.

“Is this about him, Angelique? Kahit hindi mo sabihin sa akin ay alam kong ‘yon ang dahilan mo kung kaya’t ayaw mong umuwi.”

Muli akong napatitig kay Mommy matapos niyang sabihin ‘yon. Kahit pa itanggi ko ang bagay na ‘yon ay alam kong masiyado akong halata. She’s my mother and she knew what kind of pain I have been through within the past years of living without him in my life.

“How is he, Mommy? May balita po ba kayo sa kaniya?”

Dumaan ang sakit sa mga mata niya. Alam kong nasasaktan siya para sa akin at hangga’t maaari ay ayaw kong ipahalata ‘yon sa kaniya. Ayaw kong mag alala siya pero sa mga sandaling ito, aaminin kong si Gabriel nga ang dahilan kung kaya’t hindi ko nais umuwi ng Pilipinas.

Umiling si Mommy. “Wala akong balita sa kaniya. But I saw him one time inside a hotel with his cousin. He smiled at me, anak. Gabriel is a nice man, I must admit. You seperated ways for years but his respect for your Dad and I is still there.”

Tipid akong ngumiti, inaalala ang gwapong mukha ni Gabriel lalo na kapag nakangiti siya. His features were very angelic but whenever he smirks, he becomes devilishly handsome.

Mabait naman talaga si Gabriel. Wala akong masasabi sa ugali na mayroon siya sa mahigit isang taon na relasyon namin noon. He was the sweetest, most caring and gentleman person I know. Lumipas man ang taon, hindi ko magagawang burahin sa puso ko ang masasayang ala-ala na pinagsaluhan namin. Isa ‘yon sa mga inspirasyon ko sa bawat araw na lumilipas.

Kaya lang... kahit gaano niya ipinaramdam sa akin ang pagmamahal niya, kahit ilang beses niyang sinabi sa akin na susuportahan niya ako sa pangarap kong maging doktor, binitawan niya pa rin ako nang magdesisyon akong ipagpatuloy ang pangarap ko sa ibang bansa pang samantala.

“Gabriel, intindihin mo naman ako. Mabilis lang ang panahon. You won’t even feel that I’m away because I will always call you. We will always do FaceTime!” giit ko habang pilit siyang pinahaharap sa akin.

Dapit hapon na at nasa kotse kami,  kakasundo niya lang sa akin mula sa ospital. Nasa harap na kami ng bahay namin at nananatili lang sa loob ng sasakyan niya.

I had been thinking since last week of how to tell him about my decision of going to a medical school in Boston. I know it’s hard but I really want to fulfill my dream of becoming a doctor. Pagkatapos maging isang ganap na doktor ay babalik rin naman kaagad ako.

Madilim ang titig niya sa harapan, ang hawak sa manibela ay masiyadong mahigpit dahilan para makita ko ang pagbakat ng ugat sa maputi at makinis niyang kamay.

“I see. Too easy for you to decide, huh?” Natawa siya. Kalmado siya ngunit halata ang galit, hindi pa rin ako nagagawang tingnan. “Hindi gano’n kadali ang gusto mo, Dahlia Angelique! Call me immature but I want to be with you as you reach your dream. Iyong nakakasama kita kahit gaano pa tayo kaabala sa kaniya kaniyang pag abot ng pangarap! I want to comfort you and massage your shoulders whenever you feel stressed and tired after an exhausting day in your duty. To wish you luck whenever you have to do something that makes you anxious!”

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon