Kabanata 3

8.2K 407 8
                                    

The sound of a new born baby’s cry always feel satisfying to me. Sa tuwing naririnig ko ang unang iyak nila sa mundong ibabaw, hindi ko mapigilan ang maluha. I have been very fond of babies and that is one of the reasons why I am driving to study hard so I can be an Obstetrician someday.

“Here’s your baby, mommy.”

Maingat kong ibinaba ang sanggol sa ibabaw ng dibdib ng kaniyang ina. The baby girl was crying really hard but the moment she felt the skin of her mother, she immediately stopped.

They say that skin to skin contact for the newborns and their parents is good. Maraming benefits na makukuha ang mga baby. Some of them are improvement in heart and lung function and stabilization of body temperature.

“Good job, Angelique!” it’s Dra. Calantog who snapped me out of my thoughts. She’s the doctor on duty as of the moment.

Nginitian ko siya. “Thank you po, Doc.”

“Napakabilis mong matuto. I’m sure you will also be a good Obstetrician someday.”

Nag init ang aking pisngi sa naging papuri niya. Iba pa rin talaga ang pakiramdam kapag nanggagaling ang papuri sa isa sa mga nakakataas sa’yo. Isa sa mga iniidolo mo.

“Kapag po nangyari na ‘yon, isa po kayo sa mga pasasalamatan ko, Doktora.”

Tinapik niya ang balikat ko nang may ngiti sa labi. “We are all just guiding you to your path. Ano man ang marating mo sa buhay, palagi mong tatandaan na kagagawan mo ‘yon. If you finally reach your dream to become an Obstetrician someday, know that it’s because of your hard work and dedication.”

Pakiramdam ko ay gustong sumabog ng puso ko sa mga salita niya. Tanging ngiti na lang ang nagawa ko bago nahagip si Marisse na titig na titig sa akin. Ngumiti siya nang magtama ang mga mata namin ngunit kaagad rin bumalik sa ginagawang pag aayos ng mga ginamit kanina sa panganganak.

I glanced at the patient. She was teary eyed while holding her baby. Humakbang ako palapit sa kaniya at pinagmasdan sila.

“Mommy, kailangan ko po muna kunin ang baby mo para malinisan siya. Kapag ayos na po ay dadalhin na po kayo sa maternal ward.”

Tumango siya. “Thank you po sa pag alalay mo sa akin kanina. Akala ko po ay hindi ko na kakayanin.”

Hinaplos ko siya sa kaniyang braso at nginitian. Hirap siyang umiri kanina at naiintindihan namin dahil unang beses niyang nanganak. Tumaas rin ang presyon niya at inakala naming mauuwi pa siya sa eclampsia atl caesarian section. Mabuti na lang at nagawa naman niyang kumalma at nairaos ang bata. I heard from Dr. Calantog that the patient is alone. Wala ni isang kasama.

Nasaan kaya ang asawa niya? Kung mayroon man, bakit wala dito? Husband should be beside their wives as they face this kind of journey. Giving birth isn’t easy after all. Hindi ko pa nararanasan pero simula nang mag duty ako sa hospital ay ramdam ko ang hirap na pinagdadaanan nila.

“Masaya po akong kinaya n’yo para sa anak n’yo...” sagot ko at maingat nang kinuha ang sanggol mula sa kaniyang dibdib. “You have a very adorable son.”

She was my last patient for that day. Hanggang alas-4 lang ang duty ko sa hospital at pagkatapos ko siyang alalayan sa maternal ward at ibilin ang mga kailangan gawin sa guardian niya ay lumabas na ako.

As soon as I got out of the door, I took my face mask off and threw it on the trash bin near me. Pumasok ako sa locker room at sandaling nagpahinga. Wala pa ang ibang ka-batch ko kaya nagagawa ko pang manatili dito ng ilang sandali. Nang makitang pumasok na ang ilan sa kanila ay naisipan ko na ang lumabas.

I was already walking in the hallway when I checked my phone. There was already a message from Kuya Miles saying that he is waiting for me at home. May usapan kasi kami na isasama niya ako sa isang hotel kung saan gaganapin ang event nila.

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora