CHAPTER 14 - Not Easy to Forget

Start from the beginning
                                    

"Ahm, I ahm, stunned." He blew a breath. "Mahal mo pa rin siya hanggang ngayon. Tama ba?"

Tumango siya. "Hindi ko alam na mahal ko na pala siya. Tama nga ang sabi nila na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag wala na ito sa'yo. Nalaman ko lang na mahal ko pala siya nuong nalaman niyang niloloko ko siya." Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Masakit kasi dahil sa ginawa ko, wala akong karapatang mag-demand sa kanya na mahalin din ako. And he made it clear yesterday that he doesn't feel anything special for me. And it hurts. Kasi ako napamahal siya sa'kin sa mga panahong niloloko ko siya, pero sa kanya, wala lang pala."

Bumuntong-hininga si Reigo at tinuyo ang luha na nalaglag mula sa mga mata niya. "Don't cry. Kahit mahal mo siya, wala pa rin siyang karapatan na paiyakin ka. At hindi ako naniniwala na wala man lang siyang ni katiting na nararamdaman sa'yo. Imposible 'yon. Dahil hindi siya magagalit sa'yo kung wala siyang nararamdamang espesyal para sa'yo, my gem."

Malungkot siyang ngumiti. "Thanks for trying to cheer me up. Pero alam kong wala siyang nararamdaman sa'kin. He told me himself."

Napailing-iling si Reigo, "Gem, people, men in particular, often wear a mask to hide their true feelings."

She frowned. "Anong ibig mong sabihin?"

Ginulo ni Reigo ang buhok niya. "I'll help you."

Mas kumunot lalo ang nuo niya. "Ano?"

Reigo grinned slyly. "Tutulungan kita."

"Anong tulong?"

Kinindatan siya nito. "Sa akin nalang 'yon." May kinuha itong lollipop sa bulsa at binigyan siya ng isa. "Oh, panpatanggal ng stress."

Natatawang binuksan niya ang lollipop at inilagay iyon sa bibig niya. Hanggang ngayon pala, paborito pa rin nito ang Lollipop. Walang kupas.

Walang imik silang dalawa ni Reigo habang nakaupo sa bench at may lamang lollipop ang bibig nila.

They were like that when a baritone voice spoke behind her and Reigo.

"Gemini?"

Mabilis siyang lumingon at umakto siyang hindi bumilas ang tibok ng mabilis ang puso niya ng magtama ang mga mata nila ni Aidan. He is wearing a dark khaki pants and he paired it with white tee-shirt. Magkasalubong ang kilay nito habang nakatingin sa Lollipop na nasa bibig niya.

"Aidan..." Mabilis siyang tumayo at humarap sa binata. Tinanggal niya ang lollipop sa bibig. "A-Anong ginagawa mo r-rito?"

Namulsa ang binata. "Visiting a friend."

"Ah." Tumango-tango siya.

"Ikaw, anong ginagawa mo rito?"

Tumayo si Reigo sa kinauupuan at inakbayan siya saka tumingin kay Aidan. "Who's he, my gem?"

Napatingin siya kay Reigo na walang emosyon ang mukha na nakatingin kay Aidan. The two men are having a man to man staring contest.

"Ahm," hinawakan niya ang kamay ni Reigo na nasa balikat niya kasi ang higpit ng pagkakahawak sa kaniya ng binata. "Reigo, this is Aidan, my boss." Tumingin siya kay Aidan. "And Boss, this is Reigo my-"

"Boyfriend." Pagtatapos ni Reigo sa sasabihin niya.

She looked at Reigo, shock. Nginitian lang siya ng kababata at tumingin kay Aidan. "It nice meeting you but my gem and I have somewhere else to go."

Iginiya siya ni Reigo patungo sa sasakyan nito.

"Don't look back, Gem." Pabulong na sabi ni Reigo. "Kapag lumingon ka, malalaman niya ang nararamdaman mo para sa kanya."

LADY MASQUERADE Where stories live. Discover now