Ngumiti siya at nagtaas ng kilay. "Paano ko sasabihin eh malalaman mo? " ngiti niya at nasisiyahan pang pagmasdan ako kong paano ako sumimangot.

"Ayaw ko kasi na malaman mo. Natatakot ako na baka layuan mo
ako... " dahilan niya sabay iwas ng tingin.

"Kaya ba lagi mong sinasabi na wala kayong karapatan sa aming mga nakakataas? " kuryoso kong tanong ngunit may bahid ng inis.

Hindi siya sumagot ngunit sapat na ang ginawa niyang pag tango para malaman ko ang sagot niya.

"Oo. Dahil iyon ang reyalidad... Natatakot ako na baka hindi ko maibigay sa iyo ang mga pangangailangan mo at iyon pa ang maging dahilan upang iwanan mo ako. "

Parang kinukurot ang puso ko habang nakatingin kay Adonis. Pinipigilan niya ang nararamdaman niya para sakin kahit na nasasaktan siya dahil alam niyang walang karapatan ang mga puso naming nasasabik sa mundong ito.

Nilapitan ko si Adonis at mahinang sinuntok ang dibdib nito na ikinagulat niya.

Gulat niya akong tinignan habang ako naman ay masamang nakatingin sa kaniya. "Hindi ako ganoong klaseng babae! Hindi ko kailangan ng pera para lang mabuhay, dahil sapat na ang pagmamahal dahil doon nakukuha ang pag aaruga! "

Natawa si Adonis dahil sa naging reaksiyon ko. "Alam ko. Mamahalin ba kita kung ganon ka? " biglang sabi niya na ikinatigil ko ng bahagya.

Ngumiti siya ng mapansin ang kalituan sa mukha ko. Kinurot niya ang tungki ng ilong ko. "Hindi mo alam. Pero ako alam ko. "

Bumaba ang kamay niya sa kamay ko at pinagsiklop iyon at inangat upang halikan ang likod ng aking kamay.

Kumabog na naman ang dibdib ko dahil doon.

Nag angat siya ng tingin sakin habang nananatili padin ang kaniyang malambot na labi sa likod ng aking kamay.

"Hihintayin ko ang sagot mo, Senyorita. Kung hindi kapa handa, handa akong mag hintay. " sabi niya at binaba ang aking kamay at lumingon sa paligid bago ibinalik sakin ang tingin.

Ibubuka pa sana niya ang kaniyang bibig ng mag salita ako.

"Pumapayag na ako..." Sagot ko na ikinaliwanag ng mukha nito. "Ngunit kailangan natin itong isikreto dahil baka kung ano pa ang gawin sayo ni Kuya kapag sa oras na malaman niya ang tungkol rito. " dugtong ko.

Tinitigan ko ang mukha ni Adonis. Hinihintay na kung magbabago ba ang reaksiyon niya, ngunit nagkakamali ako. Dahil pumapayag siya na isikreto lang ang panliligaw niya sa akin.

Hindi naman sa gusto kong mag bago ang reaksiyon niya ngunit gusto ko lang malaman kung handa siyang tanggapin na isikreto ang lahat. Dahil karamihan sa iba ay hindi nila dinadaan ang lahat sa sikreto dahil gusto nila na malaman ng lahat.

Ngumiti si Adonis at kinagat ang pangibabang labi at masaya akong tinignang muli. Napakunot pa ang noo ko dahil sa sobrang kasiyahang nakikita sa kaniya. Dahil dapat ay malungkot siya dahil sikreto lamang, but Adonis is not belong to them...

"Papayag ako, dahil ayaw din kitang mapahamak..." aniya.

Mahirap mag tago ng isang sikreto lalo na kong nakagawa kana ng kasalanan na ikakasira ng pagtitiwala sa mga taong nakapaligid sa iyo. Noong una ay nahihirapan akong mag adjust sa kung anong mayroon sa amin ni Adonis. Dahil sa mga titig palang nila akala mo'y alam na nila ang nangyayari sakin.

Lalo na ang mga salita ni Tita Maureen na nanunusok.

"Umayos ka lang, Miriam. Huwag mo kaming ipapahiya sa angkan ng mga Suriaga, lalo na kay Doncillo. " may pagbabanta sa tono ng pananalita nito.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon