“Well, all you need to do is to sing. Ngayong last day nag class natin siya gaganapin.” napanganga ako sa aking narinig.

Anong ibig sabihin ni Ningning na ako magaling ako rito, e sa pagkakaalam ko ay kaming dalawa ang sumali sa competition noon.

So, meaning? Mas pina-priorities niya ‘yung date nila ni Giselle? Tsssk.

“Bakit naman ako?” tanong ko pa. Pwede naman siguro na kaming dalawa ni Ningning? Nahihiya pa rin kasi ako, lalo na kapag maraming tao ang manonood pero expected na ‘yon since last day ng class ngayong semester iyon gaganapin.

“Bakit hindi? Maganda naman boses mo, ah. Tsaka, bawal kasi dalawa, Win. Kaya ikaw nalang.” pagpapaliwanag nito sa akin.

Grabe na talaga si Ningning sa akin, ha. Bahala na nga. May magagawa pa ba ako rito?

“Okay” flat kong sagot sa kanya. Hindi siya kumbinsido kaya naman ay nagsalita ulit ako, “Papayag na ako.” seryoso kong saad sa babaeng kaharap ko ngayon.

“Wala ng bawian, ah?” aniya at tumango-tango ako. “Tama talaga si Ningning na hindi ka makaka-hindi sa akin” nakangisi niyang saad sa akin.

“Oh, siya, mauna na ako ah? Update nalang kita.” tumango ako at muli, nagpaalam ito sa akin. Nagpaalam na rin ako sa kanya at nakita kong tuluyan na itong nakalabas sa classroom namin.

Agad ko namang kinuha ang bag ko at isinuot ko na ito. Lumabas na rin ako ng aming classroom. Bumaba na ako patungong office ni Karina. Kakakita lang namin ni Karina kaninang break time, pero miss ko na siya.

Palagi ko siyang nami-miss kahit kakakita lang namin. Grabe na talaga itong sakit kong ito. Minu-minuto ko ba naman siyang na-mimiss? Grabe na ito, nagkaroon na ako ng imissheralways disease.

Nakarating na ako sa baba at aakmang bubuksan na sana ang pintuan subalit bumakas ito at bumungad sa akin ang mukha ng napakagandang dalaga — si Karina.

Ang ganda niya talaga. Her features are very attractive, including her eyebrows, eyes, nose, and lips. Her facial features are well-shaped, and she has a great complexion. Grabe, mahal na mahal talaga siya ni Lord tapos mahal na mahal ko pa siya.

“What’s with my face?” tanong nito, looking at me in confusion.

“You’re so gorgeous, Karina.” I genuinely told her. Ngumiti naman ito, at saktong lumabas ang dimples niya. “Ang cute mo rin,” dagdag ko sa aking sinabi.

She walked up to me and hugged me tightly. “You look absolutely stunning, too,” she said. “I’m so glad you came.” Then she broke away from the hug.

Siguro nag message ito sa akin pero hindi ko lang nabasa. Patay na kasi ‘yung phone ko e’ I forgot to charge it kanina pero dinadala ko pa rin. Kahit naman hindi niya sabihin na pupunta ako sa office niya, ay pupunta pa rin ako.

“Let’s go? I want to rest, baby,” she said sweetly to me and I smiled at that.

“Nag message ka ba? Sorry, na-lowbat na kasi ako.” sabi ko at sinundan ko na ito papuntang parking lot.

“Yeah, I did.” aniya habang naglalakad pa rin, tumigil ito saglit at hinintay ako kasi mas nauna kasi siyang maglakad at nasa likuran niya ako.

Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko, at muling naglakad, “I missed you,” sabi niya sa akin ng medyo may kalakasan, sakto lang para marinig ko.

“I missed you too,” dahil miss ko na rin talaga siya. Palagi naman e’

Pumasok na ako sa sasakyan niya at gano’n din siya. “Do you have any plans right now?” tanong nito sa akin nang makapasok na kami pareho.

Always Yoo | winrina Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon