Chapter 26: Parting Time

Start from the beginning
                                    

"Sisa?! Sisa nasaan ka?!"

Nagulat si Sisa nang marinig ang isang napakapamilyar na boses na paulit-ulit na isinisigaw ang pangalan niya. Nahihirapan na siyang huminga at makakita dahil sa usok at init kaya paulit-ulit na lamang siyang sumigaw at tumili sa abot ng makakaya niya.

Habang nakatakip ang duguang kamay sa kanyang bibig ay unti-unting idinilat ni Sisa ang mga mata at lalong umagos ang luha niya nang muling masilayan ang malabong imahe ni Ponzi sa kabilang dulo ng nakabukas na pinto.

Sumisigaw ito... isinisigaw nito ang pangalan ng dalaga habang pilit na naghahanap ng paraan para makalapit at mailabas siya mula sa kwartong naglalagablab.

"Ponzi!" Napasigaw si Sisa. Humahagulgol man, hindi niya mapigilang mapangiti nang makita ito, napakasaya niyang tinupad nito ang pangako nito, nahanap siya nito.

Dali-daling napahakbang si Sisa na animo'y gustong tumakbo patungo sa direksyon ni Ponzi, tila ba hindi na nito alintana ang apoy na nakaharang sa kanilang dalawa kaya dali-daling nagsisigaw si Ponzi upang pigilan ito.

"Sisa diyan ka lang! Diyan ka lang! May apoy! Diyan ka lang!" Natatarantang sigaw ni Ponzi kaya napako ang takot na takot paring si Sisa sa kinatatayuan, humahagulgol at hindi alam anong gagawin.

"Ponzi!" Napahagulgol na lamang lalo si Sisa at napahawak sa bibig niya.

"Sisa everything's going to be okay! Ilalabas kita diyan! Gagawa ako ng paraan!" Giit ng desperado naring si Ponzi kaya kahit hindi na halos makahinga kakahikbi at kakaiyak ay tumango-tango na lamang si Sisa.

"No! Don't leave! Ponzi wag mo akong iiwan dito! Please don't go!" Muling nagsisigaw at nagmakaawa ang humahagulgol na si Sisa dala ng gulat nang makita niyang akmang aalis si Ponzi.

"Hindi kita iiwan! Hinding-hindi kita iiwan!" Giit ng luhaan at natataranta naring si Ponzi, "Maghahanap lang ako ng paraan para mailabas kita diyan, babalikan kita! Pangako, babalikan kita!" Giit nito at bigla na lamang nagtatakbo kaya walang nagawa ang nanlulumong si Sisa kundi mapaupo na lamang sa sahig at mapayakap sa sariling tuhod.

"Babalik siya, babalik siya." Paulit-ulit na bulong ng luhaang si Sisa habang nakapikit ang mga mata. Takot na takot siya kaya naman pilit siyang yumuyuko habang tinatakpan ang ibabaw ng ulo niya.

Makaraan ang ilang sandali ay tila ba narinig ni Sisa ang isang napakalakas na ihip ng hanging pumapatay sa apoy, naririnig niya ang tunog ng isang fire extinguisher kaya mistula siyang nabuhayan ng pag-asa. Makaraan ang ilang sandali ay tila ba nabawasan ang matinding init at hapdi na nararamdaman niya. Bago pa man siya makakilos ay biglang may humawak sa kanyang balikat at hinila siya nito patayo. Muling napahagulgol si Sisa ngunit ngayon ay dahil na sa tuwa, unti-unti niyang idinilat ang mga mata niya at agad na nawala ang ngiti sa mukha niya nang makitang hindi ito si Ponzi—ito ay si Dexter at may hawak itong isang kutsilyong may bahid pa ng dugo.

"No!!!" Umalingawngaw ang palahaw ni Sisa lalo na nang makita niya ang kutsilyong hawak nito.

"Serenity tara na! Hinihintay na tayo ni Tatang!" Giit ni Dexter habang pilit na hinihila si Sisa palabas, pero imbes na sumama ay lalo lamang na nagpumiglas at nagwala si Sisa.

"Walang hiya ka! Anong anong ginawa mo sa kanya?! Demonyo ka! Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" Tili ng tili si Sisa habang pilit na pinagsasampal at pinagtutulakan palayo si Dexter ngunit sadyang napakahigpit ng hawak nito sa kanya. Hindi na alam ni Dexter anong gagawin, sinubukan niyang kargahin si Sisa ngunit pilit itong nagpupumiglas at tila ba wala na sa sarili hanggang sa isang iglap ay biglang nakaramdam si Sisa ng hapdi sa sikmura niya dahilan para mapasinghap siya.

Nanlaki ang mga mata ni Sisa at ganun din ang kay Dexter. Magkaharap ang dalawang kapwa gulat hanggang sa magkasabay na nagbaba ng tingin ang dalawa.

"Fuckydy fuck." Walang emosyong sambit ni Sisa nang makitang nakatusok na pala sa sikmura niya ang hawak na kutsilyo ni Dexter.

Hindi sinasadyang nasaksak ni Dexter si Sisa kaya naman nataranta siya at dali-daling hinugot ang kutsilyo mula sa dalaga.

"S-see you in hell bruh." Mahinang sambit ng dalaga at kasabay nito ang pagkurba ng ngisi sa mukha niya habang unti-unting umaagos mula sa bibig niya ang dugo. Duguan man at sugatan, pilit na naglakad palayo ang dalaga.

Dala ng gulat at takot sa mangyayari sa kanya ay hindi na nakagalaw pa si Dexter sa kinatatayuan. Walang emosyon niyang pinagmasdan ang pasuray-suray na si Sisa na naglalakad palayo.

"Ponzi..." Napangiwi si Sisa sa sobrang sakit ng sikmura niya. Lalong dumadami ang dugong lumalabas mula sa sikmura't bibig niya pero hindi niya ito iniinda. Hanggang sa huli ay wala siyang ibang gusto kundi makita si Ponzi sa huling pagkakataon kaya kahit pasuray-suray at pilit parin siyang naglalakad.

Makaraan ang ilang hakbang ay tuluyan niyang nakita si Ponzi na nakadapa sa sahig ng pasilyong napapalibutan ng apoy. Lalong umagos ang luha mula sa mga mata ni Sisa hanggang sa tuluyan siyang bumagsak sa sahig pero sa kabila nito'y pilit siyang gumagapang patungo sa direksyon nito.

Matapos ang ilang sandali ay tuluyang nakalapit si Sisa kay Ponzi at nahiga sa tabi nito.

Nakita niya ang dugong umaagos mula sa ulo ng binata kaya naman gamit ang natitirang lakas ay unti-unti niyang ginalaw ang nangingnig at duguang mga kamay hanggang sa mahawakan nito ang kamay ng binata.

"Agapitukmol... I'm sorry, that's the last name I could come up with." Mahinang sambit ni Sisa saka napangiti habang pinagmamasdan ang mukha nito sa huling pagkakataon.

***

"Agapitukmol... I'm sorry, that's the last name I could come up with."

Nang maulinigan ang boses ni Sisa ay unti-unting idinilat ng hinang-hina nang si Ponzi ang mga mata niya. Sa ilang segundong nagawa niyang maidilat ang mga mata niya ay unti-unti niyang nasilayan ang mukha ni Sisa na nakangiti sa kanya. Hinang-hina na ito at may dugo pang lumalabas mula sa bibig niya.

Wala ng lakas pa si Ponzi na magsalita kaya naman gamit ang natitirang lakas ay hinawakan niya pabalik ang kamay ni Sisa hanggang sa hindi na niya napigilan pa ang muling pagsara ng mga mata niya.

END OF CHAPTER 26.

Note: Thank you so much sa inyong mga nagtatyagang magbasa sa kwento kong to kahit na andaming kapalpakan and kashungaan. O siya, ako'y magtatago na sa Bermuda Triangle kasi alam kong gusto niyo na akong patayin dahil dito. Hahahahaha. Jk.

Sorry guys but this chapter really needs to happen :( Labyu guys, sana alam niyo yan. Hihihi.

Ps, is it just me or may something na mali sa mobile watty minsan? Biglang nagiging kulang yung sakin eh. Anyways just tell me if may putol na part para ma-supply ko nalang through comment.

Thanks for reading!

Vote and Comment <3

Never Cry MurderWhere stories live. Discover now