Si Serafina

55 2 0
                                    


"Mother mo?"

Naiwang nakaawang ang bibig ni Shaen. Parang di siya makapaniwala. "As in, nanay mo?"

Tumango si Vlad. Di naman mukhang joke.

"Bakit?" Di man lang kasi inilaborate. Mag spill na nga alang ng tea, gapatak lang.

Umangat ang tingin nito doon sa picture nung babae. Nung Serafina. Tapos huminga nang malalim saka lumingon sa kanya.

Di niya sigurado kung dahil na sa pagkakagat ni Vlad, sa puyat, o sa pagkalito sa kwento nito kaya siya nakakaramdam ng kakaiba. May something sa pagtitig nito ngayon sa kanya.

"Serafina." Sambit ntio.

Huh?

"She killed my Serafina."

"Ay, putsa." Aniya. Namilog pa ang mga mata. May "my" talaga. Confirmed.

Akalain mong nagkajowa pala to despite ng hitsura. Sabagay naman, di naman siguro tumitingin sa panlabas itong si Serafina, na di tulad niya. Saka makapal naman wallet ni Vlad.

"Ba't ngayon mo lang kiniwento na may jowa ka palang na--wait...tsinugi? as in? Bakit naman?"

Dahil mayaman and mahirap ang peg? Ay hindi...dahil siguro bampira tong si Vlad and tao itong si Serafina. Grabe naman.

Ang alam niya lang yung mga mothers na nanamapal ng milyones na datung para layuan yung anak. Medyo nakakatakot pala tong kay Vlad kasi may patayang ganap. Teleserye ba ito?

Magtatanong pa sana siya kaso naunahan siya nang pagtunog nung telepono. Malakas. Medyo di pa niya inaasahan kasi akala niya wala na talagang linya yon.

Si Vlad na ang sumagot noon. Napataas siya ng kilay. Mukhang expected nito ang ang tawag.

"Yes, Fernando, I am awake now." Dinig pa niyang sambit nito.

Fernando? Sino yun? Pamilyar sa kanya.

Lumingon sa kanya si Vlad. "Her name is Shaen."

Lalo siyang nabigla. Hala. Pinakilala pa siya? Sino ba tong kausap ni Vlad.

"He wants to talk to you." Sabi ni Vlad sabay abot ng handset.

"A-Ako?"

Tumango ito.

Nag-aalalangan niyang kinuha yon at dinala sa tenga. Wala naman siyang choice. "He..Hello?"

Napatingin pa siya kay Vlad. Wala naman kasing sumasagot at--

"Shaen?! Shaen?! Ikaw yung bunsong kapatid ni Shaina?! Yung umuupa sa terdplor?!" Malakas. Halos magdugo na tenga niya. Nakilala na niya yung boses. Si Mr. Guiterez pala. Yung matandang may-ari nung apartment. Medyo hinihingal pa. Jusko parang tunog aatakihin.

"O...Opo?"

"Jusmeng bata ka?! Pano mo nakikilala yang pinsan ko. Pano mo nagising si Baldong?!"

"Ba...Baldong?" Ulit niya. Tumingin siya kay Vlad na nagkibitbalikat lang. "Si Vlad po?"

"Oo, bwakanang bata ka?! Alam mo ba pinasok mo?! Nasabi mo ma ba ito sa kapatid mo?!"

"H-Hah? Ano po?" Sa totoo wala pa siyang binabanggit sa kapatid niya. Hindi niya rin alam kung paano babanggitin.

Nadinig niyang may buntong-hininga sa kabilang linya. "Hala sige. Ipapaayos ko na yang unit. Ipapadala ko nalang si Delilah, siya na magpapaliwanag. Wag kang mag-alala diyan kay Baldong. Hindi ka ba sinasaktan niyan?"

"Ho? Naku hindi ho. Kayang-kaya ko nga po siyang baliba--" hindi na niya na natapos nang bagsakan siya nito. Medyo masakit pala yon sa tenga.

Binalik nalang niya ang handset doon sa telepon at binalik ang atensyon kay Vlad. "So..."

409Where stories live. Discover now