5. The Deal

131 8 0
                                    

Napalunok pa si Shaen ng ilang beses. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan sa nadatnan.

"What?" Parang ito pa ang nagulat samantalang siya dapat ang ganoon ang reaksyon kasi siya yung nakatira doon.

Nakakaloka.

"B-bakit ka nandito?"

"Food," sambit nung lalaki.

"A-Ano?"

"Dinalahan uli kita ng pagkain," sabi nito sabay abot doon sa paper bag. "Kanina pa ako sa labas. Saan ka ba galing?"

Sungit ah.

Agad siyang lumapit at kinuha ang paper bag na yon. Pagkain nga ang laman. Binalot na ulam saka kanin.

Pero teka...

Lumingon uli siya at nakita niyang dahan-dahan na itong tumayo. Nalilis pa nang bahagya yung manggas nung magpagpag ito ng pantalon.

Napansin niya yung mga payat na mga braso nito na parang kalansay. Pero di na yon maputla. Namumula na nang sobra. Parang na sunburn. Tapos yung sa bandang leeg, ganun din. Mas malala pa nga dahil mukhang lapnos na.

"Hala! Ano yan?" biglang tanong niya.

"Eto ba?" sabi nung lalaki sabay hawak sa leeg. "Di pa pala gumagaling."

"Anong gumagaling? Anong nangyari?"

"I thought you already know what I am."

Tumango siya. "Bampira ka."

"Oo. Obviously."

Jusmio. Confirm. Umamin pa nga.

"Nasusunog yung balat ko kapag naaarawan. Binuksan ko nalang yung pinto mo. Ang tagal ko na kasing kumakatok kanina," tuloy na paliwanag pa nito.

Medyo nakaramdam siya ng guilt. Nasunog na yata sa kakahintay sa kanya. Nakakaaw--wait lang ba't ako maaawa?

Pero bakit hindi na siya gaanong windang tulad nung una?

Parang...wala lang.

"Natakot ka ba?"

"Jusko naman.." Umirap siya. "Babae ako. Saka mag-isa lang ako ditong nakatira tapos biglang may susulpot na ta--na kagaya mo dito. Nakakaloka ka kaya."

"Ah..that." Nakita niyang bumuntong-hininga ito. "Sorry, I if invaded your privacy, Shaen. Hindi ko na uulitin, promise."

Ano pa nga bang magagawa na. Nandito na nga sa loob. "Paano ka nga nakapasok..Ba...Val..Ano nga uli pangalan mo?"

Hindi ba dapat kailangan ng invitation ng mga bampira para makapasok sa isang lugar? Sa mga nababasa niya, ganoon.

"Vladimir. Pero Vlad nalang."

"Ok, Vlad," Grabe, tunog bampira talaga. "Ano nga. Paano ka nakapasok?"

"May susi ako ng bawat unit dito, I am a part owner of this property," sagot nito. "Dinala na nga kita dito pabalik kagabi. Di mo na yata natatandaan?"

Oh. Kaya pala. Kaya din nagising nalang siyang nandito na uli. Kala tuloy niya panaginip lang yung nangyari.

Pero wow.. "Magkakilala kayo ni Mr. Guiterez?" tanong niya.

"Magpinsan kami."

Napataas ang kilay niya doon. Di kaya may sa maligno din yung matanda? Malapit nang mag-centenarian yon sa pagkakaalam niya.

Oh well...

Hinubad na niya ang mask niya at dinala ang pagkain sa lamesa. Sa na din yung mga pinamili niya.

409Where stories live. Discover now