6. Yung Hunter

122 10 0
                                    

"Hay..."

Nag-inat nang mga braso si Shean at naghikab. Natapos na din yung klase ngayong araw. Medyo naghang pa itong laptop kaya nakailang restart siya. Tapos mabagal pa ang internet. Halos wala nga siyang naintindihan sa diniscuss. Nakakahiya namang magreklamo dahil nakikikabit lang siya ng wifi. Wala pa siyang pang bayad ng reconnection fee.

Ang hirap ng buhay ngayon, naisip niya. Para ngang gusto na niyang uli kumuha nang ka-board. Dalawa naman kasi yung kwarto dito sa apartment. Hindi na nagagamit yung isa dahil nasa Australia na yung Ate niya.

Kaso baka nakawan na naman siya uli. Nakaka-trauma din yung nangyari noon. Hindi naman niya magawang lumipat kasi itong apartment na yung pinakamurang renta sa lugar na yon. Ilang taon silang di tinaasan nung may-ari. Mahirap ding maghanapa dahil pandemic pa.

Naalala din niyang may deal sila ni Vlad. Pero di pa naman siya babayaran hanggang walang kagat. Kailangang healthy daw siya para masarap.

Sira ulo din, naisip niya. Pakiramdam tuloy niya ngayon, para siyang patabaing biik.

"Naku, bahala na." Sambit niya. Hindi naman dapat ganito. Kung walang nangyaring nakawan, ok pa sana ang lahat. Wala siyang problema.

Sakto naman dati yung padala ng kapatid niya, nakakapagtabi pa nga dahil di naman siya magastos. Malas lang talaga ngayon.

Tatayo na sana siya sa upuan nang makarinig ng katok. Tatlo yun. Sunod-sunod. Kilala na niya kung sino.

Di naman niya inaasahan na ganito yon kaaga pupunta. Mga nine o ten ito nagpapakita madalas.

Tumambad sa kanya nang bumukas ang pinto si Vlad. Nakablackhood na takip halos yung mukha saka may mask. May dalang supot.

"Here's your food."

"Pumasok ka nga." Sabi niya sabay hila kay Vlad papasok sa loob ng unit. Luminga-linga pa siya sa paligid bago isara at i-lock ang pinto. Pagtapos ay kinuha na niya yung paper bag na hawak nito.

"Why did you do that?" Tanong nito nang makita ang ginawa niya.

"Ha? Anong why? Ang aga-aga nandito ka."

Naglakad na siya sa papunta sa lamesa para ilapag yung paper bag. Tama nga siya. May atay na naman. Mukhang dun uli sa tindahan sa kanto bumili.

Hays.

"Lumubog na ang araw, di na masakit sa balat. Di na ako masusunog." Dinig niyang sambit ni Vlad. May point naman, bukod sa pagabi na rin, makulimlim ngayon dahil umulan kanina.

"Baka lang may makakita kaya sayo. Hello? Bampira ka kaya." Nasabihan naman niya ito na wag pupunta ng umaga dahil baka may makakitang ibang tao. Bukod sa masusunog nga ito, madami ding marites ngayon kahit na pandemic. Nakakaloka.

Pero ung sabagay, mukhang tao sa unang tingin si Vlad. Mukha nga lang may sakit dahil sa sobrang payat. O kaya adik. Buti di pa natotokhang.

Jusko. Mas malala kung matotokhang to. Baka madamay siya.

"Nag-alala ka ba?"

Lumingon siya agad nang marinig yon kay Vlad. Nakita pa niya ito na nakahalukipkip at nagtanggal na ng mask. Nakita tuloy niya yung ngiti nito na parang nang-aasar pa.

Close na ba sila?

"Sayo?" Tanong niya.

Tumango naman ito sabay ngiti. Medyo nakakatakot kasi lalong nagmukhang kalansay. "Do you have a crush on me, Shaen?"

"Adik ka ba?!"

Nanlaki pa ang mga mata niya. San nito nakuha yung ideyang yun?

"Kapal mo ha. Never akong magkaka-crush sayo. Mukha ka kayang lamok." Aniya. Sakto, sumisipsip din ng dugo.

409Where stories live. Discover now