Chapter 13 - The Reason (part 2)

13.7K 282 16
                                    

This is dedicated to FriaiyzielleBongFam

STILL IN FLASHBACK.

Have fun reading!!!

=3

Chapter 13 - The Reason (part 2)

------------------------------------------------------------------------

= RAVEN'S POV =

Tumakbo na din agad ako palabas ng kwarto nung bigla nalang umalis si Jade.

Buti nalang hindi ganun katagal nung nag space out ako kakaisip kung anong mangyayari kapag umalis siya. Mamaya na muna yun. Hahabulin ko muna si Jade.

Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa umabot kami sa playground na walang tao. Malayo pa ako sa kanya pero naka-upo na siya sa may bench na tapat lng ng kalsada at nasa ilalim ng puno. Napahinga naman ako ng maluwag nung nalaman ko na hindi na siya tatakbo o tatakas.

Habang naglalakad ako papunta sa kanya, nagulat ako nung may mabilis na van na humarurot at huminto sa tapat niya. May lumabas na isang lalaki at binuhat si Jade ng parang sako. Tumakbo ako ng mabilis para maabutan siya. Pinapalo niya yung likod nung lalaki pero wala pa rin. Bigla siyang tumingin sa direksyon ko. Umiiyak siya.

"Raveeennn!!! Help me!!! Please!! Please!!!" sigaw niya sakin. Napatingin yung lalaki pero agad niyang inalis yung tingin niya sakin nung may sumigaw sa loob ng van.

"Ipasok mo na yan dito! Bilis! Nagsasayang ka ng oras! Ako yung mapapagalitan ni boss niyan eh! Bilisan mo!" narinig kong sigaw ng isang lalaki.

"Raveennn!!!!" sigaw ulit ni Jade. Malapit na ako sa van. Maaabutan ko na si Jade.

"Tumahimik ka nga! Masakit sa tenga yung sigaw mo! Halika na nga dito. Kailangan na nating pumasok para makapunta agad tayo kay boss." inayos nung lalaki yung pagbuhat kay Jade at naglakad na papunta sa van.

"No! No! Put me down! Pleasee! Raveenn!!!! Please help me!!!" sigaw niya. Malapit na talaga ako sa van onti nalang. "Raven!!! No! Aaaaahhhhhhhh!!!! Nooo--" naputol yung pagsigaw ni Jade nung bigla siyang pinasok nung lalaki sa van.

Nung naabutan ko na sila, nakasarado na yung pinto ng van. Kinakalampag ko yun habang sumisigaw na pakawalan nila si Jade.

"Jade!!! Jade!!! Ilabas niyo siya! Pakawalan niyo na siya!" nakita ko sa medyo tinted na bintana na pinapalo niya yung mga lalaki at sinisigaw niya yung pangalan ko.

 

"Raveennnn!!!!!!!" narinig kong sigaw niya sa loob tapos bigla nalang umabante yung van at unti-unting bumibilis yung pagandar nito.

Hinabol ko yung van. Tumatakbo na ako ngayon. Nakikita ko si Jade na kinakalampag yung bintana sa likod ng van habang hinihila siya paalis nung lalaki dun. Tinakpan nung lalaki yung bibig ni Jade at hinila siya paupo, pero kumakawala pa rin si Jade sa hawak nung lalaki.

Kahit na pagod na ako, hindi ako susuko. Ayokong sumuko. Pero kahit anong bilis ng pagtakbo ko, hindi ko na sila mahabol. Wala na akong magawa. Habang tumatakbo ako, kinabisado ko na yung plate number nung van. Nung saktong pagkabisado ko sa plate number, bigla nalang itong humarurot at hindi ko na sila nahabol pa. Pero bago pa sila humarurot nakita ko ulit si Jade na nakahawak dun sa salamin at nakatingin sakin habang umiiyak.

Kahit alam kong hindi ko kakayanin na nakuha si Jade, kailangan ko siyang bawiin. Hindi pwedeng nasa kamay lang siya ng mga yun. Baka kung ano pa ang gawin nila kay Jade. Napaka-komplikado na ng lahat. Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari, pero sa ngayon, kinuha ko yung cellphone ko at nag speed dial kila tita Gelaine. Sila dapat ang unang makaalam kung anong nangyari kay Jade.

The Nerd is a Legendary Gangster?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon