Adan's Apple (Part 6)

2.5K 20 1
                                    

 Isang araw ay wala kaming pasok sa eskuwela. Walang magawa sa bahay ng araw na iyon kaya naisipan kong mamasyal muna sa isang mall na malapit lamang sa amin. Nagpaalam muna ako kay tiyo na mamasyal lang. Hindi naman mahigpit si tiyo at pumayag naman siya at sinabing huwag lang daw ako magpapagabi. Pagkarating ko sa mall ay napansin kong hindi masyadong maraming tao noong araw na iyon. Nagpunta ako sa department store para tumingin ng damit. Sale pala ang mga maong na pantalon. Maraming ang namimili ng pantalon kaya tumingin na rin ako at baka may magustuhan ako. Mahal pa rin ang ibang pantalon kahit may discount na. Ang mga pantalon namang malaki ang discount ay mukhang luma na at wala na sa uso. Pero dahil sa kailangan ko din naman ng pantalon ay namili na lang ako at baka makatiyempo pa ako ng maayos naman. Binili ko ang pantalon na napili ko. May pera pa naman ako kaya naisipan kong kumain sa foodcourt ng mall dahil medyo gutom na rin ako. Paborito ko kasi ang chicken barbeque kaya yun ang napili kong kainin. Habang kumakain ay may napansin akong pamilyar na mukha sa food court. Si Mark, ang gwapong classmate ko noong high school. May kasama siyang babae. Mukhang sweet sila kaya naisip ko na baka girlfriend niya ang kasama niya. Pagkatapos kong kumain ay naisipan kong lapitan sila.

“Mark, ikaw ba iyan?”, ang bati ko sa kanya.

“Uy, Adan. Kamusta na? Anong ginagawa mo dito sa Maynila?”, ang sabi niya.

“Dito ako nag aaral. Eh ikaw naman, ano naman din ang ginagawa mo dito?”

“Nagtatrabaho ako dito sa Maynila. Pero nag aaral din ako. Working student ang dating ba.”

“Sino nga pala iyang kasama mo?”, ang tanong ko.

“Oo nga pala. Adan, si Chona, girlfriend ko. Chona, si Adan, classmate ko nung highschool.”, ang pakilala ni Mark.

“Hi! Nice to meet you.”, ang bati ni Chona.

“Nice to meet you too.”, ang sabi ko.

“Tara kain tayo. Libre kita.”, ang alok ni Mark.

“Salamat na lang pero kakakain ko lang e. Tsaka baka makaistorbo lang ako sa inyo.”, ang sabi ko.

“Hindi naman. Gusto ko nga makapagkuwentuhan naman tayo dahil medyo matagal na rin nung huli tayong magkita.”

“Graduation yata natin yun.”, ang sabi ko.

“May cellphone number ka ba? Tawagan na lang kita kung sakali.”, ang sabi ni Mark.

“Oo mayroon. May ballpen at papel ka ba?”, ang sagot ko.

“Ballpen at papel ba? Meron ako. Heto o.”, ang alok ni Chona.

“Salamat ha.”, ang sabi ko habang sinusulat ang cellphone number sa papel. “Sa tiyo ko ako nakikitira habang nandito ako sa Maynila.”, ang sabi ko habang iniaabot ang papel.

“Ganon ba. Sige tawagan na lang kita.”, ang sabi ni Mark.

“O sige. Mauna na ako sa inyo ha.”, ang paalam ko.

“O sige pare. Ingat.”, ang sabi ni Mark.

Habang ako’y pauwi ay hindi ko mailalis sa aking isipan si Mark. Hindi pa rin siya nagbabago ang sabi ko sa aking sarili.

    Kinabukasan, habang nasa eskuwelahan ay hindi pa rin natatangal sa isip ko si Mark. Naalala ko ang mga araw nang kami ay magkaklase pa. Sayang nga lang at hindi namin mas lubos na nakilala ang isa’t isa noong araw. Tuliro ako ng araw na iyon. Walang pumapasok na leksyon sa utak ko. Ang napakaguwapo lang niyang mukha ang nakatatak sa isip ko. Napakasuwerte naman ng naging girlfriend niya sa isip ko. Uwian na namin ay nananaginip pa rin ako ng gising. Naglalakad ako sa corridor ng hindi ko namamalayan ang mga dinadaanan ko. Dahil dito ay hindi ko napansin na makakasalubong ko pala si Sir Domingo, ang PE teacher namin na mabagsik. At dahil doon ay nagkabanggaan kami ni Sir Domingo ng balikat kaya naman ay nalaglag ang mga dala niyang folder at nagkalat ang mga papel sa corridor. Bigla tuloy akong naging alerto at nagulat na lamang nang makita ko si Sir Domingo sa harapan ko at magkasalubong ang mga kilay.

Hidden Desires (M2M Story Collection)Where stories live. Discover now