Buti na lang na riyan lagi ang kaybigan kong si Cassandra.
Hindi alam nila mommy na lihim akong nagpapasession sa psychiatrist.

Umiinom pa ako ng gamot bago pumunta noon sa Japan. Pero natigil iyon dahil kila Derick at Duke. Nalaman kasi nilang nag tatake ako ng gamot kaya dinala nila ako sa isang pagamutan doon na kaso hindi ko alam kung ano ang pagamutan na 'yun. Safe naman dahil gumaan ang pakiramdam ko nakakatulog na ako ng maayos at hindi na naaalala ang mga nangyari. Hindi ko na rin napapanaginipan ang nangyaring pagkalaglag ng aking baby.

Derick and Duke do everything to make me happy.
Napasaya nila ako ng husto kaya nakalimot ako sa sakit na naranasan ko dito pero ngayon...

Napasigaw ako sa labis na frustration kasabay ang malakas na pag-iyak.

"Aaahhhh," sigaw ko sabay bato sa vase na nahawakan ko.

Bakit ganito?
Bakit hinahabol pa rin ako ng bangungot na ito?
BAKIT!!
BAKIT!!
BAKIT!!

Pagod na pagod akong napaatras at napasalampak sa lapag.
Nakita kong na roon pa rin ang mga bubog agad akong lumapit roon at walang pag-aalinlangang isinugat iyon sa aking sariling pulsohan.

Bago mawalan ng malay nakita ko pa ang mukha ni Quirro na may pag-aalala habang hawak hawak ang pulsohan ko upang pigilan ata ang pagdudugo nito.

Nagising ako sa isang madilim na lugar. Nakarinig ako ng malakas na pag-iyak ng isang sanggol.

Hinanap ko 'yun at agad na nilapitan ang isang basket na may lamang baby.

"Baby Angel," basa ko sa baby blanket nito.

"Baby," nausal ko.

Nag-unahang na namang tumulo ang aking luha.

"Baby, stop crying na. Narito na si Mommy," alo ko sa anak na umiiyak.

"Baby, wag ka nang umiyak. Hindi ka na iiwan ni Mommy," muling saad ko.

Tumigil naman siya sa pag-iyak at sinupsop ang kanyang hinlalaki.

Natutuwa akong muling makita ang anak.

"Wag ka nang-iiyak huh," heli ko sa anak.

"Hindi na tayo maghihiwalay narito na si mommy," saad ko pa habang lumuluha.
-
-
-
-
-
-
-
- Quirro -

Matapos makita ni Amor ang painting na dapat regalo ko sa kanyang noong debut niya mabilis siyang tumakbo paakyat sa kuwartong inukupahan niya noong una.

Hindi niya ako pinapasok dahil galit siya pero hindi ko alam kung bakit.
Bumalik ako sa kuwarto namin ni Queven saka pinanuod siya sa CCTV na naroon.

Agad naman akong napatakbo ng makita ang pagdampot niya sa bubog at walang pag-aalinlangang isinugat iyon sa kanyang pulsohan.

Nagmamadali akong lumabas sa aming kuwarto at puwersahang binuksan ang pintoan niya.

Kahit na hawak ang susi iyon pa rin ang naisip kong gawin.
Madali akong lumapit sa kanya saka pinigil ang pagdudugo ng kanyang pulsohan.

"Queven," sigaw ko.

Mabilis naman ang naging pagdating niya at agad na binuhat si Amor.

Kinuha ko ang susi ng aking kotse at mabilis na pinaandar agad ang sasakyan.
Sa pinakamalapit na hopital namin siya dinala. Pinagtitinginan pa nga kami ng mga tao dahil parihas kaming naka half naked ni Queven ng itakbo namin siya dito.

"What happened," may pag-aalalang tingin sa amin ni Kael.

"Bro, baka naman gusto ninyong mag suot ng damit," saad pa niya sa amin ni Queven.

Pinahiram niya kami ng mga t-shirt niya. Siya na rin ang nagtahi sa pulsohan ni Amor.
Nang maging stable na si Amor inilagay na siya sa kanyang magiging kuwarto..

"She needs a lot of rest," saad ni Kael.

Tumango lang kami sa kanya "Bakit pala narito ka? Akala ko nasa Europe ka pa," tanong ni Queven.

"Isa ito sa mga branch ng Javier Hospital," sagot nito sa kapatid ko.

"It's better if you take her to a place where she can relax,"

"Did you know that she have an anxiety?" tanong ni Kael sa amin.

Sabay kaming napatingin ni Queven sa kaybigan.

"Anxiety?" kunot nuong tanong ko.

"She woke up earlier and saying that her stomach is acheing. She also having trouble with breathing but her lungs are clear.  As of now she's fine. But the other Doctor said that she have anxiety,"

Napailing siya "Noong nakaraang linggo din kasama niya si Derick Cy. Akala ko ba asawa niyo siya? Pero suot niya ang bracelet ng triplets at handa na raw ang kasal nila," wika pa nito sa amin na parang nagugulohan sa nangyayari.

"Saka na lang namin ipapaliwanag pag okay na ang lahat. Sa ngayon kaylangan muna nating hanapin ang babaeng 'yun," sagot ko.

"Better, Quirro. That would be a problem," komento naman niya.

Hindi lang sa Cy namin siya gustong ilayo kun'di sa isa pang babaeng impostor na gumagaya sa kanya.

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Where stories live. Discover now