KABANATA 41

112 6 3
                                    

When A Rebellious Heart Changed

Kabanata 41

Matapos ang salo-salo ay nagpatuloy na ulit sila Rance sa pag-aayos ng bahay nila Makoy. Nagpapaalam sa akin si Rance at bago ito umalis ay binigyan niya ako ng mabilis na halik sa labi na kaagad nagpakantyaw sa mga tao sa paligid.

Muli akong pinamulahan dahil sa ginawa niya. Lumapit sa akin si Melda at niyaya ako sa loob ng bahay. Tinulungan ko siya sa pag-aayos ng magiging souvenirs nila sa nalalapit nilang kasal.

Hanggang sa sumapit ang hapon ay dumating na sila Rance. Naghanda ulit kami para naman sa miryenda ng lahat. Bananacue at turon ang niluto namin.

Kaagad na lumapit sa akin si Rance pawis na pawis na ito at kaaagad na hinubad ang kanyang damit sabay punas sa mapawis niyang katawan. Nag-iwas ako ng tingin habang kumakain ng turon.

I saw him having a hard time wiping the sweats on his back, kaya binaba ko ang turon na kinakain at inagaw sa kanya ang t-shirt at pinunasan ang likod niya.

"Ang sweet naman ng honey ko..." nakangiting turan niya.

"Tapos na kayo?" tanong ko at hindi pinansin ang sinabi niya kahit sa loob-loob ko ay gusto ko ng sumabog sa kilig.

"Yup, natapos na namin..."

"That's good, magpahinga kana tapos magmiryenda. Are we going home na ba?" tanong ko pa.

"Oo, I need to take a bath pero babalik din tayo mamayang hapon dahil nag-aya sila Mang Willy na dito ulit tayo maghapunan dahil may sayawan mamayang gabi..."

"Sayawan?" tanong ko dahil hindi pamilyar sa akin iyon.

"Nakagawian na kasi noon na bago ang kasal ay may sayawan na magaganap. Pero iilan na lang ang gumagawa noon. This village is a bit traditional kaya may ganoon," kwento niya, kumuha siya ng turon at kumain.

"Oh, I don't know about that," tinapos ko na ang pagpupunas sa likod niya.

"Now you know, matagal na kasi 'yon at bibihira na rin gawin..."

Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain ng turon ko. Binigyan kami ng buko juice ni Makoy na nasa mismong prutas pa. Nagsalo nalang kami ni Rance dahil hindi ko naman kayang ubusin ang isang buko.

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na kami sa mga villagers at babalik nalang mamayang gabi.

Naglalakad na kami ni Rance pabalik sa rest house niya at inaalalayan niya akong muli. Dahil maliwanag pa ay medyo binagalan ko ang paglalakad para pagmasdan ang paligid. May mga sari-saring halaman sa paligid, kinuha ako ni Rance ng isang uri ng bulaklak na hindi hindi ko alam ang pangalan at nilagay iyon sa tainga ko.

"Thank you..." sabi ko.

"Ang ganda mo talaga," puri niya dahilan para pamulahan ako.

"Rance! Stop make me blushing!" hindi ko na mapigilan na sabi. Malakas siyang tumawa at hinila na ako para magpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating kami sa bahay niya ay kaagad siyang naligo samantalang ako ay nasa veranda at hinihintay siyang matapos. Nakatanaw lang ako sa magandang tanawin at pinapanood ang pagsayaw ng mga puno ng niyog sa ibaba habang malakas ang hangin.

Hindi na ako nagulat ng biglang may yumakap mula sa aking likuran, naramdaman ko ang malamig na pagpatak ng tubig mula sa buhok niya. He's not wearing shirt but pants. He sniffed my sent and kissed the top of my head.

"Are you enjoying here?" tanong niya habang mahigpit akong yakap.

Sumandal ako sa dibdib niya at marahan na tumango.

When A Rebellious Heart Changed (Ladies Of Esmeris Series 1)Where stories live. Discover now