"I will not harm you," alo niya sa akin saka tumabi ulit sa akin.

"What did you do?" tingin niya sa kapatid ngunit kibit-balikat lang ang isinagot nito dito.

The two exchanged glances as if the two were in a fight.
Nagsukatan sila ng titig hanggang sa magbawi ng tingin si Quirro na tila ba natalo na ito.

"Can you leave. You must have seen that I was treating Thea's wound, right?" Queven said.

"Sino ba kasing may kasalanan," irap naman ni Quirro sa kambal.

"Ang usapan ilalayo lang natin siya sa mga Cy," dagdag pa nito.

"Iyon nga ang usapan pero wala sa usapan na sasabihin mo na sa kanya," sagot naman ni Queven na halatang nagpipigil ng galit.

Tumingin siya sa akin "I'm sorry," hingi niyang paumanhin.

Kinabig niya ako saka niyakap at hinalikan sa aking ulo "Can you still forgive us?" inilayo niya ako para makita ang aking sagot.

Hindi ako sumagot.
Mapapatawad?
Para namang gano'n kadali 'yon.

"Gusto ko ng umuwi at makita si Mommy," imbes na sagotin ang tanong niya ay ito ang sinabi ko.

"Daddy said that she's okay. So don't worry," sagot ni Queven.

"But I still want to see my mother," wika ko.

"Don't be so stubborn, Thea. Sabi ko ng mananatili ka dito," saad ni Queven saka tumalikod na sa amin at lumabas na sa silid na ito.

"Gutom ka na ba?" kuha ng atensyon ko ni Quirro.

Sa mga nangyayari ngayon ay hindi ko na maramdaman ang gutom o kahit ang uhaw.

"Hindi po," sagot ko saka humiga na lang sa kama.

Narinig ko pa ang buntong-hininga ni Quirro. Gumalaw ang kama hudyat na tumayo na siya.

"I'm so sorry, Baby," tama lang para marinig ko.

Paglabas ni Quirro sa kuwarto'y napapikit na lang ako.
Ayuko sanang isipin ang lahat ng ito dahil pagod ako pero kusang tumulo ang aking mga luha hanggang sa lumakas ang naging pag-iyak ko na parang batang inagawan ng candy.

Niyakap ko ang unan na para bang dito ako kumukuha ng lakas dahil sa panghihinang nararamdaman.

Apat na taon na. Akala ko tapos na ang lahat pero bakit parang nag-uumpisa na naman sa una.
'Yung sakit. 'Yung galit. 'Yung sari-saring emosyon na nararamdaman ko noon hanggang ngayon hinahabol pa rin ako.

Pero hindi. Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama. Hindi ito totoo. Bangungot ang lahat ng ito.

"Mommy, please gisingin mo na po ako," usal ko.

"Oh God please let me out of here," dasal ko sa Diyos.

Tumayo ako para buksan ang sliding door palabas sa balcony ngunit naka lock iyon. Tumakbo ako sa cr para tignan kung may bintana roon na puweding labasan ngunit nanlumo ako ng makitang wala. Kung ang main door naman kasi alam kung naka lock ito katulad kanina.

"Isip, Thea," saad ko sa sarili. Kinuha ko ang lampshade na nasa side table saka binasag ang glass door papuntang balcony ng may marinig na warning alarm.

"Fvck," napasabunot ako sa sariling buhok habang napaupo katabi ang mga bubog.

Halos masira naman ang pinto ng sabay na pumasok ang dalawa.

"Thea," sigaw ni Queven ngunit mabilis kong kinuha ang isang bubog at itinapat iyon sa aking pulsohan.

Parihas na natigilan ang dalawa at halos nanlalaki ang mga matang napaatras.

"Fvck, Baby, don't do that," angil ni Quirro.

"Pauwiin niyo na kasi ako," sigaw ko sa dalawa.

Nagtinginan ang dalawa na animo'y nag-uusap sa kanilang mga tingin.

Parang flash na biglang naka lapit sa akin si Quirro. Hinila niya ako para yakapin pero ang hawak kong bubog ay itinarak ko sa kanyang balikat.

I heard him groan but instead of getting angry, he keep hugging me.
Umiiyak akong binitawan ang hawak na bubog. Nahulog ito sa lapag na may dugo ni Quirro.

"Sshhhhh," himas ni Quirro sa buhok ko.

Hinawakan niya ako sa aking dalawang pisnge saka ginawaran ako ng halik sa nuo.

"Are you okay?" tanong niya. Na dapat siya nga ang tinatanong ko dahil sinaksak ko siya.

"Kuya," tawag ko sa kanya habang nangangatal ang bibig.

"Kuya, I'm sorry," wika ko pa ng mahimasmasan.

Binuhat niya ako palabas ng kuwarto at pumasok kami sa isa pang kuwarto. Malaki ang isang ito kumpara sa kuwarto na inukapahan ko.
Dahan-dahan niya akong ibinaba sa kama. Si Queven naman ay nakasunod lang sa amin dala-dala ang medical kit.

Umupo sila sa L-couch at ginamot ni Queven ang sugat ni Quirro.
Yakap ang sariling tuhod iniyuko ko rito ang ulo upang itago ang mukha.

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon