C a p i t o l o 6

Start from the beginning
                                    

Halatang hindi sila masaya sa mga narinig nila.

"Ano ang ginagawa niya rito Agnello? Plano ba niyang ipahamak ang buong Tredicesimo?" tanong ni Druina.

"Ay, judger ha?" bulong ko, pero sapat na ang lakas para marinig nila ang sinabi ko.

Fiorella's lips changed from a gloomy expression to a smile. Naglakad siya palapit sa akin at akmang yayakap kaya napahakbang ako palayo. Pero wala rin akong nagawa dahil hindi naman ganoon kalaki iyong space para umatras. "Welcome," pagbati niya habang yakap-yakap ako ng mahigpit.

O—kay? "T-thanks," sagot ko na halos pabulong dahil hindi ko alam kung mahihiya ba ako o ma-ta-touch. Both na lang siguro.

"At dahil isa na siya sa atin, inaasahan kong i-ta-trato n'yo siya rito sa Croce Cardinale katulad ng pag-trato n'yo sa iba pang mga miyembro ng Luciano Famiglia at ng ating decina," sabi n'ong manyak kaya bumitaw si Fiorella mula sa pagkakayakap sa akin para lingunin si Agnello.

Saglit ko ring sinulyapan iyong manyak dahil in fairness naman sa kanya, kapag iba pala ang kaharap niya ay matino siyang tao. Ma-awtoridad ang pagsasalita niya at hindi mo kakikitaan ng kamanyakan. Hindi na ako magtataka na kahit papaano'y iginagalang siya ng iba.

"Makakaasa ka," nakangiting sagot ni Fiorella.

"Okay," sagot naman ni Druina.

"Halika linisin muna natin 'yang mga sugat mo bago natin umpisahan ang mga gagawin," nakangiting saad ni Fiorella. Oo nga pala, may mga sugat pa nga pala ako dahil sa ginawa ni Ludovic Luciano.

For sure naman pinagsisisihan na niya ang mga nangyari at bilang mabait at mapagmahal na future girlfriend at asawa ay pinapatawad ko na siya.

"Constance?"

"Yes?" I replied when I felt Fiorella's small shuddering on both of my shoulders.

"Okay ka lang ba?" tanong niya kaya ngumiti ako sa kanya. "Oo naman, pinatawad ko lang iyong future jowa ko. Baka mag-overthink, eh."

"Huh?" naguguluhang tanong niya kaya tumawa ako ng mahina "Tara na, akala ko ba lilinisin mo pa ang sugat ko," pag-iiba ko ng usapan.

Ngumiti ako kay Agnello na sinuklian naman niya ng kindat bago namin tuluyang lisanin ni Fiorella iyong Tredici Grotte.

Hindi na masamang umpisa. Mukhang okay naman dito.

"Hi, umm—pumunta ako rito para sana maningil ng—"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hi, umm—pumunta ako rito para sana maningil ng—"

Padabog na inilagay n'ong ale ang hawak niyang gulay sa loob ng isang plastik bago nagsalita "Hay nako! May pumunta na kaninang umaga. Hindi naman yata puwede na parehas kaming magbibigay ng gabella sa inyo. Aba! Wala na kaming kikitain kapag ganoon..." Marami pang kasunod na sinabi iyong ale pero hindi ko na pinakinggan.

"Fiore—"

"Okay lang 'yan. Doon na lang tayo sa kabila," nakangiting sabi ni Fiorella na para bang sanay na sanay na siya sa ganitong eksena. Si Fiorella ay isang Campieri. Iyon ang tawag sa kanila na nabibilang sa Croce Cardinale. I mean sa amin pala, dahil kabilang na rin ako sa kanila.

C A P O D E C I N AWhere stories live. Discover now