Sa bawat araw, linggo at buwan na lumipas sa buhay ng ating bidang si Cherish hindi maikukubli ang unti unting pagbabago sa katauhan nito. She learned a lot of things. Kung paano makipagpatintero sa agos ng buhay. Nalagpasan niya ang iba't ibang pagsubok na ibinabato ng panahon sa kanya. Pinangarap niyang makapagtrabaho sa eroplano ngunit hindi kinaya ng kanyang bulsa. Kaya napunta ito sa pag aaral na maging isang caregiver. Dito yata ang kanyang swerte dahil right before her graduation, she received a job offer from the owner of the school she is enrolled. Agad agad na tinanggap niya ang offer not because of mataas na sahod but because mahirap ang maghanap ng trabaho kahit pa sabihin na nating graduate ka na. Hindi ganun kadali minsan.
Working as a live-in caregiver in one of the billionaires house is quite a privileged for Cherish. Earning thousands of pesos is a big help for her and for her family. After several months of working as a full time caregiver she just recently bought a not so big not so small house in a certain place. Malapit na sa city ng cebu. Napapagpatayo na din siya ng bakery na minamanage ng kanyang pinsan at magulang. At nakapag ipon na rin ito. But then hindi rin basta basta ang kanyang pagtatrabaho sa masungit at malditong matanda na bawat caregiver nito pinapalayas niya kapag hindi niya ito nagustuhan.
Pero nang dumating si Cherish sa kanilang pamamahay, biglang nagbago ang lahat. Hindi tumalab ang kamaldituhan niya sa dalagang walang ginawa kundi ang ngumiti at ipagluto siya ng kanyang masarap na pie na kinasasabikan ng lahat matikman. Kaya si Lolo madito naging mabait na lolo na ito.
Ito madalas niyang request sa dalaga na kainin niya sa hapon para sa kanyang snacks. O kaya sa gabi. Since Cherish studied about health care alam niya kung ano ang dapat at hindi dapat gawin sa kanyang alaga. Kaya ginagawan niya ito ng pie na para lamang sa matanda at gumagawa siya para sa mga kasama. Kaya naman gustong gusto siya ng mga kasamahan niya dito dahil sa pagiging jolly niya. Ito din ang clown ng matanda kapag nalulungkot ito. Lahat ng mga gawain niya planado.
"Bukas, ito ang lulutuin ko kay Don Manuel, tapos dadalhin ko siya sa tabing dagat..." nakatunganga ito sa malaking wall na may malaking white board at dito makikita ang mga activities of the week ni Cherish. Palakad lakad ito habang hindi inaalis ang mga mata niya sa board. "Ito ang mga activities niya dapat. Oh magpapabili na din ako ng gamot. Then the following day ayun check up niya... blah blah blah..." biglang nagsipasukan ang mga kasamahan niya. Kanya kanya sila hila ng upuan at binabasa ang mga nakasulat sa board. Akala mo professor sa isang university dahil may hawak itong pen at eraser. Nakikibasa na rin ang kaniyang mga kasama.
"Tapos na ba yung pinapanood niyo?" tanong niya habang nagsusulat sa board.
"Tapos na yung probinsyano at pangako sayo. Akala namin susunod ka doon at makinood sa amin, hindi naman pala." wika ni Ate Gemma na may hawak hawak na tasa. Nakapatong pa ang isang paa nito sa upuan habang sinasawsaw ang monay sa mainit na kape.
"Oo nga Cherish, wala kami tuloy kasama sa pag iyak."segunda ng kusinerang si Lola Chelsea na panay ang ngiti dahil sa kanyang ka textmate na driver sa kabilang pader. Si Totoy Liit(bansot din). Sila ang mga kasamahan niya sa bahay. Wala naman siyang alam kung nasaan na ang mga kamag anakan ng matanda. Hindi pa naman niya sinubukan magtanong sa mga kasamahan niya.
Si Mang Adonis na driver, si Kuya Apolo na isang gardener, si Nanay Nhia na labandera, Si Lola Chelsea na kusinera, si Manang Yenna na taga plantsa at si Ate Gemma na taga alaga ng baracuda ni Don Manuel.
"Kuya Adonis tuloy tayo bukas po ha..." paalala niya sa driver.
"Paano kailangan maaga pa lang bukas nakahanda na kayo ni Don Manuel ha Cherish." ang kanilang driver na si Mang Adonis.
BINABASA MO ANG
Ang Sarap Ng Pie Mo (Book 2)
Short Story"No matter what other people say to you, I swear that I would always choose you, my love. You are the one for me, the one I knew was going to stay with me for the rest of this life. There is just nothing in this life that I want the most than to be...