Halos sumayad sa lupa ang nguso nito pagpasok sa loob ng tahanan. Para bang binagsakan ng langit at lupa. Padabog siyang pumasok sa silid at panay ang salita niya kahit siya Lang mag isa."Bwesit talaga! Kung bakit kailangan makita ko pa yun? Matapos ko basahin ang nasabing magazine at malaman ang totoo kung bakit siya umalis, gusto kong sampal sampalin ang sarili kong mukha na sa dinami dami ng tao sa mundo sa kanya pa ako nahumaling. Bakit sa kanya na alam ko naman wala akong rason na mahalin niya ako. Sino ba naman ang isang Cherish para sa kanya? Isang katulong di ba? Hindi niya ako malamang kayang iharap sa kanyang mga kamag-anakan o maging sa kanyang mga kaibigan. Gumising ka sa kahibangan mo Cherish. Langit at lupa ang nakapagitan sa inyo. Hindi ko alam pero sobrang sakit pala. Sobrang sakit pala ang umasa ka na mahalin ka din ng taong gusto mo. Huhuhu." Kastigo nito sa sarili at nakayakap sa unan na halos basang basa na ang unan ng dalaga dala ng kaiiyak niya. Hindi na din ito nakapaghapunan dahil sa sobrang sama ng kalooban. Sinabi niya lang na napagod siya sa paghahanap ng trabaho kaya gusto niya nang magpahinga. "Bukas na bukas mag inquire ako ng eskwelahan na pwede kong pasukan. At kukunin ko yung schedule na pwede sa akin para kahit papano may kita pa rin ako pambayad sa school. Hindi ka pwedeng tumigil Cherish. Gawin mo ito hindi para sa iba kundi sa sarili mo at sa pamilya mo. Sila ang kailangan mo at hindi kahit sino dahil ang mga iyon, andiyan lang sa tuwing may kailangan sayo at kapag wala na, iiwanan ka nila na parang basahan."
"Muningning, hindi ka ba kakain anak?" nasa labas ng kanyang kwarto ang ina.
"Busog pa ako nanay. Kapag nagutom po ako mamaya kakain po ako nay."
"O sige, iligpit ko na ito anak ha. Ikaw na bahala mag-init ng sabaw mamaya."
"Opo nay,salamat po. Pahinga na po kayo nay."
"Okay anak."
Kaagad inayos ni Cherish ang mga documents niya para sa kanyang paghahanap ng mapapasukang eskwelahan. Tinext niya ang pinsan na samahan siya kaya napagkasunduan ng dalawa na doon na matulog sa kanila ang pinsan para maaga silang makapunta ng bayan para sa paghahanap ng eskwelahan. Then she heard someone kncoking at her door. When she opened it, her cousin pala.
"Tulog na ba sila tyang?"
"Oo eh. Ikaw kumain ka na ba?"
Napailing ito sabay himas sa manipis na tiyan. Tumayo si Cherish at inaya ang pinsan sa kusina. Then pinag iinit niya ang ulam at naglagay ng plato para sa kanilang dalawa. Tumulong na din si Norma sa kanya. Then parehong naupo at tahimik na kumain ng kanilang hapunan.
"Insan, okay ba talaga sa akin ang maging stewardess?" seryosong tanong ni Cherish. Tiningnan siya nito taas baba. Nakangiwi itong tumingin sa kanya.
"Sa ganda at katawan papasa ka pero baka sa height hindi eh....pero... may pero insan, baka pwedeng gawan ng paraan like magsuot ng may takong."
"Haysss, pa ano na ito? Tapos na ang mga pangarap ko nito."
"Uy wag ka ngang ganyan. Wala pa nga eh pinanghinaan ka na agad ng loob. Cheer up Che."
Muli na naman silang natahimik. Then nagsalita ulit si Cherish."Eh kung mag work ako sa mga malalaking barko. Yung...Yung..."
"Yung sa mga 🚢 cruise?"nanlaki ang mata na tanong ni Norma.
"Yan tama.! Cross! Yung barko."
"Pwede ka doon insan. Mag aral kang maging chef at mag work ka doon." Sabay subo ng kanin at ulam. Napaisip naman si Cherish dahil sa sinabi ng pinsan at para bang nakikita na niya ang sarili nitong sumasakay sa malaking barko at nakasuot ng puting uniform. Habang nagluluto ng mga espesyal na menu para sa mga sikat na guest. Muli nilang pinagpatuloy ang hapunan at ng matapos pinagtulungan nilang linisan at sabay na pumasok sa silid upang makapag pahinga na sila.
BINABASA MO ANG
Ang Sarap Ng Pie Mo (Book 2)
Short Story"No matter what other people say to you, I swear that I would always choose you, my love. You are the one for me, the one I knew was going to stay with me for the rest of this life. There is just nothing in this life that I want the most than to be...