Chapter 3

1 0 0
                                    

Napaikot na lng siya ng mata sa nabasa at nilibot ng kanyang paningin ang buong paligid,Purong puno ang kanyang nakikita at sa kanyang bandang kanan ay isang napakalinaw na ilog.Lumapit siya dito at sinilip ang larawan ng kanyang mukha.



Isang dalagita ang lumabas,dalagitang may matalim na pulang mata,purong itin na buhok,matangos na ilong,natural na pulang labi,at mala gatas na balat,hinawakan niya ang kanyang repleksyon sa tubig  at ang repleksyon niya ay bahagyang lumabo at nagalaw


Hindi pa man siya nagtatagal doon ng maramdaman niyang may papabulusok sa kanyang isang bagay,napatingin siya dito at maliksing iniwasan ang hindi bagay kundi dambuhalang oso.

Pinakatitigan niya ito ng mabuti at napangiwi sa wangis ng oso,isang oso na tipikal na kayumanggi  ang katawan ngunit mas malaki sa karaniwan at mga pulang mga mata na nagbabadya ng masama,idagdag pa ang mahahaba at matutulis nitong mga pangil at kuko


Tiningnan niya ang ibabaw ng ulo nito dahil iyon ang nakasaad sa manual kung gusto mung makuha ang basic information ng isang kalaban o manlalaro,pero sa mga manlalaro pangalan at level lamang ang makikita at hindi ang mga stats at skills,ngunit kung may espesyal kang skill o gamit na nkatuon s buong inpormasyon ng isang manlalaro ay maari mo itong makita lahat kasama n ang kanyang mga sinisikreto


"Wild Ursus"
Level 3

Stats
Hp:100/100
Mp:65/70
Vitality:40/40
Agility:30/30
Defense:40/40
Intelligence:20/20

Skill
Dash-move to a target location or unit instantaneously
CD:8 sec
Flaining claw-attacks four times, each blow dealing 10%~20% of a normal attack.
CD:10 sec
Berserk-it can activate when the hp drop below 30 and it can also double the stats of the user


Napasinghap siya sa nabasa at tinitigan ang pulang mata ng oso na rumerepleka sa kanyang sariling mata,saglit niyang tiningnan ang kanyang pangalan at level sa ulo at ipinag kumpara sa kanyang kalaban,hindi niya maiwasang mag mura sa laki ng agwat ng kanilang mga level

IGN:Drusilla

Level 1
Hp:100/100

Napag-isipan niyang mamaya na lng tingnan ang kabuuan niyang profile at kalabanin ang Osong nangangalit na nakatingin sa kanya,Hinanda niya ang kanyang rapier at hinawakan ng mahigpit ng makitang mabilis na sumusugod sa kanya ang oso,Sa tingin niya ay ginamit nito ang skill na Dash.tinitigan niya ito ng mabuti at maliksing umiwas upang hindi siya matamaan,Siya nmn ang sumugod at mabilis na kinumpas ang kanyang Rapier sa kalaban ngunit nasangga lng ito ng Oso gamit ang kanyang matatalim na kuko.



Napalayo siya bigla at gumawa ng kampanteng distansya sa pagitan nila,binantayan niya ang galaw ng oso at ng makitang muli itong gumamit ng dash ay umiwas siya,ngunit huli na ang lahat dahil pagkatapos-tapos mag dash ng oso ay binigyan niya si Drusilla ng Flaining claw,isa,dalawa,tatlo--hindi lamang tatlo kundi apat na beses siyang natamaan ng matutulis at nangangalit nitong kuko,

IGN: Drusilla
Level:1
Hp:40/100

hirap na hirap siya na lumayo sa oso habang pa ika ika at nakahawak sa tagiliran na muling gumawa ng distansya.

"Fuck,sobrang sakit,how i'm supposed to kill this bear?I can't even make a critical hit"

Tiniis niya ang sakit at puwesto kahit na nanginginig na ang kanyang kamay itinaas ang rapier at buong lakas na sumugod sa oso,ngunit sa inaasahan nasangga na naman ito ng oso,ngumisi si Drusilla at tumalon ng mataas habang nakatutuk pababa ang kanyang sandata, bilang ganti prinotektahan ng oso ang kanyang taas at akmang sasanggain ang sandata niya ngunit hindi ito natuloy ng biglang itinigil ni Drusilla ang kanyang balak at diretso ito tumalon sa likod ng oso,hindi ito napaghandaan ng oso ng biglang saksakin siya ni Drusilla sa kanyang likod.umalingawngaw ang iyak ng oso at unti unti na itong napapaluhod, critical hit,ngunit si Drusilla pa ba?Hindi niya hinayaan ang oso, dahan-dahan at dire-diresto niya paring tinarak ang sandata niya hanggang sa bumaon ang talim nito sa kabilang banda,tagos!ngumisi ng matagumpay si Drusilla at handa na sanang saksakin pa ng isang beses ng biglang nagkumahahog ang oso
   


Hp of wild Ursus:30/100

Bersek:it can activate when the hp drop below 30 and it can also double the stats of the user


Napatanga siya sa nakita at tinitigan lang ang oso sa ginagawa nito,tumingala siya saglit sa langit at sinusumpa ang kamalasan niya,agad niyang nilibot ang paningin sa paligid,puro puno,matatayog na puno at ang ilog,

Ng biglang maalala niya ang invetory bag,
dali dali siyang kumumpas sa hangin.pataas,pababa,gilid,kanan,kaliwa,


"Putang ina"

Kung kelan nasa delikado siyang sitwasyon saka naman niya ito hindi nalaman,sigurado siya na nagbasa siya ng manual ngunit hindi niya ito tinapos at ilang pahina lamang ang binasa niya dahil hindi na daw mas nakakawili kung alam na niya agad,pero ngayon hindi niya alam sa sarili niya kung masaya pa ba ito o ano

Napabalik siya sa katinuan ng marinig na biglang tumahimik ang kaninang maingay na kapaligiran,namumungay ang matang tiningnan niya ang oso at hindi maiwasang mapangiwi sa itaura nito

Tiningnan niya ito mula ulo hagang paa,nagkaroon ng mahabang sungay,lumaki ang katawan lalo na ang braso at lalong humaba ang matatalas nitong kuko,tumaas ng ilang dipa at lumiliwanag na pulang mata ang nakatingin sa kaniya habang nakalawit ang dila sa matatalas nitong mga pangil,wari'y nakangiti ito sa kanya at sinasabing wala na siyang kawala ngayon,hindi niya alam kung oso pa ba ito o diablo,para na itong monster boss sa itsura nito dumoble pa ang mga stats nito.


Alam na niyang wala siyang kawala kaya dali dali siyang tumalon sa bawat sanga ng puno kahit na hindi parin gumagaling ang mga sugat niya,sobrang sakit sa totoo lang,sirang sira na ang mukha niya sa pag ka iyamot habang pinuputol ng oso ang bawat punong madadapuan niya,wala na siyang pagp-pipilian,tumalon siya ng mataas at diretsong bumagsak sa ilog,dali dali niyang kinumpas muli ang kamay sa kawalan habang nasa ilalim ng tubig,hindi siya maaaring makipaglaban sa nagwawalang oso ng kalahati ang buhay at sugatan,

kumumpas ulit siya sa taas,baba,gilid,kaliwa,kanan,at pababa diretso hanggang kanan kahawig ng malaking titik "L"
Sa wakas bumukas ang kanyang invetory at tiningnan ang laman,dalawang health potion,dalawang tinapay,dalawang mana potion,at isang mukhang regalo?


Hindi na muna niya ito pinansin at mabilisang ininom ang dalawang potion bumalik naman sa 80 ang kanyang buhay,hindi na masama,saad ng kaniyang isip

Dali-dali niyang  ikinampay ang paa at kamay at umahon,sa kanyang pag ahon nagtago siya sa likod ng puno at sumilip,nakita niya ang osong palinga linga,ngumisi siya at nilabas ang sandata,ipinikit ang mga mata,huminga ng malalim at nag focus,imumulat na sana niya ang kanyang mata upang sumugod ng magulat siya dahil biglang parang may lumiliwanag sa harapan niya at lumalakas ang enerhiya ng kanyang sandata tiningnan niya ito at lumiliwanag nga ito ng kulay pula animoy isang dugo na rumereplika sa kanyang mata

Ting

New skill acquired




-------------
Sorry sa mga grammatical error at mga typo.
Thankyou sa mga bumasa

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Solo Player or Not?Where stories live. Discover now