Chapter 2

1 0 0
                                    

Pinakatitigan niya ito at tama nga siya,isa itong manual ng laro.Binuklat niya ito at nilipat ang mga pahina

"Hmmm.."ani niya ng maintindahan ang nakasaad sa bawat linya.Kung hindi siya nagkakamali ito ay manual na kasama ng kakaibang helmet na iyon.Patuloy lng siya sa pag bubuklat ng di sinasadyang may nalaglag na papel sa manual kinuha niya ito at sinuri bago na pag pasyahang buksan at basahin

"Miss Vlad Drusilla Eccleston,siguradong nag tataka ka kung bakit nag karoon ka ng virtual reality helmet,ngunit kung nababasa mo ito maaaring alam muna kung para saan iyan at kung pano gamitin,Bakit hindi mo subukan Miss Eccleston.Malaking gantimpala at isang kahilingan ang yung makakamit oras na matapos mo ang laro"

Napa ismid siya sa nabasa at ibinalik sa kahon ang lahat ng kaninang nandon.Lumabas siya ng kwarto para kumain na ng hapunan.Binuksan niya ang cabinet at kumuha na lng ng instant noodles dahil iyun lng nmn ang nandun simula't sapol

Habang kumakain siya hindi niya napigilang tumitig sa kawalan at isipan ang nakasaad sa sulat.Wala na siyang Pamilya at mag isa na lng sa bahay may sapat nmn siyang pera na iniwan sa kanya ng kanyang mga magulang ngunit hindi sapat yun para sa mga susunod na araw o panahon

Naisip niya ang malaking gantimpala na matatanggap at ang kahilingan sa oras na matapos ang laro.Siguradong pag natapos niya iyon maari na niyang matustusahan ang mga pang araw-araw na kailangan sa buhay at ang kanyang bahay,Natatakot ang mga tao sa kanyang bahay na mukha ng haunted house sa itsura,walang buhay at madilim kahit may ilaw nmn,yun nga lng tamad syang mag bukas

Tumayo siya at inimpis na ang pinagkain at dumiretso sa kwarto upang maglaro.napag desisyon na niyang maglaro habang nakatulala siya at kumakain kanina

kailangan niya makuha ang gantimala para mapadali ang problema niya sa buhay,at habang tinatapos niya ang laro mag hahanap nmn siya sa umaga ng part time job na hindi na aalintana ang pag pasok niya sa kolehiyo At sa gabi nmn ang pag lalaro niya upang matapos agad ang laro.Hindi niya kailangan ng kasama upang matapos iyon sapat na siya,kailangan niya lng seryosohin ang laro at mag palakas

Ngunit nagtataka pa rin sya kung sino ang nagbigay nito pero wala na siyang pake alam don salamat na lng kung sino ang nag bigay

Isinaksak na niya malapit sa kanyang kama ang saksakan ng helmet at sinuot bago humiga

"Virtual game huh"katagang sinaad niya bago sabihin ang mga salita upang makapasok sa laro

"Game Start"

Ipinikit niya ang mata ng makaramdam na parang hinihikit siya ng pwersa sa ibang dimensyon.Ng tumigil na ang kanyang nararamdaman dahan dahan niyang minulat ang mata ngunit napapakit din agad sa sobrang linawag na tumambad sa kanya,Pumikit pikit siya upang maka adjust sa linawanag at ng ayos na ibilibot niya ang kanyang paningin sa buong lugar

Isang simpakeng kwarto na walang mga kagamit gamit at bawat dingding,bubong at sahig ay purong puti

Nawala ang kanyang atensyon sa paligid ng biglang may lumitaw sa kanyang harapan,nilingon niya ito at napansin ang hologram na kanina'y wala nmn

"Please,enter the ign you want"Tumipa siya at inilagay ang katagang

"Drusilla"

it means Mighty,Strong and Diminutive,Hindi niya alam kung bakit iyan ang naisipan ipangalan sa kanya ng kanyang magulang Kung tutuusing hindi nmn siya ganon kalakas kahit kaya niyang mag pabagsak ng mahigit ilang bilang ng kalaban o mga nang bubully sa kanya noong bata pa siya

Pero ngayon ang mga tao ay hindi na lumalapit at nag tatangka sa kanya dahil kahit sa kagandahan niyang taglay bampira pa rin ang tingin sa kanya ng iba

So back to reality or virtual, pag katapos niyang pumili ng IGN, muling may nabuong letra sa kanyang hologram

"Please, Choose your Main Job"

"Tank"
"Fighter"
"Marksman"
"Mage"
"Assasin"

Walang pag aalinlangan niyang pinili at pinindot ang Assasin, sa totoo lng ito ang gusto niya noon una pa lng. Masyadong pa misteryoso at maliksi kung kumilos. Tamang tama sa pag kilala ng mga tao sa kanya, Bampira.

"Now choose your main weapon"

"Dagger"
"Scythe"
"Throwing Knives"
"Rapier"
"Excalibur"
"Katana"

 

Pinindot niya ang Rapier at unti unti itong nabuo sa ere. Lumapit ito sa kanya at dire diretsong bumulusok hanggang sa tumigil sa kanan niyang mata ang dulo ng talim nito. Napa ikot na lng ang mata ni Drusilla sa dami ng alam ng game na ito at kalmadong kinuha ang nakalutang na armas sa kanyang harapan

Pinakatitigan niya ito at tumango-tango dahil hindi siya binigo sa taglay nitong disenyo ngunit kailangan pa itong palakasin o i-upgrade.

Pagkatapos niyang pakatitigan ang armas bumalik ang kanyang mata sa hologram na saktong may nabuong bagong salita

"Do you want to change your apperance?"
     
<Yes   or     No>

Pinindot niya ang No dahil kuntento na siya sa kanyang itsura, Gusto niyang kinakatakutan siya dahil hindi niya din alam kung pano makisalamuha, simula pa noon nasanay na siyang mag-isa

Pagkatapos ng mahabang proseso sa pag gagawa ng character. Biglang nawala ang hologram sa kanyang harapan at bumukas ang sahig na kanyang tinatapakan, Bumulusok siya pababa at Nahihirapang huminga gawa ng malakas na hangin habang nasa gitna ng pag bagsak.

Malapit na siya sa lupa at siguradong patay siya oras na lumagapak siya don, ipinikit na lamang niya ang kanyang mata at nag mura

"Fuck, kasisimula ko palang and i'll be dead right away"

 

Ngunit sa pagbulusok niya hindi niya inaaasahan titigil ito, dahan dahan niyang iminulat ang mata at tiningnan ang nangyari. Ilang distansya na lamang ang layo ng kanyang mukha sa lupa,
Umayos siya ng tindig at matalim na tiningnan ang langit, Hindi niya alam kung anong kalokohan ang pinagagawa dito ,Ano bang gusto ng game na ito ma engganyo ang mga manlalaro o matakot mag laro.Una ang armas niya pagkatapos ito

Nakatitig parin siya ng masama sa langit ng may mga katagang nabuo rito at bawat mga manlalaro sa ibat ibang bahagi ng lugar ay tinitigan ito at binasa

"Welcome players,may your journey in this dimension be smooth and happy"


"Welcome players,may your journey in this dimension be smooth and happy"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

    Credits to the rightful owner
Rapier of Drusilla

--------------

Hindi ko alam kung tama ba yong mga english ko hindi kase talaga ako marunong mag englis, English carabao pwede pa,kaya pag pa sensyahan niyo na ang aking mga grammar

Solo Player or Not?Where stories live. Discover now