chapter 1

3 1 0
                                    

Sa isang lumang bahay na parang haunted house na ang itsura ay makikita ang isang maputla,sing pula ng dugo ang labi at ang kanyang mata ay-

"Ahhhhhhh!"

Isang kahindik-hindik na sigaw ang maririnig mo sa labas ng bahay na iyon ,dali-daling tumakbo ang binatang nag mamay-ari ng boses dahil sa kanyang nakita,nahulog rin ang kahong kanyang idedeliver sana sa may ari ng bahay

Samantala na iwan namn ang babaeng nakatayo sa harap ng pintuan habang palipat-lipat ang tingin sa kahon at sa binata na tumatakbo



Napabuntong hininga na lang siya at kinuha ang nalaglag ng binata na sa tingin niya ay para sa kanya.Naiiling na pumasok siya sa loob at iniisip ay baka natakot ito sa kanyang anyo at uri ng bahay


Hindi naman niya toh masisisi dahil napagkamalan siya nitong isang bampira,kulang na lng ay pangil baka mas lalong lumayo at matakot sila


Isinantabi niya ang kanyang iniisip at bagot na tiningnan ang kahon na nakapangalan sa kanya,pagkatapos niya itong pakatitigan ng ilang minuto ay saka niya napagdesisyonan na buksan


Labis na pagtataka ang kanyang nararamdaman kahit hindi naman ito halata sa kanyang walang emosyon na mukha na parang bagot na bagot sa lahat ng bagay.Kinuha na lamang niya ito at sinuri nagtataka siya kung bakit may kakaibang helmet na nakapaloob sa kahon,dahil ang alam  niya wala siyang motor o bisekleta man lng.Binalik na lamang niya ito sa kahon at inilagay sa kanyang lamesa sa kwarto



----


Kagigising lang niya ng tamaan siya ng sikat ng araw,unti unti niyang minulat ang mata at tiningnan kung anong oras na


Nagulat siya ng makitang late na siya sa araw ng unang pasok niya sa pang huling taon niya sa kolohiyo,agad siyang naligo at kumain hindi na napansin na nakatulog pala siya ng mahimbing at di nakapag set ng oras sa kanyang alarm clock.Wala na siyang nagawa at pumara na lamang ng trycicle papuntang paaralan


Kararating palang niya at balak ng pumasok sa gate ng harangan siya ng gwardya at hingian ng ID,kumunot ang noo niya at kinuha ito sa kanyang bag pero bigla siyang natigilan ng wala siyang makapa,napapabuntong hininga na lng siya lumisan at pumunta sa isang coffee shop.
Alam namn niyang matigas ang guard at hindi siya makakapasok sa kanyang klase kahit pakiusapan pa niya ito



Napabuntong hininga na lng ulit siya pagkatapos humigip sa kapeng kanyang binili ,dumagdag pa  na nasayang ang kanyang pamasahe at pagmamadali para lng makapasok ngunit wala siyang napala,napakamalas niya nmn ngayon



Tumitig siya sa kawalan habang humihigop ng kape,tama nga ang sabi nila na pag huli ka nang gumising naiiwanan ka ng biyaya.Napatigil siya sa kanyang pagkatulala ng marinig niya ang balita sa tv-ing naka display dito sa coffe shop



Nakasaad sa balita ang pinaka una at bagong virtual reality game sa buong bansa,hindi na niya sana toh papansinin ng makita niyang pinakita sa tv ang larawan ng parang helmet na magdadala daw ng ulirat mo sa loob ng game.Naalala niya bigla ang kahon na dinilever sa kanya  ng delivery boy na iyon,hindi niya alam kung sino ang bumuli noon at ibigay sa kanya dahil wala nmn siyang kaibigan at sobrang layo ng kamag anak niya


Hindi na lng niya toh pinansin at pinagpatuloy ang paghigop sa kanyang kape haggang maubos ito,paalis na sana siya ng may mahagip siyang pigura na mabilis na naglalakad sa kinaroroonan niya,huli na para iwasan niya ito at nag ka bungguan silang dalawa



Ininda niya ang sakit ng kanyang ilong na tumama sa malapad nitong dibdib,tiningala niya ang salarin ngunit dire-diretso lng ito at hindi alintana ang pagkakabungguan nila.Napasinghap na lamang siya sa ginawa ng binata at hindi lumilingong umalis sa cofe shop na iyon


Ngunit hindi nakakatakas sa kanyang mata ang suot na uniporme ng binata,sigurado siyang schoolmate niya ito,pero wala parin siyang pake alam┐⁠(⁠ ̄⁠ヘ⁠ ̄⁠)⁠┌



Pag diretso niya ng bahay ipinatong niya ang kanyang bag sa upuan at nagpalit ng damit pang bahay.Hihiga na sana siya para matulog ng mapansin niya ang kahon na nakalagay sa lamesa na katapat lng ng higaan niya



Bumangon siya at nilapitan ito,inilabas niya ang mukhang helmet kuno at pinagmasdan ng ilang minuto hindi niya sinasadyang masagi ang lalagyan ng kahon ng paupo na sana siya sa upuan harap ng lamesa

Yumuko siya para abutin ang kahon ng may mapansin siyang papel na sa tingin niya ay nakalagay din sa kahon,kinuha niya na din ito at sinuri,isa itong aklat na purong papel lamang at walang matigas na balat parang manual lamang sa kung saan.Binuklat niya ito at binasa tama ang hula niya na isa nga itong manual

Solo Player or Not?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin