Hindi siya nag salita. Tinignan ko si Tita Casmin na nakatingin din sakin. Nginitian ko siya. "Tita, p'wede po bang hayaan na po muna natin sila? Kilalang kilala ko po si Faith at may tiwala po ako sa kaniya. Huwag lang po natin silang i-pressure dahil baka higit pa sa tanan ang gawin nila. "

Matagal na hindi nakaimik si Tita Casmin ngunit tumango din siya sa huli.

"Sige. Sana nga, Miriam. Bakit ba naman kasi hindi nag iisip ng maayos si Faith? " natatarantang sabi ni Tita.

Sumabat si Cedrix. "Hahanapin ko siya. Hindi ako aasa sa tiwala niyo at paghihintay. Baka ano na ang gawin ni Abraham sa kaniya! " madilim ang mukha ni Cedrix.

Bumuntong-hininga ako. Isa pa ito. Pero kung sa bagay ay hindi ko din naman siya masisisi kung labis labis na pag aaalala ang nararamdaman niya para sa kapatid niya. Si Kuya nga ganun sakin si Cedrix pa kaya?

"Pero kung basta basta kana lang susugod ay maaalarma sila. At baka nasa isip ni Faith na galit kayo sa kaniya at ipapatay niyo si Abraham! " paliwanag ko.

Natigilan sila at nagkatinginan naman ang mga Tito ko.

Tumango si Tito Luke. "Tama si Miriam. Hayaan na muna natin sila, kilala ko din ang anak ko at may tiwala ako sa kaniya. " matamaan nitong sinabi at tinignan ako.

Ngumiti ako.

Namulsa si Cedrix. "Kapag talaga may nangyaring masama sa kapatid ko papatayin ko siya. " madiing sinabi ni Cedrix bago kami iniwan.

Dahan dahan akong ngumiti. Sana nga Faith hindi mo kami biguin, 'wag mo silang biguin.

Dahan dahang lumipat ang tingin ko kay Tita Maureen na tahimik lang na nakamasid sa 'kin ang nanlilisik nitong mga mata. Nag iwas ako ng tingin. Hindi ko talaga alam kung bakit nagkakaganiyan si Tita. Alam kung may iba pang dahilan, na mas malalim pa dito.

Napalunok ako ng wala sa oras ng mapansin ang unti unting paglapit nito sa p'westo ko.

Tinignan ko pa sila Kuya na pumapasok na sa loob. Tinignan pa niya ako, at halos magmakaawa na ako sa kaniya na ayain niya din ako papasok dahil ayaw kong makausap si Tita. Ngunit hindi niya na gets ang pinapahiwatig ko. Tinanguan lang niya ako at nginitian ng maliit. Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang harapin si Tita. Kainis!

"Bakit mo ginawa iyon? Nababaliw kana ba? " galit na tanong sakin ni Tita.

Sinulyapan ko siya. "Hindi ako nababaliw, Tita. Ginawa ko lang iyon dahil hindi maganda na nananakit kayo-"

"Ang sabihin mo lang ay gusto mo ang lalaking iyon! " madiing pahayag niya at pinanliitan ako ng mata.

Lumunok ako. "N-no... I don't like him... " halos pabulong ko na lang na sinabi.

Mapanghamong ngumisi si Tita. "Really? You don't like him? Pero kung makaprotekta ka sa kaniya kanina ay halos iyong iyo na siya. " mapanuyang sabi niya.

Mapang-akusa niya akong tinignan at pagak na tumawa. "Baka nakakalimutan mo ang nangyari sayo three years ago, Miriam? " nawalan ng emosyon ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

Ang pinaka ayaw ko talaga ay iyong binabalik ang nakaraan na dapat ay kinakalimutan na.

"Oh please, Tita. Shut up. Alam ko. Sino bang hindi makakaalala sa pangyayaring iyon na tila tumatak na yata sa akin na dapat kong dalhin habang buhay? " mapang uyam kong sagot.

Nginisian lang ako ni Tita at hindi pinansin ang kabastusan ko sa pag sagot sa kaniya.

Tumaas ang noo niya at puno ng kumpiyansang tinignan ako. "Hindi na ako magtataka kung balang araw ay mawawala ka na lang din dito. Pero hindi ko hahayaan yun, tama na ang isa. " makahulugang sinabi nito.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon