Part 22

201 10 2
                                    

Danerie's POV

dito na kami nag dinner sa bahay at nag order na lang ng foods ang tropa


"sure kayo ayaw nyo dito matulog?" tanong ni mama sa kanila


"di na po uuwi na rin kami maraming salamat po tita" sagot ni kiel 


"pre yung leave ko ah" sabi ko kila edward dahil sila naman ang mag aapprove non


"oo akong bahala" sagot nya naman. 


napag desisyonan kong mag leave muna dahil gulong gulo talaga ang isip ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko hindi kinakaya ng utak ko yung mga nalalaman ko. 


umakyat na ako sa kwarto ko pagkauwe ng mga kaibigan ko, nakatulala lang ako sa kisame nag iisip kung anong pwedeng gawin, kung san ako mag sisimula


"DANERIE!!!!!!" sigaw ni mama mula sa kwarto nya, napabalikwas naman ako sa higaan at tumakbo 


"anong nangyare ma? bakit?" sabi ko habang papasok sa kwarto nya, nakita ko naman sya hawak hawak ang cellphone nya at may kachat


"si LIza nag mesg sakin sa fb! makipagkita tayo!" Liza? mama ni venus?


dali dali akong tumabi kay mama at binasa yung chat nila


Liza: kamusta kana che? nakita ko malaki na si chrislyn ah

Mama: ah oo mare, okay naman ako, kayo ba? 


yun pa lang ang chat nila at bigla naman akong nabuhayan nang pag asa! salamat po Lord! binibigyan nyo ako ng pag asa sinasagot nyo agad ang panalangin ko 


"oh danerie bukas pupunta sila dito, dito nalang daw at baka may makakita sa kanyang nakikipag kita sakin alam mo na yung asawa nya" sabi ni mama


"sino kasama nya ma?" tanong ko kay mama. gustong gusto ko marinig na sabihin nyang si venus pero parang impossible naman


"si eyon anak" malungkot na sabi ni mama tumango lang ako at yinakap ako ni mama


"pero atleast diba?" sabi ni mama. 


tumango lang ako at bumalik na rin ako sa kwarto ko, humiga at tumulala ule, when venus? sobrang lapit mo na pero sobrang layo mo parin.

...

nakatulog na pala ako kagabe kakaisip nagising lang ako sa sigaw ni mama na andito na sila tita Liza kaya naman nag ayos lang ako at bumaba na rin. 

nakatitig lang sya sakin pati yung lalaking kasama nya. eto siguro si eyon 


"danerie! ang laki mo na, grabe gwapo parin ah" sabi nya at yinakap ako yinakap ko rin naman sya


"salamat po" sagot ko sa kanya


"nasabi na ng mama mong nasabi na nya sayo yung tungkol samin" panimula ni tita Liza oo nga pala alam nga pala nila na nagka amnesia rin ako 

The Glimmer of YouWhere stories live. Discover now