Chapter 1: Meet Freyga

7.9K 117 3
                                    

Anong gagawin mo kung pakiramdam mo, pinagsakluban ka na ng langit at lupa? Bitter di ba? Pero lahat tayo, in one point of our lives, naranasan to. Though pwedeng mas mabigat abg problema mo kaysa katabi mo ngayon.. Pero ano ang gagawin mo? Tatakbo ka na lang ba?magagalit sa mundo?maghahanap ng masisisi? O....
Magpapakatatag at pipilitin ang sariling maniwala that there's always a silver lining in everything.for everything.. I hope this will inspire you to move on with your lives and to not give up..

----

Nagpalakpakan ang marami pagkatapos marinig ang closing speech ng speaker. Maganda naman talaga ang sinabi niya.
Nasa isang moral recovery seminar ako ngayon, kasama ang mga colleagues ko. Yup, one of the many requirements of being a college students especially sa mga may licensure exam ang piniling kurso.

Call me nerd, smarty pants or whatever, pero gusto ko tong buhay na 'to. May plano ang parents ko para sakin: mag aral ng mag aral, dapat maging scholar, i-expose sa mga taong "maipluwensya" so I can use that in the near future, lalo na pagnakagraduate na ako. Hindi ko sila kinakalaban, dahil alam kong mas alam nila ang mabuti sakin. Wala akong dapat gawin kundi sundin lang lahat yun.

Pagkatapos ng binigay na closing speech, inayos ko na agad yung mga gamit ko, kailangan kong pumunta sa Deans office. Kailangan kong malaman kung kasama pa rin ba ko sa mga deans lister (though I doubt it na matanggal ako). Plus, kailangan ko pang paghandaan ang presentation ko sa thesis.

Mahina akong kumatok sa pintuan at pagkatapos aya dahan dahan ko itong binuksan. "Good Morning po Dean"

"Good morning iha, what can I do for you?" mabait ang Dean ng college namin: si Dr. Legaspi, at kaibigan ko din ang kaisa- isa niyang anak na si Chloe kaya komportable akong makipag usap sa kanya.

sinenyasan niya akong umupo sa bakanteng upuan kaharap ng kanyang desk. "itatanong ko lang po sana kung asa deans' list pa rin po ako"

Kinuha nito ang isang folder sa may desk at binasa. "Well iha, alam naman nating hindi madaling matanggal ka sa deans' list, so sa tingin ko ang dapat mong alamin eh kung with honors ka ba o kung anong award ang makukuha mo ngayong darating na graduation" nakangiting paliwanag nito. Halos hindi na ako humihinga habang hinihintay ko ang sagot niya. Hanggang sa..

"Congratulations iha, Magna Cum Laude ka" hindi ko matigilan ngumiti sa narinig ko pero alam kong hindi pa siya tapos magsalita. "pero ilang puntos na lang ang kailangan mo iha para ma evaluate ka for Suma Cum Laude, tingin ko, kaya mo lalo na sa ganda ng thesis at performance mo, isa pa, you still have the finals para madagdagan pa ang grades mo".

Pagkatapos ko makipagusap ay nagpaalam na ako agad. gusto kong umuwi agad para sabihin agad sa parents ko ang magandang balita. Pagbukas ng pinto ay nakabungad na agad si Chloe at niyakap ako habang tumitili.

"Grabe ka frend! talagang kinarir mo ang pagiging matalino ha?! proud ako sayo" wala akong magawa o masabi kundi ang ngumiti. "O, dapat magpa party ka niyan"

"Siguro pag nakuha ko na yung title na Summa CumLaude" sumimangot agad si Chloe sa narinig pero alam ko namang naiiintindihan niya ako.


Married to Mr. BADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon