Chapter 9: Villagracia

4.8K 234 30
                                    

Niks' POV

Nakaharap ako sa laptop ko habang pumapapak ng cerelac. Yeah, one of my deepest darkest secrets ay ang pagkain ng cerelac. Actually, hindi lang cerelac, mostly mga pambatang snacks. Masasarap kasi.

I'm editing the pictures we took yesterday for our group project. Nagsasawa na nga ako sa mukha ni Jelo at Patrick. Halos mukha kasi nila yung nandito.

Dahil 10 minutes na akong gumagawa, papahinga muna ako ng 1 hour.

I opened my social media accounts. Nothing's new, mga notifications lang at messages galing sa kung sinu-sino. Sa GC namin wala namang chismis kaya 'di na ako nag-abalang magbasa.

Bigla ko namang naisip na hanapin sa social media si Soul. Now that we're friends, 'di naman siguro masama kung mag send na rin ako ng friend request sa kanya sa facebook. Actually, hinanap ko na s'ya dati sa socmed no'ng time na 'di s'ya nagparamdam kaso wala akong nakita.

I tried searching her full name, Maria Soulistine Cuesta, pero wala. Soulistine Cuesta, wala parin. Maria Cuesta, Soul Cuesta, wala talaga. Kahit MariSoul Cuesta sinubukan ko pa pero wala rin talaga.

Very private person naman pala siya. Nag-scroll lang muna ako sa mga video sa facebook hanggang sa may isang message ang pumasok na nakakuha ng interes ko.

Sivanna Yesel Villagracia:

Dad wants to talk to you.

Bakit kaya? Yung allowance ko sinisend nalang sa bank account ko e, dahil ayaw na rin ako papuntahin sa mansion nila.

Zyra Nixen Galvez:

Bakit daw?

Naghintay ako ng ilang sandali bago matanggap ang sagot n'ya.

Sivanna Yesel Villagracia:

He didn't tell why.

Ano 'yon, trip trip niya lang ako kausapin? Ah, alam ko na. He probably saw the video at the bar, me, being the auction piece. Hindi ko rin alam kung bakit halos lahat ng ginagawa ko sa buhay ay nalalaman n'ya. Palibhasa pakalat-kalat mga aso niya.

Zyra Nixen Galvez:

I can't right now. Busy with school.

I immediately logged out after sending my reply to my half sister. Sivanna Yesel is the eldest, tatlo silang anak ni Governor. Lahat sila ay mas matanda sa'kin. Naging kabit lang kasi ang nanay ko, unfortunately nagkaroon ng bunga ang kasalanan nila, and that's me.

Parang gago kasi, kung ganito lang din pala akong ituturing ng mga magulang ko, edi sana pinalaglag nalang ako. And the people will come at me, that I should be thankful that I'm able to experience life. As if hiningi kong mabuhay?

Nawalan na 'ko ng gana ituloy ang group project na ginagawa ko. Tanghaling tapat pero gusto kong lumabas ng condo kaya nagsuot lang ako ng jacket at cap.

Pagdating ko sa parking lot ay muntik pa ako mabangga ng isang itim na sasakyan. Sayang.

Hindi ko nalang pinansin, I clicked my car key. I was about to enter my car when someone grabbed my hand.

"Tang-ama." Naibulalas ko nalang ng makita kung sino 'yon. Isa sa mga tauhan ng Gobernador. Ganito uniform nila e, kulay itim, sasakyan nila itim din. Bagay sa kanya, maitim budhi niya e.

𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]Where stories live. Discover now