Well tama nga si Non, huminto sa harapan namin ang dilaw na sasakyan. Bumukas ang pinto at grabe! Sobrang pogi niya po! Luluhudan! Ay! Papakasalan pala!


"Hey, Non and Irin." Ngumiti ito ng bahagya at tuluyan ng lumapit samin.


"Oh andito na si Freen. Hinintay ka lang talaga namin just to make sure na Becky will go home safely. Mauuna na din kami ni Irin." 


"Oh okay okay. Take care you two! Let's have a meal next time."


"Oh sure sure. Take care din. Paki-ingatan ang aming pangit na kaibigan." Walangya talaga tong si Irin.


"Nah, Irin. She's a goddess. Umuwi na nga kayo." Iniwas ko ang tingin ko sa kanila dahil pakiramdam ko ay pulang pula na ang buong mukha ko. Walangya ka talaga Sarocha.


"You're blushing." Nakangiting sabi niya. Agad kong iniwas ang tingin ko. Ayoko ngang makita niya ako na ganito. Masyado akong halata.


"Stop hiding that blush. Let's go. I have a surprise for you later." Ayan na naman po siya sa mga pakulo niya.


"Baka ano na naman yan. Alam mong hindi na ako tatanggap ng kahit ano diba?" Ayoko kasi talagang umasa sa kaniya. Ilang beses ko ng sinasabi to kaya dapat alam niya na. AYoko na din mag-walkout, baka may sumabog na naman.


"Don't worry, it's not what you think. Malalaman mo din naman pag-uwi natin." Ngiti niya lalo. Ang ganda niya talaga, lalo kapag nakangiti. Sa office kasi laging nakasimalmal, akala mo salo niya lahat ng problema sa mundo. Kaya siguro lagi akong tinatanong mga employee niya kung masungit ba sakin si P'Freen. She wants me to call her Freen pero mas prefer ko ang P'Freen, mas matanda pa din naman siya sakin. 


Pumasok na kami ng sasakyan niya, of course siya ang nagbukas ng pintuan. Ganyan naman siya palagi. She's treating me different sa mga kaibigan niya, malapit ko ng isipin na gusto niya din ako. What?! Huh?! Din? Do I like her?


Well yes, halata naman na gusto ko nga siya. 


Sino bang hindi mahuhulog sa kagaya niya? 


"You're spacing out, are you okay, Becbec?" I felt her hand on mine then gently squeeze it. Hindi ko alam pero kabisadong kabisado niya na ako. Gusto kong magtanong sa kaniya kung magkakilala ba kami dati. May mga bagay siyang ginagawa na ako at ang pamilya ko lang ang gumagawa, na kahit sila Irin ay hindi alam.


"Nagkakilala na ba tayo dati?" Hindi ko alam pero kusang lumabas yan sa bibig ko. Minsan talaga hindi ko na napipigilan sarili ko eh, hays.


"H-Huh?" Iniwas niya ang tingin niya sakin at inalis ang kamay niya sa kamay ko. Ayokong mag-isip ng kung ano. Pero lagi siyang ganiyan, pakiramdam ko ang daming bagay niyang itinatago sakin. 


Imposible man ang nasa isip ko pero may posibilidad na nagkakilala kami noon. Hindi coincidence na alam niya ang mga personal na bagay tungkol sakin. 

With You, Again | FreenBecky ( ON-GOING )Where stories live. Discover now