WYA | 2

249 16 5
                                    

I woke up to the sound of my alarm. I checked the time, and it was 6:00 a.m. Nagmamadali akong bumangon dahil anong oras na. Maaga pa naman pero nakagawian ko na din kasing pag-lutuan ng almusal si Freen, palagi ko naman tong ginagawa dahil nga sa dami ng naitulong niya sakin. 

Naligo na ako kaagad para makapag-luto na. Buti na lang pag-baba ko ay wala pa siya dito. Mukhang hindi pa siya gising kaya naghanda na ako ng lulutuin, for sure napuyat din siguro siya dahil anong oras na siya natulog kagabi. Ilang araw na din siyang puyat dahil sobrang dami niyang ginagawa. Kahit nga nandito lang kami sa bahay nitong mga nakakaraang araw. Napansin ko naman na kaunti na lang din ang stocks niya sa ref at sa cabinet, siguro dapat masabi ko sa kaniya na mag-grocery na. 

"Hmm, ang bango ah?" Nagulat naman ako ng may marinig akong boses sa likod ko. Mabuti na lang at mahigpit ang pagkaka-hawak ko sa pan, nilalagyan ko kasi ng fried rice yung plate niya. Kung nagkataon ay mabibitawan ko pa. Mukhang mahal pa naman, huhu.

"I'm sorry, did I scare you?" Umiling naman ako at ngumiti sa kaniya. She smiled a little, buti nga kahit papaano ay ngumingiti na siya. Noong unang araw ko pa naman ay nakakatakot siya. Pero mukha namang mabait siya at malayo sa sinasabi ni Noey.

"Umupo ka na. Para may laman yung tiyan mo mamaya sa trabaho." Ngiti ko sa kaniya. Napapa-isip na tuloy ako, what if she's being nice dahil bago palang naman ako dito. It's my first time cooking for her na papasok siya sa work. Well ngayon lang kasi talaga siya papasok dahil inuwi niya lahat ng gagawin niya. Hindi niya na daw kasi alam ang uunahin. 

"Are you not gonna eat? So titigan mo lang ako dito, Becbec?" Napabaling ang atensyon ko sa kaniya. Bakit ba ako nag-ooverthink? Nandito naman ako para magtrabaho, hindi para alamin kung mabait ba siya or hindi, kahit naman sobrang sungit niya ay pipiliin ko pa din na mag-trabaho sa kaniya. Kailangan ko ng trabaho para makapag-aral ako.

"Ano bang iniisip mo?" Dugtong na tanong niya. Luh? Paano niya naman nalaman na may iniisip ako.

"W-Wala." Tipid kong sagot at nagsimula ng kumain. Mukha namang naniwala siya at tumango na lang sakin bago siya magpatuloy kumain. Lagi na lang talaga akong natutulala kapag natitingin ako sa kaniya. Kainis. Bakit ba kasi sobrang ganda niya?

Natapos kaming kumain at parang sa pag-tingin kay Freen ako nabusog at hindi sa kinain ko. Ako na din ang nag-hugas ng kinainan namin. Pagkatapos namin kumain, sinabi niya nay sasama ako sa kaniya sa opisina niya. Nakaka-amaze pa din talaga na nakakasakay ako sa ganitong kagara na sasakyan. Dati ay nakikita at napapanood ko lang, pero ngayon oh? Magaganda naman ang sasakyan ni Irin at Non pero mas maganda ito, pati yung driver, hehe.

Mabilis lang kaming nakarating sa office dahil mabilis din naman talaga yung sasakyan niya. Pagpasok namin ay agad siyang binati ng mga staffs niya.

"I have something to announce later, be in the Meeting Hall in 15 minutes." Puno ng awtoridad niyang sabi. Iba talaga ang personality niya kapag nasa trabaho o kaya naman ay nandito sa company niya.

Umakyat na muna kami sa office niya. Doon din naman kasi located ang Meeting Room, kaya mauuna na din siguro kami. 

Pagpasok ay pinaupo niya ako at siya naman ay pumirma na naman ng iilang papers. Ang dami talagang ginagawa ng mga mayayaman. Pero masaya dahil marami kang bagay na pwedeng makuha ng hindi ka gaanong nagh-hirap or nagssakripisyo ng mga bagay bagay.

"My office is connected to the Meeting Room, see that little door in there? That's the way, doon na lang tayo dadaan later." Paliwanag niya sakin at tinuro ang isang pintuan na nasa likod pala ng mga libro niya. Maganda ang pagkaka-design ng office niya, I wonder kung sino ang nag-design nito. Feeling ko nga mahal din ang bayad sa nag-design neto. Ngayon ko lang talaga natignan ang bawat detalye ng office niya.

With You, Again | FreenBecky ( ON-GOING )Where stories live. Discover now