Chapter 8: Friends

Start from the beginning
                                    

"Why are you so stupid?!" She shouted that made me shut my mouth. "Are you blind? Or you're just numb? Gosh!" Maarteng anas pa niya. Bigla nalang s'yang tumayo sa silya n'ya.

Kahit naguguluhan ay tumayo ako para sundan s'ya. Pumunta s'ya sa kwarto, diretso sa isang pinto na sa tingin ko ay bathroom. She closed the door. Muntik pang tumama sa mukha ko, buti nalang umatras ako.

Kumatok ako sa pinto, "Soul?" Hindi s'ya sumagot. "Let's talk," mahinahong pakiusap ko. Ako na yung nasabihan ng stupid tapos ako pa itong parang nanunyo. Grabe na 'to.

"Leave." Malamig ang boses na aniya.

"Mag-usap muna tayo," pamimilit ko. Sumandal ako sa gilid ng pinto. Sinandal ko rin ang ulo ko sa pader. Ang ganda pala ng ceiling dito. Ang laki pa ng nirenta niyang kwarto.

"I won't come out until you leave." Mataray ang boses na wika n'ya. Napahinga ako ng malalim.

"Okay, aalis na ako." Sabi ko. Naglakad ako palayo pero huminto rin ako nang nasa gitna na ako ng kwarto. Hinihintay ko ang paglabas n'ya.

"Don't make me a fool. I know you're still there." Rinig kong sabi nito galing sa bathroom na sarado parin.

Hindi ba talaga s'ya lalabas hanggang hindi ako umaalis? She's really unpredictable. Pinapunta pa ako rito kung hindi rin ako kakausapin nang matino.

"Soul, talk to me, yung maayos. Nandito na rin tayo so let's settle this now." Kalmadong pakiusap ko. Bumalik ako malapit sa pinto.

Kumakalam na ang sikmura ko. I pouted while looking at the veranda kung saan nakalagay ang mga pagkain. Mukha pa namang masasarap, sayang naman, tinotopak itong ka-date ko.

"I don't wanna talk to you na. Just leave!" Parang batang maktol n'ya. Kahit hindi ko nakikita ang expression n'ya ngayon, naiimagine kong nakakunot ang noo n'ya odikaya ay nakapout. Ang cute lang.

I stopped when I remember something. This feels like our first time meeting each other. Ganito rin ang senaryo noon, ayaw n'yang lumabas ng cubicle kaya tinakot ko nalang s'ya. Kaso mukhang hindi na 'yon uubra ngayon.

"What should I do?" I asked myself. Tumingin pa ako sa pinto ng bathroom, mukhang wala talaga itong planong lumabas.

Naglakad ako papunta sa veranda. Nakita ko ulit yung contract sa lamesa n'ya. It's really weird, as far as I know hindi naman kailangan ng contract kung pagiging assistant ang magiging trabaho.

Parang nagkaroon ng lightbulb sa tuktok ng ulo ko nang may maisip akong ideya. I hope this works. Naghanap ako ng ballpen and I saw one on the drawer or the bedside table. Pinirmahan ko na agad ang kontrata.

Naglakad ako palapit sa bathroom. In-slide ko yung papel sa maliit na butas sa baba ng pinto. Nakita ko mula sa reflection sa ibaba na kinuha n'ya yung papel.

"Now, will you come out there? Usap na tayo, oh," masuyong wika ko. Wala paring ingay na nangyari sa loob ng bathroom. Hanep. This is stressing me out already.

Pagod ako galing sa paggawa ng group project, dumiretso agad ako dito kahit wala akong kain at ligo tapos gaganituhin lang ako? Nabuhayan ako ng loob nang bumukas ang pinto. Okay lang pala kahit ganituhin ako hehe.

"Is this really your signature?" she asked while holding the paper. Aba, nagduda pa.

Tumango ako, "Yes, pirma ko 'yan," sagot ko saka tipid na ngumiti. I'm waiting for her reaction but her face was just blank.

"Submit a resume on Monday." She just firmly said. Naglakad na ito palayo, dinaanan lang ako. Laglag naman ang panga kong nakatingin sa kanya. Nauna yung kontrata bago yung resume?

𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]Where stories live. Discover now