Gustong gusto kong sabihin kay Faith ang lahat. Simula sa una at huli, pero teka... Pero ito na nga ba ang huli?

Naawa ako kay Faith kasi hindi ko sinasabi sa kaniya at hinahayaan ko siyang masaktan. Pero ayaw ko namang pangunahan si Abraham at baka nagkakamali lang rin naman ako.

"Miriam, manuod tayo ng basketball. " aya sa akin ng isa ding student council gaya ko.

Tumigil ako sa ginagawang pag aayos sa mga table ng mga judges para sa pageant mamaya.

Gusto kong umayaw, kaso naalala ko na hinihingi din pala ng mga pinsan ko ang presensya ko sa laro nila. Kaya wala na akong nagawa at pumayag na lang.

Nilingon ko si Aiza at nginitian. "Sige, mamaya. Tatapusin ko lang muna ito. " tumango siya at umalis na.

Maraming tao sa court kaya nahirapan pa kaming makadaan.

Ngumiwi pa ako ng may nakasiko sa tagiliran ko, ang sakit kaya! Grabe sila kung makasiko ni dipa nga nagsisimula ang laro tapos hindi pa humingi ng tawad. At doon ko lang nalaman kung bakit sila nagsisikuan at nagtitilian dahil naghubad lang naman ng uniform si Leandro kaya nakikita ng lahat ang perpekto niyang katawan. At parang mga nakuryente itong mga babae na sa likod ko dahil sa OA nilang pangingisay. At halos mabingi ako sa lakas ng tilian nila. Maging sina Aiza ay nakisali na din.

"Ang daming pandesal! " halos mahimatay na ang mga kababaihan ng sinundan nina Jarrel iyon na tila nangaasar dahil sa mapaglarong ngisi sa labi. Maging ang mga bakla rin yata ay nakisali na.

Nagsout sila ng itim na tshirt bilang panloob sa jersey nilang kulay pula na may pagkaitim na may logo na cobra at sa likod ng jersey nilang lima ay may dalawang apelyido na Bilarmino na nakalagay at ang nagmamay ari ng mga iyon ay sina Leandro at Cedrix, habang ang tatlo naman ay ang apelyido ng mga tatay nila ang nakalagay. Kay Jarrel ay Acosta, si Danillo naman ay Serra habang si Rainillo naman ay Saler. At hindi ko na kilala pa ang iba pa nilang kasama, pero sa tingin ko ay mga kaibigan nila iyon. Dahil lagi kong nakikita na kasama nila ang mga iyon tuwing break time at uwian. Ni hindi man lang nila naisipang mag bihis sa cr, halatang mga nag papapansin.

Wala sa sarili akong napalingon sa grupo nina Adonis. Napalunok ako ng makasalubong ko ang seryoso nitong mga mata na nakatutok din sa akin. At isa pa, ito din ang dahilan at ayaw kong manuod dito.

At hindi ko na napansin na tumatagal na din pala ang titig ko sa kaniya.

Ang tapang mo naman, Miriam! Sigaw ng puso ko.

Nag iwas siya ng tingin. Kaya malaya kong pinasadahan ng tingin ang kabouhan niya.

Nakasout siya ng kulay dilaw na jersey na may logo na lion at nakapanloob na puting tshirt. Number 31 siya habang may Santiago namang nakalagay sa likod niya. Gusto kong mag iwas ng tingin ng mapansin ko ang titig sa akin ni Lily.

Pero hindi ko na pala kailangan iyon dahil nag simula na ang laro.

Pumwesto na sila sa gitna at ang magkaharap na ngayon ay sina Leandro at Dante, seryoso si Dante habang si Leandro ay tumatawa tawa pa na parang madali lang sa kaniya ang gagawin.

Napataas ang kilay ko ng sa pagpito nung referee ay naagaw ni Leandro ng walang kahirap hirap ang bola sa ere at pinasa sa kasamahan at doon na nag simula ang laban nila na puno ng tensyon at tilian sa tuwing nakakashoot ang dalawang grupo. Pero walang makakatalo sa tilian ng mga babae para sa grupo nina Leandro.

Magkasing tangkad lang naman sina Leandro at Dante. Sadyang mabilis lang talagang kumilos si Leandro kaya't naagaw niya ang bola.

Lahat sila ay nababalutan ng seryosong aura habang si Leandro ay pacool cool lang.

Napailing ako dahil sa kayabangan ng pinsan ko. May patili tili pa ang mga fans niya kaya lalo siyang nagiging mayabang at sa tuwing nakakashoot ay itinataas pa ang likod ng jersey niya na may apelyido ng tatay niya. At nagsisitilian naman ang mga pangit niyang fans na walang kataste taste. Gwapo nga si Leandro pero masama naman ang ugali at walang pakealam sa nararamdaman ng isang babae, kaya huwag na kayong umasa! Binalaan ko na kayo!

"Ang yabang talaga ng isang iyan. " naiiritang sabi nung kung sino sa gilid ko.

Nilingon ko ito at nakasalubong ko pa ang nakasimangot nitong magandang mukha at nahuli ko pang inirapan niya si Leandro ng kindatan siya nito. Nagsitilian naman ang mga mahadera at asumerang fans ni Leandro sa likod nung babae na ngayon ay masungit pa din ang mukha at mas lalong nairita kay Leandro dahil sa pagtulak sa kaniya ng fans nito dahil sa kilig.

Napangiti ako at nagkibit balikat at ibinalik ang atensiyon sa laro. Pakiramdam ko ay may kahibangan na naman ang loko kong pinsan, at sana ay hindi masaktan si girl. Imbis na ang laro ang maabutan ko ay ang bola ang sumalubong sa akin.

Namutla ako at hindi kaagad naka gawa ng kilos. Dapat aalis ako eh. Pero parang naging ugat ang mga paa ko sa sahig dahil hindi ko man lang magalaw galaw ang mga paa ko.

Napansin ko na lang ang isang katawan na humarang sa akin para hindi ako matamaan ng bola at ang bisig nitong pumulupot sa akin.

Natigilan ako at parang nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa napagtanto. At kong hindi ako nagkakamali ay si Adonis ito, nararamdaman ko pa ang init ng katawan niya at ang napakahigpit ng yakap niya sa akin.

At sa pagkakataong iyon ay parang wala akong ibang marinig kundi ang tibok ng puso ko. At wala akong ibang masabi kundi ang salitang bakit. Parang gusto kong lumayo ng kaonti kay Adonis, dahil natatakot ako na maramdaman niya ang malakas na kabog ng dibdib ko.

Bakit ako nagkakaganito? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakapaligid sa akin si Adonis? At bakit parang nanghihina ako sa tuwing nagdidikit ang balat namin ni Adonis? Gaya na lamang ngayon. Ang weird naman ng nararamdaman ko ngayon.

Natigilan ako ng may mapagtantong muli.

Do I'm in love? Is that so? Ganun ba ang inlove? Natatameme sa tuwing nakapaligid sa kaniya ang taong napupusuan niya? Gusto kong matawa, dahil bakit naman ako mahuhulog sa taong kinagagalitan ko lang nitong nakaraang araw? Pero sapat nabang rason iyon na dapat kong paniwalaan?

Pero iba ang sinasambit ng taksil kong puso.

Ang weird ng nararamdaman ko ngayon, maging ang puso ko. Napaka wierd....

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon