"Pag pasensiyahan mo na ang bahay namin, Senyorita. Maliit lamang ito at sakto lamang sa aming pamilya."

Tumango lang ako at hindi pa rin nagsalita, nangingilabot kasi ako sa tuwing tinatawag ako ni Adonis ng senyorita. Malalim ang boses niya na kada salita niya ay maiinlove ka talaga.

At hindi naman mahalaga sa akin kung maliit ang bahay nila. Mas gusto ko nga iyon kaysa sa malaki.

Napatitig ako sa isang kawayang may apat na matabang bamboo tree na siyang sumusuporta kung bakit nakatayo pa rin ito, at sa ilalim naman ng kawayang sahig na ito ay may isang lalaki na nagpapakain ng mga manok at ng mamukhaan ko ito ay doon ko napagtanto na ang ama pala ito ni Adonis, na si Tito Andres.

Naririnig ko lang sa mga pinsan ko na tinatawag nilang Tito ang Papa ni Adonis. Wala namang masama kong makitawag din ako ng Tito, diba?

At sa baba naman ng kahoy nilang hagdanan ay ang ina ni Adonis na nag aalis ng dumi sa bigas na nasa bilao, na siyang unang nakapansin sa amin.

Nanlaki pa ang mga mata nito ng makita ako kaya nakaramdam ako ng hiya. Sino ba naman kasi ang hindi makakaramdam ng hiya kung kasama ko ang anak nila? Na hindi ko naman close at hindi nila nakita na nag uusap kami.

Namulsa si Adonis at nagpauna sa paglalakad kaya sumunod ako sa kaniya.

Nagmano siya sa kanyang ina at gano'n din ang ginawa ko.

Napakagalang niya.

Hindi ko maiwasang hindi matitigan si Adonis. Halatang mahal na mahal niya ang kaniyang magulang. Lalo na ang kaniyang ina, dahil hinalikan pa niya ito sa noo.

Hindi makapaniwala ang ginang na narito ako dahil sa klase ng titig nito sa akin. Pilit ko lamang iyong nginitian dahil sa hiya at pagkailang.

"Kaawaan kayo ng diyos..." Sabi pa nito at nginitian ako ng mahimasmasan.

"Tay!" Pag tawag naman ni Adonis sa ama.


Itinigil ng ama ni Adonis ang pagpapakain sa mga manok at nilingon ang anak at ginawaran ito ng isang matamis na ngiti.

Nagmano si Adonis sa ama at nilingon ako kaya napatingin sa akin ang kaniyang ama sanhi nang pagkawala ng matamis nitong ngiti sa labi.

Nakaramdam ako ng kaonting tensiyon ngunit ngumiti ako at ginaya din ang ginawa ni Adonis.

"Kaawaan ka ng diyos, hija..."

Matapos sabihin iyon ni Tito Andres ay bigla nalang kami nabalutan ng katahimikan, kaya nakaramdam ako lalo ng pagkailang.

"Naku, basang-basa ka, hija. Halika, umakyat na muna tayo para makapagpalit kana. Baka magkasakit kapa." Biglang pag singit ng ina ni Adonis.

Hindi ko alam kung bakit pero napatingin ako kay Adonis na nakatingin din pala sa akin. Tumango ito at maliit akong nginitian, sumikdo naman ang puso ko dahil sa pag ngiti nito kahit pa maliit lang. And the smile he made make my heart melts.

Nagparaya ako sa ginang at sumunod.

Madaldal siyang tao at mahilig magbiro habang naglalakad kami paakyat sa bahay nila. Hindi naman siya feeling close, parang pinaparamdam niya lang sa akin na welcome ako sa bahay nila at anytime ay puwede akong pumunta. Naramdaman din niya yata ang pagkailang ko kanina kaya pilit niyang pinapagaan ang loob ko na effective naman.

Napansin ko pa ang kaayusan at kalinisan sa loob ng munti nilang bahay, at tama nga si Adonis. Sakto lamang para sa kanilang pamilya ang lawak ng bahay na ito. Kompleto din sila sa gamit, maliban sa tv o mamahaling gamit. Dahil naka radio lamang sila, narinig ko lang dahil may nagpapatugtog. Isang malamyos na tugtug na pinapakinggan ng isang dalagita na malapit sa bintana habang nakatingin sa kawalan ngunit may matamis na ngiting nakaukit sa mapupula nitong mga labi.

Nakaharap ang bintana sa gilid ng bahay nina Adonis. Kaya nakikita ko ang mga bundok at ang lupain namin sa di kalayuan. Kahit pa man ay wala pa ako sa bintana.

Natigilan ako ng bahagya habang nakatingin sa babae, maganda siya. Mestiza matangos ang ilong at maalon ang pilik mata nito at ang pula ng labi nito. Maamo ang mukha niya, na tila isang inosenteng taong naninirahan sa mundong ito. At parang nakakatakot siyang hawakan, na tila isa siyang babasaging pinggan. Dahil sa ganda nito, at sa sobrang ganda nito ay parang mahihiya pang magpakain sa kaniya ang isang tuyo.

Siya iyong babaeng hawak hawak ni Abraham sa kamay no'ng nakaraang linggo na tila inaalalayan.

Bakit nandito siya? I mean wala naman akong sinabi na hindi siya welcome dito. Pero bakit nandito siya? Anong ginagawa niya dito? At bakit wala si Abraham para may kausap naman ang girlfriend niya?

At ang isa ko pang katanungan ay hindi ba niya ako nakikita? I mean, nakikita ang isang tao sa gilid ng mata. Pero bakit siya parang hindi?

Tumikhim ang ginang na nasa tabi ko kaya nilingon ko ito. Maliit ako nitong nginitian ngunit makikita sa kaniyang mga mata ang kalungkutan.

"Hindi na nakakakita ang aming anak. hija..."

Natigilan ako at bahagyang nanlaki ang mata. Hindi girlfriend ni Abraham ito?! Kundi kapatid niya!

Napapikit ako ng mariin at nakaramdam ng katangahan. Tanga ka talaga! As in!

Pero mas nangibabaw sa akin ang awa para sa babae.

Tapos nilait ko pa no'ng una, kahit pa man nakikita ko na kung gaano kaganda itong babae.

Mukha siyang anghel.

"Ano po ang pangalan niya?" Tanong ko sa ginang habang hindi inaalis ang tingin sa mukha ng dalagita.

Ngumiti ang ginang at kumislap ang mga mata."Siya si Michelle Rina, tinatawag lang namin siyang Maria kasi mukha siyang si birheng maria sa sobrang amo ng mukha."

"Mabait siyang bata at pumapangalawa sa magkakapatid. Maalalahanin ang aking anak, ngunit nagbago ang lahat simula ng may kasakdal-sakdal na nangyari sa kaniya, na nagpabago sa lahat, " at nabahiran ng kalungkutan ang boses ng ginang. Ngunit nangibabaw ang poot.

"Naaawa kami ni Andres kasi wala man lang kaming nagawa sa kaniya bilang isang magulang, dahil mahirap lang kami. At hindi namin maipaglaban ang hustisya para sa aming anak na ngayon ay nasa kadiliman padin," may paghihinagpis sa boses ng ginang.

Napaiwas ako ng tingin at hindi ka agad nakapagsalita.

"Sana balang araw makamit namin ang hustisya na nararapat para sa amin. At para kay Maria..." Umaasa ang tinig ng ginang at tinignan ang anak.

Napatingin din ako kay Maria at nakaramdam lalo ng awa.

Siguro kagaya ko ay may pangarap din si Maria, ngunit naglaho iyon dahil sa nangyari sa kaniya. Ngunit magkaiba kami, magkaibang magkaiba...




Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Where stories live. Discover now