"Nakaka-intindi ka ng Filipino?" Takang tanong ko, seryoso itong nakatingin sakin at tumango.

"Taga saang bansa kaba?" Curious lang para magpaturo rin ako ng language nila.

"Sweden." Maikling sagot nito, tumango nalang ako dahil halatang ayaw nitong makipag-usap. Abnormal kanina lang ngingiti-ngiti ngayon naman seryoso ng mukha, di nalang ako gayahin normal na tao tapos maganda pa.

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Naiilang ako sa paraan ng pagtingin niya, para kasing tinitingnan niya yung buong kaluluwa ko at iniisip kung mabait ba ako o masama.

After 15 minutes ay bumalik na sila mommy at sinabing nagpadeliver na sila ng pang-dinner namin. Sana Jollibee, paborito ko pa naman yun lalo na yung burger steak tapos yung spicy chicken joy nila kasi mas masarap ang red flag este kapag may red flag.

Mga 7:25 pm nang pumasok ang magaling kong kapatid, halatang kakatapos lang ng klase dahil pagod na pagod ang mukhang nilapag ang dinner namin at tumango sa kanyang kwarto.

She's Xīn yí Harmonia Tan, nakakabatang kapatid ko, 4 years ang tanda ko sa kaniya. She's 18 years old, a grade 12 student and born on November 27. Feel ko talaga nagawa siya nung Valentine's eh. Kasi naalala ko na kukunin ko sana laruan ko sa kwarto nila mommy nang bigla akong makarinig ng ano...basta yun na.

She's a proud pansexual, and I couldn't be more proud of her getting out of the closet and telling our parents about her sexuality. My parents was kind of disappointed of her but in the end they accepted her and supported her. She also have a girlfriend whom she met through online, and no they're not in a long-distance relationship because they both go to the same school.

Anyways balik tayo sa pagkain namin, nasa harapan ko na ang paborito kong burger steak kaya lumamon nako, syempre hindi ko nakalimutan magpray.

Napansin kong tinitingnan lang niya yung pagkain na nasa harapan niya, naramdaman siguro ang titig ko kaya nagtatakang tumingin siya sa mata ko.

Lumapit sa kaniya yung kasama niya at may binulong, tumango tango siya at maya-maya ay ngumiti. Tumingin ulit siya sa mata ko at mas lumaki ang ngiti at, sinimulang kumain.

"Weirdo" napailing nalang ako sa naisip at nagpatuloy sa pagkain.

Bumaba na ang kapatid ko galing sa kwarto niya. Napatingin sa kaniya si Jheorgy sa kaniya at napangiti, ngumiti naman pabalik ang kapatid ko at umupo sa tabi ko. Parang ang sarap sipain ang upuan ng kapatid ko ngayong gabi.

"Xīn yí" tawag ni daddy. Nagtatakang tumingin sa kaniya ang kapatid ko. Tumikhim si daddy at nagpatuloy.

"May gagawin ka pa ba? Pwede mo bang ipasyal etong si Jheorgy?" Luh bakit siya? Wag nayan may girlfriend na yan ako nalang, dad nandito pa naman ako. Tumango ang kapatid ko at ngumiti kay Jheorgy, the latter smiled back. Dahil ang pangit nila sa mata ay sumabat nako sa usapan nila.

"Actually dad, I can tour her around. Naipagpaalam mo naman nako kay Amethyst right? So pwede na akong magtour sa kaniya" nakangiting sabi ko.

"Baby, hindi pa magaling ang paa mo. Baka lumala pa kapag naglakad lakad ka" nag-aalalang sabi ni mommy. Ngumisi naman si Xīn yí sa akin, kaya pinadalhan ko siya ng matalim na ng tingin. Sira-ulong 'to masyadong mapang asar.

"Dad ako nalang, wala naman ako masyadong ginagawa at saka hindi naman selosa si Aurora maiintindihan niya yun. Besides sabi niyo nga po may pilay pa ang paa ni ate," kinakausap niya si dad pero sakin nakatingin, halatang nang-aasar.

Naaasar na nga ako kaya sinipa ko yung paa niya sa ilalim ng mesa at sinamaan ng tingin. Napahalakhak nalang ang katabi kaya tiningnan siya nila daddy na para siyang isang takas mental.

Actually ampon lang yan, nanay niyan ay isang baliw sa mental. See tinakas siya sa mental. Inirapan ko nalang siya at humarap kila daddy ng nakangiti.

"Daddy, ako pakinggan mo ako panganay diba? Besides I can handle my self. Magwhe-wheel chair ako para hindi mamaga ang paa ko" nakangiting sabi ko. Tahimik namang napatingin si mommy, Xīn yí at yung cute na kasama ng bisita nila, si Jheorgy naman ayun panay lamon na akala mo ginutom ng ilang araw.

Wala nang nagawa si daddy kundi ang pumayag. Hindi ko alam kung saan siya pumayag, kung sa paggamit ko ng wheel chair o yung pag-tour guide ko. Bahala na Ang mahalaga ay pumayag si daddy at ako ang kasama niya kaysa sa pangit kong kapatid. Palihim akong nagbunyi at wala sa sariling napatingin kay Jheorgy na kanina pa pala nakatitig sakin nang nakangiti.

Bumaba nalang ako ng tingin dahil nararamdaman ko ang pisngi kong namumula na.

-----

Xīn Harmonia Tan
(Shin-yi Har-mon-ya Tan)
ig: @yegi_s2

Xīn yí Harmonia Tan(Shin-yi Har-mon-ya Tan)ig: @yegi_s2

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

L I B E R E V I E T Y

Princess' Obsession (GL)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang