Chapter 33 (5/19/15)

Magsimula sa umpisa
                                    

            Napapikit na lang ako at umalis na sa bahay ni Ricardo.

            Napa-buntong hininga ako.

            Mali ito. Kailangan ko ng tulong niya. Kailangan ko mahanap ang bagay na yun bago mahuli ang lahat para kay Jillian.

            Pero paano ko gagawin iyon kung galit na galit siya sa amin?

            Napapikit ako.

            Hindi ko na alam kung hanggang saan pa aabot ang pasensya ko.

 

~*~

 

[Jillian's POV]

 

Tinignan ko ang itsura ko sa salamin ng bathroom ko.

            Namumugtong mga mata. Haggard na itsura. Mukhang parang pinagsakluban ng langit at lupa.

            Wasted na wasted ang itsura ko na kahit make-up eh hindi maitago ang nararamdaman ko.

            Ilang araw akong walang tigil sa pag iyak. Halos hindi ako makakain. Halos hindi ako lumalabas sa kwarto ko. Tatlong beses akong pinuntahan ni Cupid para i-check kung buhay pa ako. Nakita ko namang masaya siya na makita akong hindi pa naglalaslas o nag bibigti. Binilhan pa niya ako ng siopao.

            Pero gusto ko siyang sapakin.

            Hindi niya alam ang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko nang mamatay dahil sa sakit.

            Napapikit ako habang nararamdaman ko ang pangingilid ng luha sa mata ko. Naalala ko na naman kasi ang itsura ni West matapos kong sabihin sa kanya ang lahat ng mga bagay na 'yun eh.

            Kung pwede ko nga lang sanang bawiin yun. Pero mabuti na yung galit siya sa akin para makapag move on agad siya. Mabuti na yun para mailabas niya ang sakit na nararamdaman niya sa pamamagitan ng pagkagalit sa akin.

            Mabuti nang mas masaktan ako kesa siya.

            Huminga ako ng malalim. Hindi na ako pwedeng umiyak. Dalawang araw na akong absent sa trabaho at hindi ko na kayang umabsent pa ulit. Ang laki ng kaltas nun sa sweldo ko. Paano na lang ako magbabayad ng kuryente at tubig?

            Buti sana kung may paki sa akin ang tatay kong politician na mayaman eh. Kaso wala. Ni hindi niya ata naalala na may anak pa siyang Jillian ang pangalan.

            Kinuha ko ang bag ko at isinukbit ko sa balikat ko.

            Bahala na kung mukha akong wasted. Deserved ko naman magmukhang wasted eh.

            Five minutes before 10am, nakarating na ako sa opisina. At dahil medyo late na rin akong nakapasok, marami nang tao sa opisina ngayon. Lahat pinansin ang mugto kong mata at wasted kong itsura.

            "Wohohooo! Ba't ganyan itsura mo Jillian? Sinong lalake ang nambasted sa'yo?" tanong ni Edgar habang nakangisi pa ng mapang-asar.

            Hindi ko na lang siya pinansin at tuloy-tuloy ako sa upuan ko. Mamaya masipa ko pa siya sa itlog eh.

            "Aba suplada siya!" dagdag ni Edgar at sinundan pa ako sa desk ko. "Anyare? Anong problema?"

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon