Nang ilahad nito ang dalawang kamay ay nag-alangan akong gumalaw pero bahagya akong itinulak ni Trojan kaya naglakas loob na akong tanggapin ang yakap nito.

Naramdaman kong umuga ang balikat ni Mr. Clein at dahil don nayakap ko siya ng mahigpit.

"I will miss my son.." mahina nitong sambit.

Naramdaman ko naman ang pagyakap ni Trojan mula sa likod ko. Ilang saglit kaming nanatili sa pwestong yon hanggang sa kumalma na ang paghinga ni Mr. Clein.

     "BAKIT ba kasi kailangang nakapiring pa ako?" tanong ni Prim habang dahan-dahan siyang lumalakad papasok ng Cafe.

Pagkakaba niya ng sasakyan ay tinakpan ni Trojan ang mata niya.

"Wag ka na kasing magtanong, kumapit ka na lang ng mahigpit sakin."

"Saglit palang nawawala si Gunther, kaya kung party to, sorry pero di ko maienjoy!" protesta niya.

"Sino bang may sabi na party 'to?" balik nito, "Di pa nakakarecover ang butlers sa event kaya pahinga muna sila sa parties."

"Eh, para san pa ang piring ko?"

"Basta ang kulit mo naman eh.."

Ngumuso nalang siya at nagpatianod. Hanggang sa huminto na sila bitawan siya ng binata.

"T-teka Trojan!" tawag niya, "Okay na ba? Pwede ko na bang alisin toh?" hingi niya ng permission.

Nang walang sumagot ay kusa na niyang inalis ang panyo.

"WELCOME BACK LADY PRIM!"

Sabay-sabay na yuko ng butlers at lahat ng tauhan na naroon.

"A-anong ibig sabihin nito?" taka niya ng makita ang fascia board, "Prim's Cafe?"

Lumapit sakin si Empire bitbit ang isang magandang box.

"Lady Prim, oras na para tanggapin mo ang ownership plaque."

"Ownership?" maang ko.

Humawak sa balikat ko si Trojan, "Sa lahat ng gamit ni Gunther, ang susi lang nito ang hindi namin mahanap." sabi niya, " At naalala ni Empire na nabanggit ni Gunther ang tungkol sa necklace na ibinigay niya sayo kaya.." tiningnan niya isa-isa ang butlers bago muling tumitig sakanya, "Naisip namin na, na sa'yo na ang susi.."

Napatungo siya upang ilabas ang pendant ng necklace na suot niya. At hindi na sila nagulat nang makita ang susi mismo ng box.

"We guessed it right," ngiti ni Empire.

Awtomatiko niyang inalis ang necklace para buksan ang box na inabot nito. Inalalayan naman siya ni Trojan.

Namuo ang luha sa mata niya, "P-pati ang Cafe?" mangha niyang tanong, "Pero bakit?" taka niya.

Hinarap siya ni Trojan at hinawakan sa mukha, "Mas matutuwa ang kapatid ko kung tatanggapin mo ang lahat ng yan ng walang tanong."

"Kasi naman," kagat labi niya, "Pinapalitan nyo agad yong pangalan, pano kung ordinaryong necklace lang pala ang binigay niya? At namisplace lang yong susi?"

Natawa si Empire, "Prim, hindi si Gunther ang tipo na makakapagmisplace ng mga bagay lalu na at importante and even we were guessing, matapos naming malaman ang nilalaman ng covenant, sigurado na kami na pati ang Cafe ay ibibigay niya sayo." paliwanag nito, "And kung nagkamali man kami, sa'kin babalik ang ownership dahil sakin naman talaga ang Cafe na ito but judging all the circumstances I am willing to give it to you aswell."

Napahikbi ako at nakangiting nilingon sila isa-isa, "H-hindi ko na alam kung anong dapat kong sabihin. Naooverwhelmed kasi ako, parang panaginip lang ang lahat. Pakiramdam ko-

Vampire's Menu [ Unedited ]Where stories live. Discover now