Chapter 21 - Selfie

Start from the beginning
                                    

Hindi ako nakinig. Ginawa ko pa rin ang gusto ko bago ako naglakad palapit sa kanya nang nakangisi.

"You finally done?"

"Malamang. Gusto mo pa bang pati bleachers linisin ko? Grabe ka. Ilang oras na akong naglilinis, daig ko pa mga athlete sa dami ng mga pinagagawa mo." I pouted and he sighed.

"Your fault," He whispered. Kumunot pa ang noo niya na para bang kasalanan ko talagang pinahirapan niya ako.

"Wala naman akong ginagawang masama para parusahan mo ako ah! Tss." I sat beside him and took a deep breath. Grabe pagod na pagod ako! Feeling ko mamamaga muscles ko nito!


"You okay?"

"Wow! Nagtanong ka pa! Tingnan mo nga kung gaano kalaki itong court na ito! Pati 'yung mga gamit doon sa equipment room, lahat 'yon nilinisan ko rin. Hindi na yata assistant at asawa role ko sa buhay mo kundi janitress."


Akala ko tatawa siya pero tinitigan niya lang ako. Ngumuso na lang ako at sinulyapan ang notebook na hawak niya. "How's it going?"

"Almost done," simpleng sambit niya bago bumaba ang tingin sa basang basa na damit ko. Sa sobrang pagkawis ay iisipin mong parang naligo ako. "Take some rest before you shower."

"Baka dumiretso na ako sa dorm ko. Wala akong dalang pamalit."

"You have your own locker here. Dapat palagi kang may extra doon."

"E hindi naman ako nagsu-swimming or nagba-basketball. Malay ko bang kakailanganin ko." Pinanliitan ko siya ng mata. Pinapahiwatig niya bang magpapatuloy ang mga parusa niya? Shet.

"Baka matuyuan ka ng pawis kapag lumabas ka kaagad. Malamig pa naman ang panahon ngayon."

"Yiee. Concerned ka hubby?"

"Psh." Tumayo na siya ngunit bago naglakad papunta sa office ay nilingon niya ako. He looked bothered and regretful. "I'm sorry, Sab. That was too much."


Hinayaan ko na siyang umalis dahil wala na akong lakas upang habulin pa siya at kulitin. I yawned and stretched my arms.

Ayos na 'ko basta humingi siya ng tawad. Atleast alam niyang may mali siya. I wonder what's wrong. Why was he so grumpy earlier? Mukhang kumalma naman na siya ngayon...


Russell's POV


I felt so guilty watching her sweat like that. Halatang napagod ng husto.

That was such a jerk move, Russ.


Groaning, I grabbed my varsity jacket from my locker. Mas okay na gamitin niya ito para hindi mahanginan ang likod niya paglabas ng gym.

I walked back to the bleacher but stopped when I saw Sab lying there. Nakahiga siya at nakapikit. At first, I thought she was just taking some rest but then I realized, she fell asleep.

Sh*t. Ano ba kasing katarantaduhan ang pumasok sa isipan ko at kinawawa ko siya?


Sasakit ang katawan niya kapag dito siya natulog. Matigas ang bleachers at baka mag-roll pa siya pababa, magkagalos pa.

Lumapit ako at inilagay sa balikat ko ang jacket pagkatapos ay dahan-dahan ko siyang binuhat. Kumapit siya sa leeg ko na parang bata. She still has her eyes closed.

Love Me in BrooklynWhere stories live. Discover now