Chapter 3 - Journey

4.7K 199 82
                                    

CHAPTER 3

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 3

JOURNEY


Sab's POV


"Where exactly in New York?" tanong ni Kuya Milo. "At bakit doon pa? You can find hundreds of guys here in the Philippines, if that's what you need." Ang epal talaga nito.


"As if naman may papatol kay Sab dito," tatawa-tawang asar ni Marina. Inirapan ko nga.

You were supposed to be on my side!


Kita ko sa mukha ng tatay ko na nakukumbinsi siya nitong mga kuto kong pinsan kaya naman agad akong nagsalita. "Papa, I'll be safe there. I promise."

"Safe? E dito pa nga lang ilang beses ka nang nasusugatan at muntik-muntikan nang maoperahan dahil sa pagiging clumsy mo. Doon pa kaya?" pangri-realtalk ng tatay ko.


"Besides, New York is too far from here. Kapag kinailangan mo kami, hindi ka namin agad mapupuntahan doon," dagdag pa ni Tita Myra. "It will take us hours to get there. Mahirap 'yung wala kayong pamilyang kasama."

"Totoo Ma. Tito, wag mong payagan 'yang dalawang 'yan. Kung ano-ano na naman naiisipan," Kuya Milo added, laughing loudly at my annoyed face.

Shet, pinagkakaisahan na nila ako!


I glanced at Marina for help but she just looked at her nails. Aba'y nako talaga 'tong babaeng 'to! Palagi na lang akong iniiwan sa ere!


Tinitigan ako ni Papa kaya kinabahan ako. I could see on his face that he wouldn't agree with my plan.

Paano ko mahahanap si RJ kung hindi ko man lang malalaman ang buong pangalan niya? Napakaraming RJ sa buong mundo! Sobrang common ng name niya!


"Lahat po ng type kong lalake, nandoon kaya---"

"You're not going anywhere. Tigilan mo na, Sab." I bit my lower lip as Kuya Milo teased me again. Paulit ulit siyang nagsasabing walang magandang maidudulot ang pagpunta ko sa ibang bansa. I knew there's nothing more than I can do but be honest to them.


"I want to see mom," diretsang pagamin ko na. Everyone paused to stared at me as if I just dropped a bomb. Sobrang tahimik at walang gumagalaw ni isa sa kanila.

Ayoko sanang sabihin ang totoo pero wala na akong choice. This is my only hope.


"I miss her," I admitted. "Lumaki akong kasama siya kaya kahit na iniwan niya ako no'ng bata pa ako ay gusto ko pa rin makita siyang muli. Please Dad. Payagan mo na po ako."


Bigla siyang tumayo at umakyat sa taas. Tita Myra exhaled and stood up too.

"Why would you want to see that woman, huh? Hindi mo alam kung ano ang nangyari, Savannah. Baka kamuhian mo siya kapag nalaman mo!"

Love Me in BrooklynWhere stories live. Discover now