Chapter 24: Time to let go

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ako wala!" Sigaw naman ni Jojo na abala sa panghuhuli at pagpatay ng mga lamok kaya napangiwi na lamang si Dustin at lumingon kay Archie.

"Pre, alam mo ano tawag dito sa gagawin ko?" Tanong ni Dustin sabay turo ng hawak na kawa.

"Ha? Ano?" Tanong na lamang ng naguguluhang si Archie.

"Boiled egg." Tumawa si Dustin, "Tangina, habang buhay ng mag-iiba ang paningin ko sa boiled eggs." Napatingin siya kay Archie na para bang hinihintay itong tumawa pero sa halip na tumawa ay napangiwi lamang ito sa kanya.

"Demonyo ka nga talaga." Mahinang sambit ni Archie na mistulang kinikilabutan kaya agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Dustin.

"Nag-joke na nga ako, demonyo parin. Benta yun, tangina." Mahinang sambit ni Dustin at ibinaling na lamang ulit ang atensyon kay Rodney at sa hawak nitong kawa.

Akmang ibubuhos na sana ni Dustin ang kumukulong tubig sa ari ni Rodney nang bigla na lamang may humigit sa braso niya.

"Tama na, masyado ng maraming dugo ang nawala sa kanya baka ikamatay niya 'to, wala na tong patutunguhan." Walang emosyong sambit ni Ponzi at inagaw ang hawak ni Dustin na kawa at ipinatong ito sa mesa.

"Walang patutunguhan?!" Gulat man, bakas ang labis na dismaya at galit sa pagmumukha ni Dustin nang sundan niya ng tingin si Ponzi na ngayo'y nakatalikod na mula sa kanila, "Ponzi naririnig mo ba ang sarili mo?!" Sa unang pagkakataon sa araw na ito ay nawala ang kalmadong pananalita ni Dustin.

Muling humarap si Ponzi kay Dustin, "Dustin ikaw ang dapat kong sabihan niyan! Tanggapin na natin, hindi siya aamin! Mamamatay lang siya kung ipagpapatuloy natin 'to!" Matigas nitong giit.

"At ano Ponzi? Tanggapin nalang nating hindi na mahahanap sina Sisa?! Hahayaan nalang natin silang mamamatay?!" Sarkastikong sambit ni Dustin na napakuyom na sa kanyang kamao.

"May iba pang paraan! Hindi ganito! Kung ikaw sanay nang maging mamatay tao, kami hindi!" Giit pa ni Ponzi saka umiling-iling.

Nasapo na lamang ni Dustin ang kanyang ulo at napaungol na lamang sa sobrang galit, "Ayan ka na naman sa mga prinsipyo mong pulpol! Ikaw na ang mabait! Bakit?! Yang prinsipyo mong 'yan, maililigtas ba niyan sina Sisa?! Putangina Ponzi! Akala ko ba handa mong gawin ang lahat para kay Sisa?! Ponzi isang mamamatay tao kapalit sa buhay ng babaeng mahal mo, sobrang daling desisyon! Ito ang totoo! Maraming masasamang tao sa mundo at kung parati mong pinipili ang tama, sa huli ikaw lang ang kawawa!" Giit nito kaya agad na napasinghal si Ponzi samantalang kapwa natameme na sina Archie at Jojo dala ng tensyon sa pagitan ng dalawa.

"Dustin 'wag mong kakalimutan na dahil sa paniniwala mong 'yan, maraming buhay ang nasira at nadamay! Mas pinili mong gawin ang mali laban masasamang tao, gumanti ka kaya namatay si Ford at pati narin si Tammy!" Bulyaw ni Ponzi na siyang nagpasiklab pa lalo sa galit ni Dustin.

Agad na kinwelyohan ng nagngingitngit na si Dustin ang dating kaibigan, dahil sa galit ay namumuo na ang luha sa mga mata ni Dustin na nanlilisik at labis narin ang pangingnig ng mga kamay niya "Hindi mo alam kung ano ang hirap na pinagdaanan ko kaya manahimik ka. Hahanapin ko si Sisa sa paraang alam ko, wag mo akong pakikialaman. Kung ikaw, kaya mong tanggaping namatay si Sisa ng walang ginagawa, pwes ako hindi!"

"Tama na yan!" Bulyaw ni Archie dahilan para marahas na bitawan ni Dustin si Ponzi.

Bigla na lamang humalakhak ang duguang si Rodney kaya sabay-sabay silang napalingon dito.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon