CUATRO

14 2 0
                                    


KEISHA POV

“Wala kang babayaran na Pera sa pagtira mo sa bahay ko, lahat libre pati pagkain.”

“Ang gusto ko lang sundin mo ako kapag inuutusan kita.”wika ni Dager

“Okay.”

“Sige maiwan na muna kita.”

Naligo kana at nagpalit ng preskong sando at short sa pang-ibaba.

_

“Ang weird naman non, wala akong babayaran tapos libre pa pagkain.”wika mo sa sarili habang nagpapatuyo ng basa mong buhok

“Pero ayos narin atleast may matitirahan ako, okay lang kahit utusan nya pa ako.”

“Salamat sa kanya.”

Lumabas kana sa kwarto at naglibot libot sa malawak na bahay ni Dager.

“Andyan ka pala.”

Tila napapitlag ka naman sa gulat sa lalakeng nagsalita.

Nakita mong si Dager ito, nakaupo sa sofa at may hawak na libro.

“Nakakagulat naman sya.”

“Ang talas naman ng mata nya, alam nya agad na nandito ako.”sambit mo sa sarili

“Halika, may ipapagawa ako sayo.”seryosong wika ni Dager

Katulad ng sabi nya ay agad ka naman lumapit sa kanya.

“Marunong ka ba sa gawaing bahay?”seryosong tanong ni Dager habang ang mga mata nya ay malikot habang nakatingin sa kabuuan mo

Ikaw naman ay nakaramdam ng ilang sa mga titig nya kaya sa sahig ka nalang bumaling ng tingin.

“Marunong naman.”maiksing wika mo

“Pwera lang sa pagluluto.”wika mo sa isip

Hindi pa natatapos gusto mong sabihin ng biglang umabat si Dager.

“Kung ganon, gusto kong ipagluto mo ako.”utos ni Dager

“Hala!”

“Paano na hindi ako marunong magluto.”wikq mo sa sarili

“Ayaw ko naman na ma disappoint sya sakin, nakikitira na nga lang ako.”dagdag na wika mo sa isip

“Sige.”maikli mong sagot

“Hatid mo nalang sa kwarto ko, matutulog muna ako.”wika ni Dager habang inaayos ang mga librong kanyang ginamit

“Okay.”sagot mo

Napapikit ka naman at napakagat labing umalis sa harap ng lalake nagtungo kana sa kusina para maghanda ng kakainin nito.

“Anong gagawin ko?”

“Hindi ako marunong, paano na.”

Palakad-lakad ka lang sa kusina habang nagiisip kung paano mo ito gagawin.

“Aha! Alam ko na!”wika mo sa sarili ng makaisip kana ng idea

“Youtube tama, may tutorial duon.”

“Asan ba cp ko, naiwan ko ata sa kwarto ko.”

Pumunta ka sa kwarto mo para kunin ang iyong cellphone.

Agad mong pinindot ang YouTube ngunit naalala mong kakaubos lang ng load mo.

“Paktay!”

“Wala na akong balance.”

Naa-alala mong may nakita kang wifi sa bahay ni Dager kaya naisipan mong puntahan sya para maki connect.

Tok! Tok! Tok!

“Dager.”

“Pwede maki-wifi.”

Nakailang katok kana sa pinto ngunit walang sumasagot kaya Ikaw na mismo nagpapasok sa sarili mo ng walang pahintulot.

Napangiti ka naman dahil hindi nakakandado ang kanyang pintuan kaya mabilis ka lang nakapasok sa loob.

“Dager.”

Napahinto ka naman sa pagtawag ng makita mo itong topless habang natutulog.

Napalunok ka ng laway sa iyong nakikita.

“Ano ba toh!”

“Bakit ko ba naisipan pumasok sa kwarto nya.”

“Ganda ng view.”

Naisipan mong kunan ito ng litrato habang natutulog.

Itinapat mo ang iyong cellphone sa kanyang katawan at kinuhaan.

Nakakaisang shot ka palang ng may biglang humablot sa hawak mong cp.

Nagulat ka naman sa inakto nito.

“G-gising kana!”utal mong sabi

Hawak parin ni Dager ang cp mo.

Nagulat ka ng bigla nitong hilahin ang kamay mo at ipinatong ito sa kanyang dibdib.

“Bakit kinukuhaan mo ako ng litrato ng patago.”

“Hindi mo sinabi agad na gusto mo ko.”

“Huwag kang mag-alala Mahal, sayo lang katawan ko sayong-sayo.”seryosong wika ni Dager

Ilang na ilang kana, pati sa mga sinasabi nito hindi ka makatingin ng diretso sa kanyang mukha.

“Nilalandi nya ba ako, ano toh.”wika mo sa isip

“Masyado kang feeling akin na nga yang cellphone ko.”wika mo

“HAHAHAH deny pa, eh kakakuha mo lang ng picture sakin.”pang-aasar ni Dager

“Sakin na yan, ibalik mo sakin Dager.”

“Dager.”inis na sigaw mo

“Sandali lang.”wika ni Dager

Nagpicture ito sa kanyang sarili ng maraming beses iba ibang angulo saka nito ibinalik ang cp mo.

“Ayan marami na yan.”wika ni Dager

“Seryoso?”

“Siraulo ba sya.”wika mo sa sarili

“Feeling ka, makiki connect lang ako sa wifi.”inis mong wika

“HAHAHA sus, deny pa halatang-halata kana.”pang-aasar pa nito

Nag-init pisngi mo sa sinabi nya.

“Hindi kita gusto wag kang feeling.”sigaw mo

To be continued.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY BOYFRIEND IS A KILLER Where stories live. Discover now