Napamura na lang ang makisig na binatang si Adhan dahil sigurado niyang si Waylen ang kumuha ng susi ng kanyang kotse. 

Muli ay napailing na lang siya sa ginawa ng kanyang nakakabatang kapatid. Hindi na niya mabilang kung ilan beses na ginamit ng walang paalam ng kanyang kapatid ang kanyang kotse. Nagpapasalamat na lang talaga siya dahil hindi iyon nababangga ni Waylen. 'Di tulad ng kotse nito na makailang beses na nabangga dahil na rin sa kalasingan. 

Sa paglabas ng kanyang kuwarto ay meron agad siyang nakitang kasambahay. Seryoso niyang tinawag ito at tinanong kung sino ang nagpalabas kay Waylen gamit ang kanyang kotse? 

"S-ser, 'di ko po alam" sagot ng kasambahay. 

"What the fvck? Nasaan si Mang Ramon?" pasigaw na tanong ni Adhan. 

'Di mapigilan ni Adhan na tumaas ang boses niya dahil na rin sa nangyayari ngayon. Nakita niyang parang maiiyak na ang kaharap niyang isang kasambahay. 'Di niya ito kilala sa pangalan ngunit familiar ang pagmumukha nito. 

"N-nasa dirty kitchen po siya," 

Seryoso pa rin ang guwapong mukha ni Adhan habang papunta siya sa may kusina ng bahay nila. Alam niyang wala ang kanyang mga magulang dahil sa kung saan-saan pumupunta ang mga ito. 

Simula pa lang bata siya ay nasanay na siyang abala ang kanyang mga magulang sa negosyo. Lumaki siya sa pag-aalaga ng kanyang Yaya Buding. Ang yaya rin niya ang nag-alaga sa kanyang nakakabatang kapatid na si Waylen. 

Sa pagdating niya sa may likurang bahay kung saan nandoon ang dirty kitchen ay nakita niya ang kanyang Yaya Buding na abalang nakikipagkuwentuhan kay Mang Ramon. 

"Oh? Adhan, nakabalik ka na pala?" tanong ni Buding. 

Isang mapalad na ngiti ang ipinakita ni Buding sa kanyang alaga na si Adhan. Parang anak na ang turing niya kay Adhan at sa nakakabatang kapatid nitong si Waylen. 

Siya na ang nag-alaga sa dalawang anak ng mag-asawang Stella at Douglas Gerronimo. Malaki ang pasasalamat niya sa mag-asawang Gerronimo dahil turing sa kanya bilang parang tunay miyembro ng pamilya. 

"Huh? 'Di ako umalis ngayon yaya," kunot noo tanong ni Adhan. 

Seryoso siyang napatingin kay Mang Ramon na parang nakakita ito ng multo sa katauhan niya. Tinanong agad niya ito kung ito ba ang nagpalabas kay Waylen sakay ng kanyang kotse? 

"A-akala ko po sir kayo po iyong sakay ng kotse ninyo?" sagot ni Mang Ramon. 

'Di alam ni Ramon kung ano ang kanyang gagawin ngayon? Dahil na rin ang akala niya ay si Sir Adhan ang lumabas kanina sakay ng itim na kotse. Alam na alam niya na maselan ito sa mga gamit nito lalo na sa kotse nito. Wala ni sino man ang nakakagamit ng kotse nito. 

Napalunok na lang ng laway si Ramon dahil na rin sa kaba at takot kay Sir Adhan. Alam niya kung paano ito magalit. 'Di na niya namalayan na nakatayo na pala siya sa harapan nito na takot na takot ang mukha nitong nakaharap sa isa nitong among lalaki. 

"Mang Ramon! Di mo man ba napansin na si Waylen, iyon? 'Di mo nakitang sumakay ito sa kotse ko?" galit na tanong ni Adhan. 

Parang bulkan na galit na galit si Adhan sa matandang lalaking kaharapan niya ngayon. Pinipigilan pa niya ang kanyang sarili na magsalita ng masakit dahil na rin nandito ang kanyang Yaya Buding. 

"Adhan, anak kumalma ka. Ang pagkakaalam namin ay ikaw ang nakasakay sa kotse mo. Alam naman namin na ikaw lang ang gumagamit ng kotse mong iyon," paminahon na sabi ni Buding. 

Kilala ni Buding ang kanyang alagang si Adhan. Alam niyang galit ito dahil na rin sa nangyari ngayon. Alam niyang masyado itong maselan sa mga gamit nito at wala siyang maisip na gawin kundi kausapin ito ng mahinahon. 

"Yaya Buding, please wag kang makialam sa usapan namin ni Mang Ramon," seryosong sabi ni Adhan. 

Tinanong ng makisig na lalaking si Adhan ang matandang kaharap niya ngayon kung nasaan ang susi ng isa pang kotse na pagmamay-ari ng kanyang ama. 

Napayukom na lang ang kanyang kanang kamay ng marinig niya ang sagot sa kanya ni Mang Ramon. Sabi nito ay ipinadala raw ng kanyang ama ang isang kotse nito sa rest house nila para na rin 'di magamit ni Waylen. 

Muli ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at maawtoridad niyang inutusan si Mang Ramon na tumawag ng taxi sa labas ng subdivision nila. Wala siyang choice kundi mag-taxi na lang siya papunta sa Altas Bar para sunduin ang kanyang nakakabatang kapatid na si Waylen. 

 "O-opo sir!" sagot ni Mang Ramon. 

"Bilisan mo! Ayaw na ayaw kong pinaghihintay ako!" galit na sabi ni Adhan. 

'Di na pinansin ni Adhan ang pagtawag ng kanyang Yaya Buding at muli siyang pumasok sa bahay nila para roon maghintay. 

Sinusubukan niyang tawagin ang cellphone ni Waylen ngunit nakailang tawag na siya ay 'di man lang ito nag-abalang sagutin ito. Sa sobrang inis niya ay naibato niya ang kanyang cellphone. Wala siyang pakialam kung nagkabasag-basag ito. 

Muli ay lumabas siya ng bahay para makapagyosi. Kapag nakakaranas siya ng stress ay nagyoyosi siya kahit papaano ay mawala ang nararanasan niyang stress. 

Napangisi na lang siya ng maalala niyang high school pa lang siya ay natuto na siyang magyosi na 'di alam ng kanyang mga magulang. Lalo siyang napangisi ng mahuli siya ng kanyang ama na si Douglas Gerronimo pero imbes na magali ito ay wala lang itong pakialam. Sinabihan lang siya nito na ayusin ang pag-aaral niya. 

Napatingin na lang si Adhan sa malinis na kalangitan kung saan kitang-kita niya ang maraming bituin. Sa huling buga ng usok na nagmula sa labi niya ay narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Mang Ramon. 

"S-Sir Adhan, nandito na po ang taxi," 

Lihim Ni Amante.

Ang Lihim Ni AmanteKde žijí příběhy. Začni objevovat