Kabanata 04

273 12 8
                                    

Baliw na yata siya para bigyan ako ng nickname. Pakiramdam ko kasi kapag may nickname sila sa akin, espesyal ako. Sabihin nating minsan ko lang kasi 'yon maranasan.

"Bakit biglang may endearment? Kapag 'yan, hinanap-hanap ko." Umiwas ako ng tingin at nagtaka sa naramdamang takot.

"Ayaw mo ba, Madam?" Mapanukso siyang ngumuso sa akin.


"Gusto!" Ang weird lang na noong isang araw lang parang ayaw mo sa akin.

Tumayo siya at hindi ako kinalimutang alalayan nang makitang gustong sumunod sa kaniya.

Mahina ako sa gentlewoman, kilig agad.

Pakiramdam ko nakatatak na sa kaniya ang maging maalaga sa kasama. Mahilig siyang umalalay pero magrereklamo kapag nasaktan.

"Alam mo bang expressive ka?" sabi niya out of nowhere.

"Hindi ba bagay? Pangit?" Medyo kinabahan akong pinuna niya 'yon.

"Kaya nga kita ninanakawan ng shots kasi gaya mo ang mga subject na gusto ko, maganda at bagay lang."

Pinagdikit ko ang labi nang kiligin sa sinabi niya.

"Mukhang mahilig ka sa compliments? Napangiti ka, e."

Ngumuso ako nang ma-guilty. "Nakakakilig kaya talaga mapuri!"

"Sa lahat naman yata kinikilig ka."

"Sorry po, ha?" sabi ko. "Ikaw pala, gusto mo ng nickname?"

Muli siyang natawa nang ilihis ko ang paksa.

"Lagi mo akong tinatawanan."

"Ayaw mo bang nagiging happiness ka ng iba?" tanong niya. "Sa panahon ngayon, kailangan na natin ng little happiness."

Siyempre kinilig ako kahit naglaro agad sa isip ko kung bakit parati niyang nilalawakan ang mga sinasabi niya. Parang bakod ang mga 'yon na kahit talunin niya kung gugustuhin ayos lang, pero hindi ko 'yon matitibag.

Hindi ako puwedeng lumagpas.

"Hindi naman sa ayaw, weird lang." Muli akong nag-angat ng paningin sa kaniya na nakakunot ang noo sa akin. "Salamat na dini-define niyo ako as happiness."

"Parang ayaw mo pa, teh?"

"Ang bigat ko kayang kasama."

Naningkit ang mga mata niya. Nagtago roon ang pigil na pagtataka. "Pakiramdam mo? Baka pakiramdam mo lang talaga?"

"Feeling ko kasi ang hirap kong kasama. Chaotic at angst."

"Salamin kasi ng iba ang tiningnan mo."

"Ha?" Napakalalim.

"Focus ka sa sarili mong salamin. Maaaring mag-matter ang salita ng iba dahil mahalaga sila para sa atin, pero sino bang pinakamahalaga sa lahat?"

"Person na love ko?" sagot ko.

"Mali..." Umiling siya. "Sarili mo dapat."

TakasWhere stories live. Discover now