Huling Kabanata (2)

Start from the beginning
                                    

"Okay, we'll do your ultrasound first. Are you still a virgin? Medyo hindi kumportable ang transvaginal ultrasound."

"Virgin my ass." Bubulong-bulong si Karev.

"Oo Doc, virgin pa, yung ilong!" Humagalpak na naman siya. Ewan niya ba kung bakit ang saya-saya niya pa! Hello, mukhang kaunti na lang ang kapit ng pagiging Gabriela Silang niya at pagbibigyan niya ang kahilingan ni Saint. Jusmiyo! Siya pa ata ang bubuhay rito kung sakali. Pinamuhay na talaga niya ang pagiging sugar mommy.

Inihanda na ni Doc Sia at ng assistant nito ang pribadong silid para sa ultrasound. Pinapanood na lang niya. Hindi naman siya bago rito dahil napacheck niya na rin ang matres niya noon. 

"Okay na? Nakapasok na?" Tanong niya nang maramdaman ang aparato. 

"Oo, hindi mo ba naramdaman?" Seryosong tanong ng Doctora habang nakatingin sa monitor. 

"Inaaaraw-araw kasi ako ng jowa ko."

Napailing ang doktora, sa totoo lang ay itinatago niya ang kaba. Paano kung inagiw na nga ang matres niya at ni-recall na lang ng langit kakasabi niyang hindi niya gagamitin tapos binigay na lang sa ibang Nanay na gagawing retirement plan ang anak. 'Lord, ha, hindi magandang plano iyon.' She whispered. 

Napakunot ang noo ng doktora habang iniikot ang aparato. "Were you diagnosed with Pcos before?"

"No."

"How's your period? Regular ba?"

"Well, I am on depo so I don't get period sometimes."

Napalunok si Doctor Sia. Huminga siya ng malalim at nilakasan ang loob.

"I have Pcos? Mahihirapan akong magbuntis? I have to take medicines and I'll gain weight if I undergo the treatment." Inisa-isa niya ang pagkakaunawa sa ganoong kondisyon. Confident naman siyang mamahalin siya ni Saint in whatever shape she's in, that wouldn't be a problem but is it what she wants?

"More than that, there's something that I see in your fallopian tube. Do you have more time so we can do the test today?"

"Is it worrisome?"

"Depends on what's your goal right now..."

--

Tulala siya at kahit anong patawa ni Karev ay hindi siya matawa-tawa. 

She's infertile. Blocked ang fallopian tube niya, although marami pang confirmatory tests, bukod sa PCOS ay blocked nga ang kanyang fallopian tube. Damn it, ba't pa siya nagkocontraceptives kung hindi naman pala siya mabubuntis?! Para siyang kalbo na nagpaparebond! 

"Hay, ang tagal natin 'don. Nahigop ng katawan mo yung pang-ultrasound?" Bulgar na tanong ni Karev.

"Gago ka, masikip pa rin pepe ko no." Bulong niya habang walang gana siyang naglalakad sa lobby.

"Doc Thea!" Pulang-pula si Karev.

"Sinimulan mo, gago. Bye." Padabog siyang nagmartsa papasok sa clinic niya nang makita niya ang mga nakapila niyang pasyente.

"Welcome!" Pahabol ni Karev sa kanya. Umupo siya sa kanyang pribadong silid habang hinihilot ang sentido. What now? Hindi niya pala mabibigyan si Saint ng anak kahit gustuhin niya. Anak ng tokneneng. Mag-ampon na lang kaya sila? Would Saint like that?

Mahal naman ang surrogacy kasi sa ibang bansa pa gagawin, tapos siya pa magbabayad kasi walang trabaho ang jowa niya. May anak nga sila pero hindi niya mabibigyan ng luho. Saka ilang porsyento ba ang success rate ng surrogacy? 

"Myra, kailan ba ang piesta sa Obando?" Tanong niya sa sekretaryang pumasok sa kanyang silid na may yakap na patient's file.

"Po?"

Temptation Island: Broken TiesWhere stories live. Discover now