Kabanata 27

107K 5.5K 4.9K
                                    

Maki Says: Yes forda puyat na naman tayong lahat! Will be posting the next chapter after 2k comments. Yun ang benchmark ko to know that it was read para sabay sabay ang tawa at iyak di ba. Lol Goodnight!

Thea

"Dry me first? baka basain mo lang ako lalo, Saint."

Tengene, asyumera ng taon?

Mabuti na lang at hinayaan siya ni Saint na gamitin ang bathroom at robe na naroon sa opisina pagkatapos ay iniwanan na dahil baka kung ano pa ang masabi niya! Mga 5-minutes lang talaga niya kayang magseryoso.

Monasterio Publishing has a comfortable sleeping quarters, malamang ay dahil lagi silang nag-oovernight kapag may hinahabol na mga magazine publications.

Tinuyo niya lang ang buhok niya sa blow dryer habang pinagmamasdan ang repleksyon sa salamin.

Anak ng Teteng, Thea. Ang ganda pa ng pagkakawalk-out mo kanina tapos nakikiligo ka pa ngayon!

Naririnig niya rin ang washing machine na umuugong doon sa pantry / laundry area, nilalabhan ni Saint ang mga damit nila. Hindi na siya nahiya na isama ang panty at bra niya dahil hindi naman talaga siya nagbaon ng extra.

Tinext niya si Sloane at Fox na kunin siya sa Monasterio Publishing pero tumanggi dahil baha raw sa may Pasong Tamo at non-moving na sa ibang parte ng EDSA. She sighed. Mga traydor. Oh, what does she know? Baka nga magswimming pa si Fox para daluhan ako, kawawa naman.

She heard a knock on the door, she gathered the blow dryer and put it back in its place before rushing to open the door. Bumungad sa kanya si Saint, just like her, he's wearing a white robe.

"Ano yung parang nakatukod dito?" She flicked her gaze on Saint's crouch.

"I have boxers, Thea. Unless you will ask me to remove it."

"Hala, napakabastos mo ha! Bakit ko naman hihingin 'yon? Hindi ba wala kang interes sa akin? Pinagtulakan mo nga ako ng ilang beses!"

"Kumain ka muna, Thea." His low baritone voice cut through the rain splatters on the window pavement. Pantry na kaagad paglabas ng pinto kaya nakita niya sa long table ang pizza, pasta, at chicken wings na nakahanda.

"Nag-order ako sa office canteen. I hope this is okay. Pasara na rin kasi."

Umingos siya at nagmartsa papalapit sa lamesa. Nadrain talaga ang energy niya sa pagdadrama kanina. She really felt emotional. Palibhasa at nainis siya dahil kinailangan pa nilang magkita ni Saint ngayong araw. Nainsulto pa siya. Hindi naman niya iyon hinahanap! Nagkataon lang talaga!

"What time is it?" Nakataas ang kilay na tanong niya kay Saint.

"8:15." He was looking at his Rolex.

"So we both should sleeping, right? Parehas naman tayong matanda. O huminto ka nang magbilang ng taon pagkatapos mong magbirthday? With the way you are acting, para nga namang kaka-twenty one mo pa lang. Oh right, you are a father now, but that doesn't make you an adult just so you know." Sarcasm dripped in her voice. Kumuha siya ng slice ng pizza at kumagat nang pagalit.

"I know that. Parenthood isn't for everyone, right?" Umupo si Saint sa kanyang harapan at kumuha ng pizza pero tinitigan lang iyon sa kamay. "I should be more responsible."

"Talaga! Hindi ka pala marunong magwithdrawal pero nanlalandi ka? Hayan tuloy." Pagkakataon niya na para mabash si Saint dahil mukhang hindi siya papatulan. He looks defeated.

"I envy you, Thea. You always have a choice and you hold to those choices."

"May choice talaga ako, Saint! Kung kaibigan pa kita, I will tell you to practice safe sex. Tingin mo ay sinuwerte ka na hindi mo ako mabuntis noon? No, we were practicing safe sex, Saint, even if you don't know. Ayokong masira ang kinabukasan mo, ang kinabukasan ko, at ang kinabukasan ng bata. Gusto kong masarapan ka, at masarapan ako, period. What do we know about parenthood? Sige nga."

Temptation Island: Broken TiesWhere stories live. Discover now