"Anong mayroon sa phone ni Reverie?" nagtataka namang singit ni Athena.


"Naghahanap siya ng ebidensiya para patunayan sa 'yong wala siyang ginagawang ikasisira niyo. Sinabi kasi sa kaniya ni Reverie na may nangyari daw sa kanila ni Kuya no'ng New Year's Eve, pero sigurado si Kuya na kahit lasing siya no'n, wala sa kanila nangyari. Sinabi lang 'yon ni Reverie para paghiwalayin kayong dalawa, at tinakot niya pa si Kuya na sasabihin niya sa 'yo na may nangyari sa kanila kapag nakipagkita si Kuya sa 'yo, e iniisip ni Kuya na baka paniwalaan mo si Reverie kaya sumakay muna siya sa kasinungalingan ni Reverie, kaya no'ng pumunta ka ro'n ay nagpanggap siyang tulog habang nakayakap kay Reverie."


"Teka muna," awat ni Athena sa pag-k-kuwento ni Eleaquinn dahil masyado ng marami ang nasasabi nito sa kaniya dahilan para mahirapan siyang i-proseso. "Lasing si Joaquin no'ng New Year's Eve? How?"


"Ganito kasi 'yon, pagkahatid niya sa 'yo rito sa condo dumiretso muna siya sa bar. Uminom siya ro'n mag-isa para raw bawasan ang sama ng kaniyang loob sa parents namin, kasi 'di ba ayaw nila sa 'yo," napayulo na lang si Athena matapos 'yong sabihin ni Eleaquinn, masakit pa rin ang mga nasabi ng parents ni Joaquin sa kaniya hanggang ngayon. "No'ng pauwi na siya sa penthouse after niya uminom, napansin niya raw na nakasunod sa kaniya ang sasakyan ni Reverie. Tumawag siya sa akin no'n para tanungin kung wala na si Reverie sa bahay ng parents namin, and sinabi ko naman sa kaniyang wala na nga, at ang alam ko ay pupuntahan ni Reverie si Kuya sa penthouse nito. Dahil do'n, sinabihan ako ni Kuya na sumunod daw ako sa penthouse niya dahil natatakot nga siya na baka may gawin sa kaniya si Reverie e lasing pa naman siya."


Tumango naman si Athena sa mga sinabi ni Eleaquinn, sa pagkakataong 'to ay paunti-unti na siyang naniniwala sa mga sinasabi nito.


"Kaso nga lang, hindi ako nakapunta sa penthouse ni Kuya kasi hindi ako pinaalis ng parents namin sa bahay. Tinakot pa akong hindi nila ako bibigyan ng allowance for a month kapag umalis ako, kaya wala akong nagawa," malungkot na pagpapaliwanag nito.


"Ano nakuhang ebidensiya ni Joaquin sa phone ni Reverie?" usisa naman ni Athena.


"Video 'yon nila ni Kuya kung saan hinuhubaran ni Reverie si Kuya habang nakahiga ito sa kama na lasing na lasing. Ewan ko nga ba ro'n kung paano pa 'yon nakapagmaneho at nakauwi sa penthouse ng ligtas sa gano'ng lagay niya!" tugon ni Eleaquinn na nagreklamo pa. "Teka nga, panood ko sa 'yo ang video," pagkasabi niya no'n ay kaagad niyang hinanap ang phone sa bag niya, nang makuha na niya ito ay mabilis siyang nagtitipa bago inabot kay Athena ang phone.


Mabilis namang pinanood ni Athena iyon. Sa video makikita na inayos muna ni Reverie ang pagkakalagay ng phone niya sa bedside table ng kuwarto ni Joaquin, kung saan nag-start na si Reverie sa pag-record.


Nang maayos na niya ang pagkakalagay nito, kaagad na pumatong si Reverie sa ibabaw ni Joaquin na kung saan ay natutulog na ito sa sobrang kalasingan.


Inalis ni Reverie ang pagkakabutones ng polo ni Joaquin, pagkatapos ay sinubukan niyang halikan si Joaquin sa may leeg ngunit bigo siyang gawin iyon dahil bahagya siyang tinulak ni Joaquin.


"S-Stop it!" singhal ni Joaquin na halata sa boses niya ang kalasingan. "H-Hindi . . . ikaw ang . . . T-Tangi ko!"


Umawang ang bibig ni Reverie sa kaniyang narinig matapos iyong sabihin ni Joaquin. Hindi siya makapaniwala na kahit lasing na ito ay si Athena pa rin ang nasa isip niya.


"What the hell, Ernest Joaquin! Lasing ka na nga lahat-lahat, 'yong babae pa rin na 'yon ang nasa isip mo? Ano bang ginawa no'n sa 'yo at patay na patay ka ro'n?!" reklamo ni Reverie na muling pumaibabaw kay Joaquin. Sinubukan niyang halikan ulit ito pero sa pangalawang pagkakataon ay nabigo ulit siya matapos siyang itulak ni Joaquin na mas lumakas iyon kaya nahulog siya sa kama.


Countless Nights with the Mayor | COMPLETEDWhere stories live. Discover now