WBWWE (One Shot)

2.3K 95 16
                                    

                            🖤

I've always dreamed of marrying someone, and today, I get to marry the woman of my dreams.

"Bawal mong makita ang bride at baka hindi matuloy ang kasal. Tara na kasi? Hindi ka pa ba papasok?" asar ni Adrian sa'kin nang makita akong nakatayo sa labas ng simbahan.

"Mauna ka na. Susunod na lang ako." sabi ko para makapag-isa. Gusto ko rin makalanghap ng preskong hangin.

"Sumunod ka." bilin niya at agad naman akong napatango. "Ikaw pa naman ang pinaka—" napatigil siya nung pinanlakihan ko siya ng mata.

"Susunod ako, Adrian. Pakisabi na rin na papasok na ako."

Nagkibit-balikat ako at tahimik namang sumunod si Adrian sa sinabi ko. Excited talaga ang lalaking 'yun kahapon pa. Ewan ko pero para siya 'tong ikakasal ngayong araw. Siguro dahil masaya siya para sa'kin.

Tumingala ako sa asul na kalangitan para pagmasdan ang panahon. Sa pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin ay napapikit ako sa hindi ko malamang dahilan. Napabuntong hininga ako at muling nagkibit-balikat. Ganito pala 'yung pakiramdam?

Minsan nagsisimula ang kwento sa wakas para makapagsimula sa panibagong kabanata. Ikakasal na nga. Bagong kabanata na naman ng buhay. Bagong simula.

Nanatili ako dun sa labas. Ang lahat ng bisita ay nasa loob na. Hinihintay na lang 'yung bride. Hindi ko tuloy namanalayan na limang minuto na akong nakatayo sa labas. Binabanas na rin ako sa sandaling 'yun.

Sa muli kong pagmulat, doon ko nakita ang groupo ng mga ibon na sabay-sabay na lumilipad sa kawalan dahilan para mapangiti ako.

“Randolf! Hijo!”

Napalingon ako sa gilid kung saan nagmula ang boses na pamilyar sa tainga ko. Doon ko nakita si Father suot ang mahabang puting damit at nilapitan ako.

"Father." bati ko kay Father at niyakap siya. 

Nakilala ko si Father Deo nung panahon na binagsakan ako ng problema sa buhay. Naging gabay siya sa buhay ko para bumalik sa ayos ang magulo kong mundo. Sa totoo lang malaki ang naging parte niya sa buhay ko.

"Naku naman. Ikaw talaga. Bakit ka pa nandito, Randolf? Malapit ng magsimula ang kasal."

Ngumiti ako sa narinig.

"Papasok na nga po ako."

"Naku. Alam mo masaya talaga ako para sa'yo." ngumiti si Father sa'kin. "Oh siya tara na sa loob ng simbahan. Naku bawal mong makita ang bride diyan." natawa ito.

"Kayo talaga, Father. Sige po susunod ako sa loob. Wala pa naman 'yung bride." sagot ko at napangiti.

"Mauuna na ako sa'yo sa loob at para maayos ko na 'yung sarili ko. Enjoy mo lang. Huwag kang kabahan mamaya at nandoon naman ako. Aalalayan kita habang naglalakad na 'yung bride sa altar."

Tumango ako sa narinig na sinabi ni Father.

"Sige po."

Nang makapasok na si Father Deo sa simbahan muling akong napabuntong hininga at doon ko nalaman na may luhang lumandas na sa mukha ko, kaya mabilis kong pinunasan 'yun. Sa bawat pintig ng puso ko nagdudulot iyon ng kaba. Hindi ko alam kung bakit, pero dahil siguro sa bagong kabanata ng buhay ko.

Tumungo na ako sa loob ng simbahan at naghintay.

Pagkapasok ko sa simbahan napangiti ako nung marinig ko ang halakhakan at tawanan ng mga bisita na nandoon sa upuan. Abala na rin ang mga photographer sa pagkuha ng mga litrato at yung event organizer naman ganun din. Lahat sila ay naghihintay tulad ko. Bakas din sa mukha nila na excited sila.

"Ito na, Randolf. Ilang minuto na lang." sabi ko sa sarili ko at nagpatuloy sa paglakad.

Magaan sa pakiramdam na makakita ng mga bulaklak na nagkalat. Bumagay 'yung red carpet sa kulay ng bulaklak. Napaka elegante ng palamuti na nakakalat. Nagmukhang garden sa araw na 'yun ang paligid ng simbahan dahil sa dami ng bulaklak na nandoon.

"Na traffic lang daw ang bride." sabi ni Adrian sa'kin nang tabihan ko siya sa upuan malapit sa altar. "Kinakabahan ka 'no?"

"Paanong hindi? Kinakabahan talaga ako." inis na sagot ko at bumuntong hininga.

"Ganyan talaga kapag ikakasal na. Ganyan din 'yung naramdaman ko nun." bulong ni Adrian sakin. "Handa ka na ba?"

Hindi kaagad ako nakapag-salita.

Handa na ba talaga ako?

Handa na ba akong tuldukan ang kabanata para sa bagong simula? Tama ba ang pinili kong desisyon para sa bagong buhay tulad nito?

Hindi nagtagal nagsimula na ang tugtog dahilan para kabahan ako lalo. Nakakagaan sa pakiramdam ang tugtog sa simbahan. Ang lahat ng dumalong bisita ay napatayo at napatingin sa malaking pinutuan sa hindi kalayuan ng bumukas ito. Dahan dahang akong napatayo at napatingin kay Father Deo sa kaniyang unahan at nginitian niya lamang ako at doon na ako naluha.

"Andiyan na ang bride." bulong ni Adrian sakin. "Ang saya ng mukha niya."

Wala na akong nasabi pa dahil nakita ko na ang angel na paparating. Kumikinang ang suot niyang gown tuwing natatamaan iyon ng liwanag. Palihim akong napangiti. Doon ko rin nakita ang kasama ni Mae. Ang mga magulang niya habang naglalakad ito patungo sa altar.

Papalapit sa kinatatayuan ko.

Napakasimple ng ayos niya pero ang ganda-ganda niya.

"Hindi naman halata na mahal na mahal mo si Mae." bulong ni Adrian sa'kin habang nakatingin kay Mae na naglalakad.

"Kung kaya ko lang sumigaw dito kanina ko pa ginawa." pagkatapos kong sabihin iyon ay palihim kong pinunasan ang mukha ko dahil sa luhang lumandas dun.

"Ano ang isisigaw mo?"

Napalunok ako sa narinig na tanong ni Adrian.

"Mahal ko siya—pero—" napahinto ako at napakibit-balikat nang makita ko ang lalaki na nakatayo rin kagaya ko malapit sa altar.

"Pero ikakasal na siya, eh—sa iba."

Napatahimik si Adrian sa narinig na sinabi ko. Tinitigan ko si Mae at bakas sa mukha niya na masaya talaga siya sa araw ngayon! Nadudurog ang puso ko at ang tanging magagawa ko na lang sa ngayon ay pagmasdan siya.

Sayang din ang anim na taon naming relasyon.

Walang wala ako nung iniwan niya ako. Naiisip ko pa lang ang bagay na 'yun nasasaktan na ako. Sabi niya hintayin ko raw siya hanggang sa maging ready na siya.

Hinintay ko siya.

Dalawang araw.

Tatlong linggo.

Apat na buwan.

Hanggang sa umabot na ng isang taon na akong naghihintay. Umaasa pa ako na makikipagbalikan siya kasi sabi niya aantayin ko raw siya.

“Anong na nga ba ang sunod na nangyari?” ani Adrian sa gilid ko. "Bitin 'yung kwento mo kagabi."

“Wala na. After naming nagkita nung gabing 'yun kinalimutan ko na siya.” natawa ako. “Nalaman ko na lang na may iba na siya at ikakasal na siya."

Pinuntahan ko siya sa kanila para makausap siya oara pag-usapan ang tungkol samin. Kinausap niya naman ako. Harap-harapan. Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanya at doon na gumuho ang mundo ko sa pinagtapat niya.

May nahanap na siyang iba at itigil ko na raw ang pag-hihintay sa kanya dahil wala na talagang pag-asa na magkakaayos kami.

Bakit ganun? Bakit ang daya naman? Mahal ko naman, eh. Wala akong ginawang mali para bigla niya akong iwan. Napaka ayos kong tao.

Kaya naisip ko mabait naman akong tao bakit hindi ko subukan pumasok sa simbahan para Diyos naman ang mahalin ko?

Hindi nga ako nagkamali dahil after five years nakatanggap ako ng pagmamahal na hinding hindi na ulit ako sasaktan.

Nagsimula na ang kasalan.

"We begin when we ends."

Kaagad kong inayos ang dapat ayusin sa kasal ni Mae dahil ako ang Father nila sa araw na 'yun.

THE END!

We Begin When We Ends (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon