1 : Nice to meet you

13 2 1
                                    

Maraming nagtataka kung bakit magkaibigan kami ni Klhoe, samantalang ang layo naman talaga ng pagkakaiba naming dalawa.

Maganda siya, maputi, makinis, mabait, maligalig, friendly, at matalino. Halos lahat ng gugustuhing makita ng kalalakihan sa isang babae, ay mayroon si Klhoe. All-in-one kumbaga. Samantalang ako naman, wala lang. Isang normal na babaeng mahilig mag ponytail na hanggang tuktok ng ulo ang taas dahil sa pagkakatali. Hindi rin ako maganda, makinis, ni hindi nga ako matalino. Hindi ko rin alam kung mabait ba ako sa paningin ng iba.

Hindi naman por que sikat si Klhoe at nobody ako, eh hindi na puwedeng maging magkaibigan. Tsaka sanay naman na akong palagi kaming ikinukumpara dalawa. Hindi na bago 'yon sa araw-araw na pagpasok ko sa school.

Hindi mawawala ang ganiyang nga tao, kaya mas mabuti pang 'wag nalang pansinin kase makakagawa ka lang naman ng gulo kung papatulan mo pa. Tama rin naman sila sa mga sinasabi nila. Inggit nga lang siguro ang mga 'yon dahil best friend ko ang pinaka-maganda sa buong department namin. Manigas sila!

"Shay?...huy Shay!" Nagulat ako sa paghampas ni Khloe sa akin. "Lutang ka na naman ngayon?" Natatawang tanong pa niya.

"Hindi naman may naalala lang." sabay ngiti ko sakaniya at hampas na rin sa balikat.

Naglalakad kami ngayon pababa ng main building, papunta sa maliit na bahay kubo, na nasa gilid lang naman ng building namin. Dala-dala namin ang lunch box para maglunch.

Hindi pa tumutunog ang bell kaya sigurado akong wala pang katao-tao sa canteen at kubo. Nagpapasalamat din ako dahil maaga kaming dinismiss ng teacher namin. Paunahan kase para makakuha ng puwesto roon sa kubo. Ang saya kase masosolo namin 'yon ngayon.

"May sasabihin ako sayo Shay." Pagbasag ni Klhoe sa katahimikan. Nakangiti na naman ito na minsan ko nang kinainggitan noon.

"Hmm? Ano 'yon?" Tanong ko sakaniya habang inilalapag ang lunch box sa mesa ng kubo.

Nauna na siyang umupo sa hindi gaanong mataas na upuan ng kubo. Para lang itong maliit na kubo na makikita usually sa mga beach resorts na napadpad dito sa school namin. Lima ang kubo namin dito sa school na nakahilera sa gilid ng main building namin. Maganda ito dahil napapalibutan ng mga halaman at bulaklak, paminsan minsan naman, makakakita ka ng mga butterflies dito na iba-iba ang kulay. Wala ngalang ngayon.

"Wag kang magulat Shay ah, ano kase.." pagsisimula ni Klhoe na halatang nagpipigil ng ngiti. Kinikilig ba 'to?..

"naalala mo yung bagong boy dito sa school na kabatch lang natin? Si Mikoy?" Pagpapatuloy niya.

Ah si Mikoy.

"Yes? Anong meron dun?" Walang ganang sagot ko.

"Beh hihi hindi ko alam pano sabihin eh." Halata parin ang pagpipigil nito ng ngiti, habang kagat-kagat pa ang itaas na labi.

"Ano crush mo?" Kilalang-kilala ko na ang best friend kong 'to. Kapag ganiyan siya, alam ko na kung may bago siyang ikukwento. Crush ba o bagong natitipuhan.

"Hindi." Lumantad naman ang magandang ngipin nito na kanina pa niya pinipigalan maipakita.

"Hindi naman pala. Eh bat parang kinikilig ka diyan?" Inirapan ko siya at binuksan ko na ang lunch box namin, saka inayos ang pagkakalagay nito sa mesa.

Nagpigil pa ng tawa si Klhoe ng ilang segundo bago nagsalita.

"Boyfriend ko na siya beh!" Sabay tili naman nito. "Shay boyfriend ko na si Mikoy!"

Napatigil ako sa ginagawa. Bigla akong naestatwa ng kaunti.

Matapos ang ilan pang segundo, hinila ko na ang iilang hibla ng nakalugay niyang buhok na hanggang bewang niya ang haba, para pakalmahin. "Aray ko naman!" Reklamo pa niya.

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Mar 30 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

WHAT IF,  AKO NALANG?Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu