01

26 4 4
                                    

CHAPTER 1:
The Ugly Stoler

"MGA KAPITBAHAY GISING!"


"AHHH!"

Napabalikwas ako bigla ng bangon dahil sa gulat ng marinig ang mga sigawan at ingay ng mga kaldero.

Napakamot nalang tuloy ako sa ulo dahil sa inis.

Hayssst! Disturbo!

Kahit malabo ang mga mata ko naaninag ko parin ang aninong takbo ng takbo sa aking kwarto.

Sino ba kasi 'to?

"SUNOG! SUNOG! TULONG! HELP! AHHH! "

Napahikab ako bigla sa narinig bago humiga ulit at pumikit.

"Tss, sunog lang naman pala yan eh"

Ilang minuto pa akong nakapikit bago napamulat ng rumihistro saakin ang nangyari ay mabilis pa sa isang segundo akong napabalikawas ulit ng bangon at napasigaw.

"WAHHHH, SUNOG!"

Dahil sa kabang nararamdaman at sa kagustuhan ko din mailigtas ang sarili ay natataranta akong umalis ng kama with matching mala action star na pagulong-gulong pa akong nalalaman.

Pero yun na nga eh, may problema!

Nakalimutan kong hindi pala gaanong kalakihan itong kama ko, kaya ang ending, nahulog ako sa sahig na parang napisat na palaka, at mas nakakapagpahina pa ng loob ko ay yung nguso ko pa ang naunang nakatapat sa sahig.

'Aray ko po!'

Pero kahit na gano'n, kahit na bumagsak pa ako sa sahig ay hindi ko parin ni-alintana ang sakit nong nguso ko. Nagmamadali parin akong bumangon alang-alang sa sariling kapakanan.

Nakadapa kong inabot ang gilid ng kama ko saka ko inangat ang aking katawan gamit ang lakas ng mga braso ko. At salamat naman ay nagawa ko pang makabangon, pero nakaluhod na nga lang.

"S-Sunog? A-Asan?" Tanong ko pa sa kung sino ng maaninag ang anino sa labo ng mata ko. Inilibot ko kaagad ang aking paningin sa buo kong kwarto para siguraduhin na hindi pa nakaabot sa kwarto ko ang apoy.

At tama nga ako hindi pa nakapasok ang apoy, pero ang nakakapagtaka lang kung bakit wala akong makitang bakas o usok sa loob.

May mali ba?

"F-ffft"

Napakunot ang noo kung napalingon sa aking harapan ng makitang isang tipaklong ang bumugad saakin. Namumula pa ang mukha nito dahil sa pagpipigil ng tawa.

'Sige lang pigilan mo hanggang sa iba yan lumabas!'

"BWAHAHA!" napataas bigla ang kilay ko habang nakatingin sa kanya nagtataka.

Matanong lang, anong nakakatawa?

Baliw na yata tong isang 'to eh.

Seryoso ko lang siyang tiningnan, habang siya? Ayan, mamamatay na sa kakatawa. Sa pagkakatanda ko at sa hindi ko pa pagkakaroon ng amnesia dahil sa pagkakahulog, siya ang nag iisa kong kuya na BULLY.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay at halos ilubog ko yung mukha ko sa unan dahil sa inis ng makitang may hawak itong kaldero.

'Aba't, naisahan ako ni kuya tanda ah!'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's The Badboy's NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon